#Chapter41

416 6 0
                                    

#Chapter41

Alice' POV

Pagkagising na pagkagising ko ay agad akong naligo tatlong oras lang ako nakatulog dahil sa pag iisip kung paano ko papatayin si Wolf.

Excited na kung excited pero nakahanda na lahat ang gagamitin ko.

Lumabas ako ng kwarto na naka leggings at fitted gray sando at naka pony tail.

Bumaba ako sa unang palapag alas sais na pero mag jojogging padin ako dahil alas tres na ng umaga ako nakatulog.

"San ka pupunta?"

"Shit" malutong kong mura ng biglang sumulpot tong lalaking to.

"Andito ka pa? di ka ba umuwi?"

"Umuwi"

"Ang aga aga pa Zyryl bakit andito ka na sa bahay?"

"Sabi mo ngayon na tayo mag usap"

"Oo ngayong araw pero hindi ganito kaaga at mag jojogging ako."

Nakagawian ko ng layasan siya kahapon ko lang nasimulan.

Nag simula akong mag jogging sa gilid ng kalsada di na ako pwedeng mag jogging sa gitna ng kalsada dahil may mga kotse ng dumadaan.

Di na talaga ako makapag hintay Mamaya baka kasi nalaman ni Wolf na alam na naming nasaan siya at lumipat na ito ng pagtataguan.

'Na trace ko na, alam ko na kung nasaan si Wolf'

yan lang ang huling sinabi ni Belle at umalis na sa harap ng kwarto ko habang humihikab kagabi.

Pero teka bakit ko pa nga pinaghihintay ang pagsusugod ko kay Wolf na pwede na nga ngayon agad ora-orada.

Kung susulong kaya ako pagkatapos kong mag jogging? or pwede naman ngayon? ah basta pag uwi ko nalang para naman makapag relax ako.

Jogging is my way to relax myself by the way di ko alam kung bakit basta nakakapag relax ako sa tuwing nag jojogging ako. At bunos yung makakapag isip ako ng matino, nakakaisip naman ako ng matino kahit di ako mag jogging pero iba padin talaga sa tuwing nag jojogging ako.

Zyryl's POV

Ginulo ko yung buhok ko dahil sa frustration.

"Samahan mo muna akong mag agahan Zy.. mamaya pa yun" rinig kong pag aya ni Belle mula sa kusina.

Naalala ko naman yung sinabi ni Alice sa hospital.

"Okay lang ako" umupo ako sa mahabang sofa nila, di naman kasi ako umuwi sa bahay eh, dito ako natulog nagbabakasakaling pagsapit ng alas 3 ng umaga ay lalabas si Alice sa kwarto niya at makakapag usap sila ng matino tulad nung una niya itong makasama simula nung nawala siya, pero nabigo ako dahil di talaga siya lumabas sa mga oras na yun ngayon lang at nag jogging pa siya na ang dami ng tao.

For sure pinag titingnan na siya sa mga lalaki dito sa subdivision ikaw ba naman ang mag suot ng legging at fitting na sando na bakat na bakat yung kurbada niya at saka yung malalaki niyang hinahanarap. Actually di naman siya malaki talaga, basta may hinahanarap siya yun na yun.

"I know gutom ka Mr. Hilgen and I know you feel awkward between us dahil sa sinabi ng napagaling kong pinsan. As if naman magugustohan kita, pero tbh nagustohan naman talaga kita"

Naagaw naman ni Belle yung atensyon ko kaya napalingon ako sakanya na may malaking mata dahil sa gulat.

"Relax gusto kita para sa pinsan ko. You're not my type by the way, so pwede na ba tayong kumain? or di parin? ihahatid ko ba dito sa sala ang hinanda ko para sayo?"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now