CHAPTER 26

291 12 2
                                    

Michael Jericho's POV

Hanggang ngayon hindi ko parin matingnan si Kuya ng deretso. Nakakahiya talaga, bakit kasi ang ganda ng mahal ko eh, diko tuloy mapigilan ang sarili ko

"Ilan ang gusto nyong anak Mendez?" Nabitawan ko ang kumbyertos ko

*Cough* *Cough* *Cough*

Napalingon ako kay Keith na umuubo at parang kamatis na sa sobrang pamumula, pfft

"K-Kuya di ko pa nga sya sinasagot eh!"  Nagpipigil silang lahat ng tawa, ako naman halos hindi na makain ang pagkain ko, sesh ang awkward

"Sagutin mo na kasi si Mendez, lahat kaya kami boto sa kanya" napangiti ako ng palihim, wahhh hahaha go mga kuys!

"Psh, no" nilingon ko sya, tinaasan nya ako ng kilay sabay nilabas ang dila nya, napakamot ako ng ulo aish

"Bakit? Gwapo naman si Mendez. May magandang trabaho, mabait ehem ideal husband" natawa ako ng biglang umubo si Keith, samahan mo pa yan ng pamumula nya, pfft

Nilapitan ko sya at binigyan ng tubig at hinigod ang likod nya

"Oh diba? Bagay kaya kayo! Siguradong magiging maganda ang lahi nyo" nagulat ako ng may tumilapon na tinidor sa harapan ni Chan, mabuti nalang nasalo nya, pfft,

"Grabe ka talaga Boss, honest lang naman si-" hindi na naituloy ni Santos yung sasabihin nya ng may kutsilyo ding tumilapon sa harapan nya

"Wag nyong inaasar si Baby sis ko. Pero kailan ba ang kasal?" Tumayo na si Keith at hinabol yung Kuya nya, napangiti ako, sana lagi nalang ganito.

Ang saya makita na ganito si Keith, tawa ng tawa sila Chan ng nahabol ni Keith si Kuya Kevin at sinasabunutan nya na ngayon pfft

~~~~~

"Kuya, isa lang naman eh!" Kanina pa nagmamaktol si Keith ng dahil sa ayaw syang bigyan ng alak ng kuya nya, ako, si Kuya Kevin, Santos, Chan at Lewis, umiinom ng alak, habang sya juice pfft

Pinag bawalan namin sya kaya kanina pa nagmamaktol.

"Konti lang naman eh! Sige na kasi ah" para syang bata

"Huli kang uminom ng alak, naaksidente ka! Tatlong buwan kang comatose, pagkagising mo wala kang maalala kaya hindi pwede! Pakinggan mo ako" biglang naging seryoso kaming lahat sa sinabi ni Kuya Kevin

"Ayaw mo yun? Baka pag uminom ako ng ganyan may maalala ako, yun lang naman ang gusto kong itry eh-"

"No! Hindi pwede!" First time kong nakita si Kuya Kevin na ganito kaseryoso. Nakatingin lang sya kay Keith

"Bakit pakiramdam ko pinag kakait nyo sa akin ang makaalala ako? Bakit ang unfair nyo? All I want is to remember all of those things! Sobrang gulong gulo na ako!"

"Why can't you just listen to me Keizel?! Gusto mong makaalala para ano?! Para iwan mo ulit ako? Ikaw lang yung natitirang pamilya ko! Nag iisa ka lang kapatid ko! Pero paano mo-" napahinto si Kuya Kevin, napalunok ako ng laway, muntikan na yun

"Iniwan kita?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ayaw ko namang mangielam kasi magkapatid ang nag uusap labas ako dito

"No. Sorry pero gusto ko lang talaga ang ugali mo ngayon Keith. Hindi naman sa ayaw kitang makaalala, gusto ko lang na maging masaya ka hindi tulad noon, na masabi mo lahat ng nasa puso mo, di tulad noon" pinunasan ni Keith yung tumulong luha ng Kuya nya, wahhh huhuhu grabe

~~~~~

Keizel Keith's POV

Pumunta nalang ako sa kwarto ko. Hayy grabe bakit parang mas madrama pa ata ang mga lalakeng yun kaysa sa akin?

Wala akong magawa kaya binuksan ko nalang yung phone ko at sinearch yung pangalan ni Cyan, napanganga ako ng nalaman kong halos pareho kami.

Pinag aralan, yaman, edad, high profile din sya wahhh ang astig nya pero bakit kaya sa lahat ng picture nya eh nakasunglass sya?

"Keith" tinago ko yung phone ko at binuksan yung pinto, hayyy anong ginagawa ng itik na to dito

"Bakit?" Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin, wahhh galawan nya!

"Hindi mo ba talaga ako gusto?" Napalunok ako ng laway, alam kong gusto ko sya, pero mas maganda na sagutin ko sya pag nakakaalala na ako diba?

"Ah eh kasi-" mas hinigpitan nya ang yakap nya sa akin. Wahhh huhuhu gusto nya ba akong patayin

"Mahalin mo ako Keith please love me" sobrang bilis ng tibok ng puso ko,

"Mahal kita Michael. Pero hindi ko sigurado kung sino ka talaga sa buhay ko dati" nagulat ako ng hawakan nya yung magkabilang pisngi ko at hinalikan yung noo ko,

Aaminin ko. Kinikilig ako

"May sasabihin ako sayo bukas kapag pinuntahan na natin ang parents mo" niyakap nya ulit ako,

Bigla akong nanlamig, hindi ko alam kung bakit bigla akong lumuha, ano naman kayang sasabihin nya?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now