CHAPTER 1

1.8K 31 5
                                    


Year 2018

Michael Jericho's POV

Napabalingwas akong bumangon dahil sa magkakasunod na katok sa office ko,

Hayy ngayon na nga lang ako makakatulog dahil katatapos lang ng tatlong sunod sunod na operasyon eh.

"Come in" bubugbugin ko itong istorbo sa tulog ko!

"Good evening po Doc" ngumiti nalang ako sa kanya kahit sinasakal ko na sya sa isip ko,

"Bakit ka nandito?" Inis kong tanong sa kanya, istorbo! Pangit! Sarap ipahiram sa aso ang mukha

"Ahh, may irereport lang sana ako Doc, nakaka istorbo ba ako?" Binaling ko nalang yung atensyon ko sa mga profiles ng pasyente ko baka kasi masakal ko itong pangit na lalake na istorbo sa panaginip ko kung titignan ko pa sya

"Ah, obvious ba? Ngayon na nga lang ako makakatulog dumating ka pa, tatlong operasyon lang naman ang sunod sunod kong ginawa sa araw na to" sarcastic ko na sagot, subukan nya kayang maging head doctor dito, tsk, ang bata bata ko palang yun na ang trabaho ko.

"Sorry po Sir, may high profile po kasi na pasyente ngayon sa hospital" nilingon ko sya, high profile.

"Paano sya naging high profile?" Tanong ko, bakit ko natanong? Kasi interesado ako? Naalala ko kasi si Keith sa mga high profiles na yan.

"Multi millionaire, business woman po sya Sir, galing po sya ng states" ahh babae sya,

Wait! May Keith na ako, I can wait, eh ano naman ngayon kung mayaman yung pasyenteng yun? Baka mukha namang chaka

"Tapos Doc, kasing edad nyo lang. Ahihihi" sinamaan ko ng tingin itong Nurse na shokoy

"And so?" Seryoso kong tanong, hayy nako

"Malay mo Doc, sya na yung one and only mo, yieehh" napakamot ako ng ulo. Ang sarap hambalusin ng walis Tingting ang mukha nitong pangit na to psh

"Not interested, ano daw bang nangyari sa high profile person na yun?" Bored kong tanong

"Three months ago, nabangga ang sinasakyan nya, it was in US, last week lang daw sya nagising mula sa pagiging comatose, and now she has amnesia" tumango tango nalang ako, kawawang babae, mayaman nga Di naman makaalala

"Umuwi sila ng Pilipinas dahil dito daw sya lumaki baka makatulong daw ang lugar na ito para madali syang makaalala" hayy si Keith kaya kailan kaya uuwi dito

"At kailangan daw nila ng Personal Doctor, hehe Doc this is your chance, walang operasyon Hanggang sa makaalala sya, tapos mas malaki pa yung sweldo, kaya kunin mo na ito!" Nagbuntong hininga ako at tinignan ang nurse ng masama

"Bakit ako?! Masyado akong busy, mas gugustihin ko nang mag opera kaysa bantayan ang isang taong nakalimutan ang lahat, tapos pag nakaalala na iiwan ka nalang ng basta basta, sasabihin na babalik sya tapos hindi naman na pala!" Napahinto na tinitigan ako nung Nurse

"Eh Doc, bakit po tayo napunta sa pang iiwan? Diba yung pasyente lang yung topic natin?" Naguguluhan nyang tanong, tinignan ko sya ng masama,

Namimiss ko na talaga si Keith, 10 years antagal na! Babalik pa kaya sya?

"Doc, maiba tayo maganda ang babaeng yun, nakita ko sya kanina!" Binaling ko nanaman ang atensyon ko sa profiles ng mga pasyente

"Oh tapos?" Hindi ako interesado, may Keith na ako, babalikan nya ako

"Doc, totoo bang bakla ka?" Kahit wala akong iniinom nasamid ako huwattt?

"What?! No!" tipid kong sagot tinaasan naman ako ng kilay nung Nurse sarap imudmod sa putik yung mukha nya

"Eh bakit wala kayong girlfriend? Tapos ayaw nyo din ng magagandang babae?" Andaming tanong kinagwapo nya? Mukha syang unggoy, ayy Hindi mas lamang pa ng sampung paligo ang unggoy!

"Tss, tell me about the patient" asar kong sabi, hayyy mapapasubok ata akong mag bantay ng amnesiac,

"Her name is Keizel Keith Villamil, multi millionaire business woman-"

"Ano ulit yung pangalan nya?"

Shit tama ba yung narinig ko?! Keizel Keith Villamil? Huwattt?!

"Keizel Keith Villamil Doc" nabitawan ko lahat ng hawak ko,

No this can't be! My amnesia si Keith?! Hindi, baka kapangalan nya lang, maraming Keizel Keith Villamil sa mundo, hindi lang sya

"Interesting Doc, nag aral din sya sa school nyo dating high school pero di nya naituloy, wew kilala mo sya Doc?"

Napalunok ako ng laway, no hindi pwede! Babalik sya na hindi manlang ako maalala?! What the hell! Hinintay ko sya ng sampung taon tapos ganito lang yun? Ang sakit ah

"Room number nya?" Yun lang ang tanging nabanggit ko, hindi sya si Keith, hindi sya ang prinsesa ko please lang!

"VIP Room number 32" nakangiti nyang sabi sabay Bigay sakin ng isang papel,

Profile

Hindi pwede to!

Si Keith nga!

Pero bakit? Paano?

Masaya dapat ako na bumalik sya, pero bakit naman wala syang maalala? Bakit sya nag kaamnesia?!

Earth naman eh

"Kukunin ko to, ako ang magiging Personal Doctor nya"

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now