#SpecialChapter2

1.2K 24 0
                                    

#SpecialChapter2

Alice's POV

"Zyryl!" sigaw ko sa pangalan niya.

Bumaba naman ito ng nakaboxer, halatang kagigising lang.

"Gago ka! bakit ganyan itsura mo?" tinapon ko naman sakanya ang puno na na diaper.

"Ano ba Alice!" sinamaan ko naman siya ng tingin, agad naman itong naging tuta.

"Bumalik ka sa kwarto magbihis ka!"

"Oo na, inaantok pa ako eh ikaw na talaga alarm clock ko"

"Akin din daddy! si mommy yung alarm clock ko" singit naman nitong pitong gulang na anak naming lalaki na panganay, kinarga naman ito ni Zyryl.

"Hindi ba nagsasawa mommy mo kakasigaw baby Zyros?"

Tinaponan ko ulit ito ng kutsara at sapol sa likod niya.

"Aray naman Alice!" humarap naman ito saakin.

"Titigil na ako kakasigaw lalayasan ko na kayo!"

Kinarga ko naman ang bunso naming anak na si Alicia, pero nagulat nalang ako nang makaramdam ako ng yakap.

"Joke lang naman eh, wag mo kaming iwan, baka lilibutan ko na naman ang buong mundo para lang mahanap ka."

"Mommy ako po hindi nagsasawa sa sigaw mo po"

"Wag niyo kong lambingin, iiwan ko talaga kayo"

"Alice naman eh! wag ka naman mag biro ng ganyan, joke lang yun"

Tinanggal ko naman yung isang braso niyang nakayakap saakin at binalik sa crib si Alicia.

"kumain ka na diyan Zyros"

Kumuha naman ako ng kutsara para ipagpatuloy ang pagpapakain kay Alicia.

"Ako? pano ako?" pinantayan naman ako ni Zyryl, tinitigan ko lamang siya at inirapan.

"Magbihis ka na" agad din naman itong sumunod sa sinabi ko at tumabi na kay Zyros pagkatapos niyang magbihis.

"Alam niyo? para akong nag aalaga ng tatlong bata na walang asawa" pauna kong sabi sakanila.

"Baka gusto mo subuan din kita Zyryl?"

"Pwede? pasubo ako gusto ko dede"

"Pwede ka po non daddy? akala ko pag big ka na po hindi na pwede, yun ang sabi ni mommy saakin"

Kinarga ko naman si Alicia at tinitigan ang mag ama ko.

"Yes pwede pa non baby pero depende yun, diba Alice? dumidede nga ako sa mommy mo kagabi nga dumide pa ako"

Napalapit naman ako ng wala sa oras kay Zyryl at piningot siya.

"aray aray hindi na nga"

"Kung ano ano tinuturo mo sa anak mo ah!"

Hinawakan niya naman ang kamay kong kanina lang pinipingot at hinila niya ako paupo sa binti niya.

"Mag dahan dahan nga may bata akong dala eh"

"Maganda ka padin kahit na nakadalawa na ako sayo" bulong niya at hinalikan ako ng mabilis.

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Dito muna ako sa mag ina ko miss ko kayo eh"

"Aliiceeeee" napatingin naman kami sa pinto ng dining area namin, andon si Belle kasama ang asawa niya at dalawang anak.

Tumayo naman ako at nilapitan sila.

"Bakit kayo andito?"

"Isasama namin si Zyros sa family day ng school ni Venice"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now