CHAPTER 43

153 5 0
                                    

Michael Jericho's POV

"It's not what you think mahal ko" tugon ko kasabay ang paglapit sa kanya ngumiti naman sya sa akin habang pinupunasan ang mga luha nyang patuloy lang sa pag daloy, nasasaktan ako na nakikita ko syang ganito, lumayo sya ng konti sa akin

"Cyan needs you, kailangan mong pumunta sa kwarto ngayon na" naramdaman ko ang coldness sa boses nya, yung boses na para bang normal lang dati na gamitin nya

"Keith, let me ex-" tumingin sya ng diretso sa akin at ngumiti

"No need for explanation, you've already done the damage" ngumiti sya ng mapait sa akin at pinunasan yung labi ko gamit ang thumb nya, para akong maiiyak sa ginagawa nya

"Masarap ba Michael? Nag enjoy ka ba?"

Niyakap ko sya pero tinulak nya ako, napalunok ako ng ilang beses, diko alam kung anong sasabihin ko

"Keith naman. I didn't want that thing to happen sinadya nya yung gawin, please naman. Alam kong galit ka-"

"Oo galit ako Michael, pero maniwala ka hindi sayo, galit ako sa ginawa nyo" tinignan ko sya na nagtataka pero walang emosyon yung mga mata nya, diretso lang syang nakatingin sa akin habang tumutulo parin yung luha nya sa pisngi nya

"Mahal ko-"

"Mauna ka na sa kwarto Michael. Kailangan ka ni Cyan. Baka mamatay na yun dun dahil naubusan ng dugo" pinunasan ko yung luhang dumadaloy sa pisngi nya, kahit hindi nya sabihin alam kong nasasaktan parin sya

Pero knowing Keith. Hindi nya ito sasabihin dahil ayaw nya ng mas lumala pa kung ano mang bumabagabag sa kanya. Gusto nya lang na solohin ang lahat. Tinanggal nya yung kamay ko sa may pisngi nya kaya lalo akong nanlumo

"Sabay na tayong pumunta mahal. Sige na, please" umiling sya sa akin at tinignan ng seryoso si Michiko na nakatingin habang nakangisi

"Mauna ka na, kakausapin ko lang itong babae mo. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nya" hinawakan ko yung kamay nya para hilain sya kaso winaksi nya yun at tinignan ako ng seryoso. Nakakatakot pag ganito na sya tumingin, parang ano mang oras ay puputok na sya sa galit

" Mahal ko wag ka namang mag isip ng ganyan, ikaw lang naman eh, at saka ayaw kong umalis dito baka kung anong mangyari sayo-"

"Umalis ka na" sobrang ang lamig ng boses nya, nakatingin lang ako sa kanya, nag aalala ako, sobrang nag aalala, hindi ko maipaliwanag ang halo halong nararamdaman ko

"Pero Keith-"

"Ano ba?! Sinabing pumunta ka na muna sa kwarto diba? Kailangan ka ni Cyan! At pwede ba Michael, Please lang, wag kang mag aalala sakin! Kaya ko ang sarili ko!" Napatigil ako habang tinitignan yung mukha nya na alam kong sobrang nasasaktan. Gusto ko syang yakapin pero bakit parang may pumipigil sa akin. Hindi ko sya pwedeng iwan, baka may mangyari hindi ko kakayanin

"Keith, please lang wag mo na syang kausapin. Wala kang mapapala, baka mas maging delikado para sayo-"

"SHIT! NAGAWA MO NGA AKONG SAKTAN! HINDI BA DELIKADO YUN SAKIN? PINIPILIT KONG HINDI NA ISIPIN YUNG NAKITA KO! PERO A-ANG SAKIT PARIN! KAYA HABANG NAKAKAPAG PIGIL PA AKO PLEASE LANG UMALIS KA NA SA HARAPAN KO! ANG SAKIT KASI NA NAKIKITA KA! KAHIT PA SABIHIN MONG SINADYA NYANG MANGYARI YUN MASAKIT PARIN AT BAKA MAKAGAWA PA AKO NG DESISYON NA PAG SISISIHAN KO" napaluha ako habang tinitignan syang umiiyak. Hindi ko kayang makita syang ganito. Ayaw kong umalis sa tabi nya, lalo na ngayon at alam kong nasasaktan ko sya

"Keith. Hindi ko inaasahan na gagawin nya yun-"

"Mag usap tayo mamaya, kakausapin ko muna si Lee, kailangan ka ni Cyan umalis ka muna sa harapan ko" hindi ako sanay na ganito sya makipag usap sakin. Hinawakan ko ulit yung kamay nya pero nagulat ako ng dumapo yun sa pisngi ko, sinampal nya ako

"Ang sakit Michael. Pagbigyan mo na muna ako. Umalis ka muna sa harapan ko. Babalik ako mamaya, in one piece so please, wag mo na muna akong kausapin nasasaktan na ako pilitin ko mang wag nang intindihin ang nakita ko pero bakit ganun? Ang sakit sakit, sobrang sakit" umiling ako sa kanya

"Keith, please lang mahal ko, hindi ko ginusto na mahalikan nya ako, hindi mahal ko, hindi kita kayang saktan" narinig kong tumawa si Michiko, prente lang syang nakaupo at nanonood sa amin

Umalis naman si Keith sa harapan ko at hinila si Michiko, ngumisi sa akin yung babaeng yun habang kinakaladkad sya ni Keith, susundan ko na sana sya pero tinutukan ni Keith si Michiko ng baril

"Ayaw mong makapatay ako diba? Kung sasama ka sa amin makakapatay talaga ako papatayin ko itong babae mo! Babalik naman ako. Pero hindi ko maipapangakong walang magbabago, wag kang mag aalala, hindi ko sasaktan ang babae mo tulad ng pananakit mo" umiling ako sa kanya kaya mas nakita ko ang galit sa mukha nya kaya parang wala akong nagawa kundi ang tumungo

"Hindi ko sya babae mahal ko, ikaw lang ang babae sa buhay ko, hinintay kita at tanging ikaw lang ang babaeng hihintayin ko ng ganun katagal" nagbuntong hininga sya at tinignan ako ng mariin

"Mag usap nalang tayo mamaya" napalunok nalang ako, sobrang natatakot ako pero alam kong wala akong magagawa

"Mangako kang hindi mo pipilitin ang sarili mo sa lahat ng bagay Keith. Mahal ko please lang nagmamakaawa ako sayo" lumapit ako sa kanya at binigay yung mga gamot nya, nagtataka naman nya akong tinignan

"Tss, I'm not dying at sisiguraduhin kong mas mauuna tong babae mo sa akin" umiling iling ako sa kanya. Kung pwede lang sabihin yung sitwasyon nya. Di ko na namalayan na walang habas ang pagtulo ng luha ko, sobrang bigat na din nang dibdib ko, tumikhim sya kaya napalingon ako sa kanya

"Wag ka ngang umiyak, dapat ako ang umiiyak ngayon dahil sa ginawa mo Michael, sana pinatay mo nalang ako" tinignan ko sya habang papaalis sila

Nilingon pa ako ni Michiko kaya makaramdam ako ng galit. Kasalanan nya lahat ng to

"The real game begins" natatawa nyang sabi

Yes the real game begins, pero hindi ako kailan man matatalo, hindi mo sya malalayo sakin, hindi ako papayag na hanggang ganito lang to

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now