CHAPTER 3

730 19 0
                                    

Keizel Keith's POV

Di ko maiwasang magtaka sa lalakeng kaharap ko ngayon

Bakit iba ang feeling? Bakit pakiramdam ko kilala ko na sya dati pa? Dalawa nalang kami ngayon sa kwarto ko dito sa Ospital, iniwan muna kami ng mga unggoy

Mabuti nalang nakakasurang makita ang mga mukha nila, tsss

Si Kevin lang ata yung may itsura, syempre kasi Kuya ko sya pag sinabi kong pangit sya, parang sinabi ko na ring pangit ako, kaya pagbigyan nalang gwapo sya

"Anong huli mong naaalala bago ang aksidente?" Nagsalubong yung kilay ko. Ang galing ng tanong nya ah, doctor ba talaga sya?

"Nagka amnesia tapos may maalala bago ang aksidente? Ni hindi ko nga alam yung pangalan ko pagkagising ko eh" sagot ko, tumango tango naman sya

Bakit parang ang lungkot nya? Bakit ba ako affected? Kasi hmm diko alam!

"Ahh, ganun ba? Tatlong buwan kang comatose, tapos pagkagising mo wala kang maalala, normal lang yun sa taong severely damaged ang brain dahil sa pagkakabagok ng ulo, normal person usually gain their memories and it could take a month and so, pero meron ding chances na hindi ka na muling makakaalala" tumikhim sya at tumingin ng seryoso sakin, bakit ganito ang feeling

Bakit ang sakit nung sinabi nyang baka di na ako makaalala muli?

"Normal lang ba ang pagbabago ko ng personality?" Tanong ko sa kanya, eh kasi naman sobrang nagulat yung mga unggoy nang mag tuloy tuloy akong nagtagalog sa kanila, at hindi lang yun muntik pa silang mag paparty ng tinawag ko silang 'Kuya' turned out na hindi pala ako mabait ouch lang

"Yeah it's normal, apparently ito ang tunay mong ugali, siguro yung ugali mong pinapakita mo dati sa kanila ay facade, meaning hindi totoo, minsan nangyayari ito dahil sa pangyayari na  traumatized ka, pwede ring dahil takot ka, or worst dahil ayaw mong makakitaan ng kahinaan"

Yung totoo, neurosurgeon ba ito or psychologist?

"Kilala mo ba ako?" Nyah! What the hell ano tong lumabas sa bibig ko! Aish bad mouth!

"Malalaman mo din kapag na regain mo na ang memories mo, all we have to do now is to wait and focus on your health, magpahinga ka na muna Miss Villamil" psh! Anu ba yan! Nakakainis naman sya eh

Tinignan ko sya ng mariin, dapat makilala ko sya, dapat may maalala ako, dapat

"Awww" takte ang sakit ng ulo ko huhuhu, tumikhim sya at tumingin sa akin, ang hilig nyang tumikhim parang laging naiiyak sya tsss

"Wag mo kasing pilitin, mas magiging delikado pag ifoforce mo na may maalala ka, I'll be going just rest for now"

Pinanood ko syang lumabas, sino ba sya

"Aray" wahhh yung ulo ko huhuhu

~~~~~

Michael Jericho's POV

Pagkalabas ko napaupo agad ako, shit ang sakit! Bakit ni isang alaala wala manlang natira? Bakit ang unfair naman ata,

I've waited for 10 years, tapos ganito lang? Ano bang kasalanan ko at nararanasan ko ito!

Pinunasan ko nalang yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan, tama bang kunin ko itong trabaho na to? Mas masasaktan lang ako diba?

Pero sobrang namiss ko sya, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon gusto ko parin syang makasama, gusto ko parin syang makita,

Tumayo ako at dire-diretsong pumunta sa office ko, hayyy

Bzzt bzzzt bzzzt bzzzt

Sinagot ko yung tawag

"Hello?" Wahh nakakainis talaga

"MJ? Bakit ganyan boses mo? Okay ka lang?" Napangiti ako ng mapagtanto kong si Ecka to, best friend I need her right now

"E-ecka she's back" wahh huhuhu

"S-sino?! Si Keith? Omyghad! Congrats then" halatang masaya sya sa kabilang linya kaya parang napaatras akong sabihin sa kanya na hindi nya na kami naaalala, ayaw kong makasakit

"Ahh oo, bakit ka nga pala napatawag?"

"Kasi baka pumunta ka sa bahay bukas, nagbakasyon kasi kami ni Hon, kasama si Kim, kaya wala kami sa bahay ng one week"

Bigla akong nalungkot huhuhu, bakit pati si Kim isasama? Yung anak ko wahhh

"Ahh, okay" sagot ko nalang at pinatay ko yung tawag

Huminga ako ng malalim at kinuha yung wallet ko, napangiti ako ng mapait

Yung picture namin nung prom,

"Ang daya mo naman Keith. Sobrang daya mo"

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon