CHAPTER 47

121 3 0
                                    

Michael Jericho's POV

Halos walang makapagsalita sa amin dahil sa nangyari kay Michiko, nasa critical stage parin sya dahil sa tama ng baril malapit sa dibdib. Habang si Keith naman ay nagpapahinga dahil sa sobrang nashock sa nangyari kanina

Pero hindi ko maalis sa isip ko ang huli nyang tinanong bago sya nawalan ng malay. Paano nya nasabing ako yun? Sa tingin nya ba kaya kong gawin ang bagay na yun?

"Ito na nga ba ang sinasabi ko! Dapat talaga nakinig sa atin si Mich. Hindi na sana nangyari to!" Inis na sigaw ni Cyan halatang nanggigil

"Kailan ba tayo gagawa ng move Kuya? Siguradong uubusin nya tayo kung mananatili tayong ganito" minsan lang talaga mag seryoso si Gian. Tahimik lang sila Kuya Kevin na parang iniisip kung sino ang may gawa ng bagay na yun, hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na may alam ang kambal pati si Michiko kung sino ang taong ito

"Bakit ba ayaw nyong sabihin sa amin? Lahat tayo delikado ngayon hindi ba? Mas maraming mag iisip mas mapapadali ang lahat" napalingon ako kay Kuya Kevin na halatang naiinis sa kambal dahil sa pag sisikreto

"This is not yet the right time Kevs" umiiling iling na sagot ni Cyan na seryosong nakatingin sa amin

"Right time? Ano ang right time para sa inyo? Pag si Keith na ang sinaktan? Pag isa na sa atin ang nasa hukay? Ano?!" Napatayo si Kuya Kevin dahil sa inis, napasabunot sya sa buhok nya at muling tumingin sa kambal

"Bakit nangyayari to? Bakit hindi nalang bigyan ang kapatid ko ng maganda at tahimik na buhay? She deserves more than this!" Inis nyang sabi, napabuntong hininga naman si Gian at napasabunot din sa kanyang buhok

"Kaya nga hindi nasabi ni Keith sayo Kuya Kevin, she knew all about this before the accident. Pero mas inisip nya ang mararamdaman ng mga taong mahalaga sa kanya kung sakaling magka letse letse na ang lahat, at hindi ko alam kung bakit hindi nya tayo tinitigilan ng taong yun, nagawa naman na ni Keith ang gusto nya" natahimik kaming lahat habang nakatingin lang kay Gian. Hinihintay ang susunod nya pang sasabihin

"Naibigay na ni Keith ang gusto nya, she sacrificed her life pero luckily nabuhay parin sya. Hindi ginusto ni Keith ang mag attempt ng suicide, napilitan sya ng dahil sa blackmailing, napilitan si Keith, napilitan syang gawin ang bagay na yun dahil dun tayo hindi mag kakasira-sira. Ayaw nyang mangyari ang nangyari sa pamilya natin several years ago. Na dahil sa isang tao ay nasira ang magandang samahan ng magulang natin" napasinghap kaming lahat. Napahilamos naman ng mukha si Kuya Kevin

"Yung taong nagblack mail kay Keith at yung taong sumira sa samahan ng mga magulang natin ay nag iisa" dagdag naman ni Cyan na halos hindi makatingin sa amin ng diretso

"At yung taong yun ang gustong magpapatay kay Keith this past few months" napalingon ako kay Kuya Kevin na halatang sobrang naiinis na, halos mabasag na yung hawak nyang phone dahil sa panggigigil

"So connected lahat ng nangyayari? Ibig lang sabihin tayo tayo parin ang target?" Halos hindi ko na makilala yung boses ni Kuya Kevin, parang nagiging Keith 1.0 sya pag galit

"Tumahimik ang taong ito nung may away kami ni Keith Kevs, remember 10 years ago? At dahil yun ay ang gusto nyang mangyari ang mag away away ang mas mataas sa kanya. Pero nung nag merge ulit tayo nagsimula nanaman sya, ang taong ito ay ang mismong nagbigay sakin ng tip na sya ang nag traydor sa pamilya natin" unti unti ko nang naiintindihan ang mga pangyayari

"Sinabi ko ito kaagad kay Keith at yun ang pinaka malaking pagkakamali na ginawa ko, sana hindi nya nalang nalaman" nagulat ako ng biglang umiyak si Cyan. Nakatungo sya kaya hindi namin makita ang pag luha nya pero halata sa panginginig ng boses nya na umiiyak sya

"Kasalanan ko kung bakit nangyari yun kay Keith. Kung hindi ko sana sinabi sa kanya ang nalalaman ko, maayos parin sya ngayon" napatayo naman si Kuya Kevin at nilapitan si Cyan, napangiti ako nang makita kong inakbayan ni Kuya Kevin si Cyan

"Ginawa mo lang ang alam mong mas gusto ni Keith, wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan sa nangyari, Keith is the one who chose. But she choose the painful one"

"Ano bang pinag uusapan nyo? Bakit ang seryoso naman ata?" Napalingon kaming lahat kay Keith na kinukusot ang mga mata. Halatang kagigising lang

"It's about Mich, Keith. Iniisip namin kung sino ang may gawa nun sa kanya" pag papalusot naman ni Gian na nagpupunas ng luha

"I know who did that" nagulat kaming lahat na napalingon sa kanya. Kinakabahan na baka may alam na sya

"S-sino?" Sabay sabay naming tanong, ngumisi naman sya sa amin at naglabas sya ng baril

"Pwedeng Ako" napanganga kaming lahat. Di makapaniwala sa sinabi nya, tumayo naman sya at lumapit sa amin, at may sinulat sa isang papel

"Ako ang gumawa nun kay Michiko. Gusto nya daw kasi ang boyfriend ko kaya ko yun ginawa sa kanya" malamig nyang tugon. Hindi parin kami makapaniwala sa mga sinasabi nya, hanggang sa nilapag nya ang papel na kanina nya pa sinusulatan

'They can hear us Idiots. Mas lalo niyo tayong pinapahamak dahil sa kadaldalan nyo'

Napalunok kaming lahat at muling napalingon kay Keith na masama na ang tingin sa amin

"Or baka naman yung boyfriend ko ang may gawa dahil sa galit nya dito, bakit Michael, bakit mo nagawa yun sa kaibigan ko?" Napangisi ako ng hindi sinasadya, grabe ibang iba ang girlfriend ko, napaka cool, kaya nya ba natanong ang bagay na yun dahil alam nyang napapaligiran kami ng mga 'tao' nung taong yun

"Ano ba yang pinagsasabi mo Keith? Bakit ako?" Nagpigil naman silang lahat ng tawa, pati si Keith napatakip na rin ng bunganga at nagsulat nanaman sa papel na yun

'You suck at acting Mendez, what the hell'

Nagbuntong hininga si Keith at tumingin sa akin ng diretso

"I want to meet your dad, gusto kong makilala ang tatay ng boyfriend ko" napalunok ako ng ilang beses saka tumango, nabanggit ko na ba sa kanya na buhay parin ang tatay ko?

Ayaw ni Dad kay Keith, bigla akong nakaramdam ng kaba, anong gagawin ko?

Pero bakit parang may something kay Keith? Ano ba talagang plano nya?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now