FINAL CHAPTER PART 3: HONEYMOON

164 5 1
                                    

FINAL CHAPTER PART 3: HONEYMOON

Keizel Keith's POV

Nagising ako na medyo kumikirot yung ulo ko, nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Hindi ako familiar kung nasaan man ako, sinubukan kong bumangon at tignan ang suot ko, kailan pa ako nagpalit? Ang huling naalala ko ay nakatulog ako sa reception kagabi dahil sa sobrang pagod

Nagbuntong hininga ako, unang araw ng pagiging mag-asawa namin iniwan nya ako rito? Aish nasaan ba ako?

Napalingon ako sa pinto nung may nag bukas nun, napangiti ako ng makita ko si Michael na nakasuot ng Apron, pfft bagay nya

"Sa wakas gising na ang sleepyhead kong asawa" nakangiti nyang sambit sabay ang paglapit sa akin at hinalikan yung noo ko

"Nasaan tayo mahal ko?" Tanong ko, umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko

"Nasa France na tayo mahal ko, sa sobrang tulog mantika mo, nangalay ang braso ko, kakabuhat sayo, hindi mo na nga natapos yung reception" napalunok ako kaya natawa sya at ginulo gulo ang buhok ko

"Sorry, napagod ako Mahal. Nakakahiya naman" muli syang natawa at hinalikan ulit yung noo ko

"Ayos lang, nag enjoy naman ako sa pagbuhat sayo hindi ka naman masyadong mataba, kaya hindi ako nahirapan" napanguso ako, masyado?! So mataba nga ako? Sexy ko kaya tsss

"Maghanda ka na mahal, kakain na tayo para mas tumaba ka pa, biik pfft" napanguso ulit ako kaya tumawa ulit sya

"Hindi ako biik! Sexy ako, Sexy!" Tumawa sya hanggang sa mapahiga sa higaan

"Oo nalang Mahal, pfft" sinipa ko sya kaya nahulog sya sa higaan, tumatawa parin sya kaya tumalikod nalang ako at pumunta ng banyo, ang aga aga nang aasar. Muli ko syang sinulyapan, nagsalubong yung kilay ko ng makita ko syang tumatawa parin palabas ng kwarto.

Tinignan ko yung katawan ko, hindi naman ako mataba, may pagkataba lang yung braso at binti ko, laging long sleeve na black ang suot ko kaya hindi halata.

Teka?! Nakita nya ba?! Don't tell me sya yung nagpalit sa akin?! What the?!

MANYAK! PERVERT!

Napahawak ako sa katawan ko, wahhhh hindi! Baka mali lang ako ng iniisip, pero wahhhhh manyak!

Pinuntahan ko yung maleta ko para sana kunin yung susuotin ko, napanganga ako sa laman ng maleta ko, what the fudge?!

"MICHAEL JERICHO MENDEZ!" Narinig ko ang mga yapak nya papunta sa kwarto

"Bakit mahal? May problema ba?" Inosente nyang tanong, pinakita ko sa kanya yung laman ng maleta ko, nagulat ako ng nag iwas sya ng tingin

"Bakit ganito ang mga damit dito? Kung hindi see-through, maiiksi?! Sinong nagpalit ng mga damit ko rito?! Alam mong hindi ako nagsusuot ng ganito!" Nanggigigil kong sigaw, Napalunok naman sya tapos nagcross fingers, yun yung lagi nyang ginagawa pag tense sya at hindi alam ang sasabihin

"S-si Michiko. T-tinanong nya kung s-saan yung maleta mo, tulog ka nun kaya tinuro ko, h-hindi ko alam na papalitan nya ang l-laman" tinignan ko sya ng masama at nagbuntong hininga

"Sige na, labas! Maliligo na ako! LABAS!" Sigaw ko kaya nagmamadali naman syang lumabas. Napalingon ulit ako sa mga damit sa maleta ko, ATE MICHIKO!!!

Tinawagan ko sya. Wala pang ilang ring ay sinagot nya na

"Oh? Bunso, napatawag ka?" Halata sa boses nya na naalimpungatan sya, gabi ata ngayon sa Pinas

"Bakit mo pinalitan ang mga damit ko?! Hindi ako nagsusuot ng ganito Ate!" Narinig ko ang pagtawa nya. Kaya napaikot ako ng mata

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now