CHAPTER 44

127 4 0
                                    

Keizel Keith's POV

Alam kong nasaktan ko si Michael sa mga nasabi ko pero wala akong choice, tinignan ko si Michiko ng masama, nagagawa paring ngumiti sa akin ng higad na to tsss

Nagbuntong hininga ako, sorry Michael pero wag kang mag alala. Walang nagbago sa feelings ko. Mahal parin kita. I just want to clarify things.

Babalik ako at sasapakin ka pag nalaman kong babae mo talaga itong pangit na to, hintayin mo ako mahal ko

Hindi ko hahayaan na masaktan nya ako, hindi ko hahayaan na atakihin ako, gusto ko lang matapos to. Alam kong may alam sya, kahit ngayon lang. Hayaan mo akong malaman ang lahat. Alam kong ito rin ang gusto ng babaeng ito

Pero bakit natatakot ako na baka malaman ko ang lahat sa araw na to? Ano bang meron sa katotohanan na yun?

Tinulak ko si Michiko sa isang bakanteng kwarto

"What an acting Miss Villamil, grabe hindi ko inasahang drama queen ka pala" ngumiti ako sa kanya at sinampal sya

"Para yan sa pag halik mo sa boyfriend ko!" Ngumisi sya kaya sinampal ko ulit sya "Para naman yan sa tama ng baril ni Cyan habang pinoprotektahan ako" tumawa sya kaya mas narindi ako, shit lang

"Miss Villamil, hindi ako ang tunay mong kalaban dito, ang sarili mo yun ang kalaban mo, yang emosyon mo. Masyado mong pinapakita kung sino ang kahinaan mo" ngumiti ako sa kanya at sinampal ko ulit sya, hindi ko mapigilan yung sarili kong saktan sya

"Ano bang ginawa ko sayo? Bakit mo ba ako gustong gustong saktan? Ano bang kailangan mo sa akin?" Tinignan nya ako ng seryoso

"Hindi mo ba maalala? Gusto mo bang ipaalala ko sayo kahit delikado?" Tumango ako sa kanya, ngumiti naman sya ng mapait sakin

"Pinatay mo ang tatay ko, pinatay mo ang Tito ko. How can an 8 year old kid could kill those persons? Sabihin mo sa akin! Bakit mo pinatay ang tatay ko 17 years ago?!" Nakaramdam ako ng konsensya, biglang nag balik sa akin ang aalalang yun. Alaala ng isang halimaw na pumatay ng mga taong pumatay sa magulang nya, napapikit ako dahil sa mga bagay na patuloy na nagpapaalala sakin kung sino at ano talaga ako

"Pinatay mo si Carlo Montenegro ang Tito ko at ama nila Gian, pinatay mo si Mico Lee, ang tatay ko, kulang pang kabayaran yang buhay mo Miss Villamil! Kulang pa yan!" Sigaw nya sa akin napaatras ako, kitang kita ko ang galit sa mga mata nya, nakaramdam ako ng awa sa kanya

"Pinatay nila ang magulang ko sa harapan ko mismo. Binaboy nila si Mommy. Sa tingin mo anong choice ko? Ang patayin din ang sarili ko? Sa tingin mo anong mas sasakit pa sa bagay na yun? Pinapanood mong patayin ang magulang mo habang Wala kang magawa dahil sabi mo nga isa lang akong paslit nung mga oras na yun" diko na napigilan yung luha ko, tinignan nya ako, galit na galit parin ang mga mata nya

"Bakit mo pa kailangan na patayin ang mga taong yun? Hindi mo manlang ba inisip na may pamilya din sila? Na may mga anak din sila na naghihintay sa pag uwi nila?!" Hinayaan kong sampalin nya ako. Ilang beses din yun kaya halos namanhid ang pisngi ko

"Bakit? Hindi rin ba nila naisip na may pamilya din kami? Na napaka bata ko pa nun para mapanood ang kasamaan nila? Naiintindihan kita Michiko, pero naiintindihan mo rin ba kung gaano kasakit? Harap harapang pinakita sa akin!" Napaupo ako dahil sa sakit, hindi lang yung ulo ko kundi buong katawan ko, inuugong ako ng konsensya. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero traydor ang emosyon ko, sobrang nasasaktan ako

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang pakiramdam ko sobrang daming dugo ng kamay ko. Sobrang daming buhay ang nakuha ko

"Bakit ako nakaramdam ng awa sayo? Bakit ako nasasaktan? Dapat magalit ako hindi ba? Pinatay mo na nga ang tatay ko ikaw pa yung gusto ng lalakeng mahal ko, at hindi lang yun ikaw pa ang kinakampihan ng mga pinsan ko" lumuhod sya hanggang sa magkapantay na kami

"Alam mo, Hindi ko inaasahan na iiyak ka ng ganyan, hindi ko inasahan na mag brebreak down ka, akala ko wala kang pakeelam kahit masaktan ang mga taong nakapalibot sayo, ikaw parin yung Keith na nakilala ko. Yung Keith na gusto lang ang mas makakabuti sa lahat" nagulat ako ng bigla nyang pinunasan yung luha ko, napalingon ako sa mukha nya. Wala na yung galit dun umiiyak syang nakatingin sa akin, hindi ko sya maintindihan

"Pero maniwala ka man o hindi. Hindi ako ang tunay mong kalaban dito. Nasa paligid mo lang sya" nagtataka ko syang tinignan, nanlalabo na yung paningin ko pero gusto ko pang marinig ang sasabihin nya

"Gagamitin nya ang kahinaan mo para matalo ka, gusto ka nyang patayin, gusto ka nyang pahirapan. Tulad ng ginawa nya sa mga magulang natin"

"Na-natin? S-sino sya?" Kinuha ni Michiko ang gamot sa may bulsa ko at pinainom nya ito sa akin, ngumiti sya at pinunasan ang mukha ko

"Sasabihin ko sayo pagkagising mo, magpahinga ka na muna alam kong pagod ka, bunso" nakaramdam ako kakaibang pakiramdam. Nilingon ko sya at isang batang babae ang nakita ko, isang kaibigan way back 20 years ago

"A-ate" nanghihina kong banggit. Ngumiti naman sya sakin she caressed my cheeks and everything went black

~~~~

Third person point of view

Flashback 20 years ago

Limang bata ang naglalaro ng tagu-taguan sa isang mansion, makikita mo talaga sa mukha ng mga batang ito ang kainosentehan at kabusilak ng kalooban dahil sa kanilang edad na hindi nagkakalayo sa isa't isa
Anak sila ng mga pamilyang namumuno ng iba't ibang Mafia pero magkakasundo ang mga ito

"Bunso ang galing mo talagang magtago!" Ani ng isang pitong taong gulang na babae sa isang limang taong gulang na bata, ngumiti naman ang batang ito sa babae

"Syempre naman ate! Nasaan naman na sila Kuya, nahanap na ba sila ni Cyan?" Umiling yung batang babae at hinaplos ang buhok nito

"Ang galing rin kayang magtago ni Kuya Kevin!" Natatawa nitong sagot. Napangiti yung dalawang batang babae ng makita nila si Gian na anim na taong gulang palang nahanap na rin sya ng kakambal

"Kahit saan ako magtago gwapo parin ako diba Baby Keith? Diba diba?" Napangiwi naman si Keith at tinignan ang kaibigang lalake

"Sino namang nagsabi sayo sa gwapo ka? Nanay mo? Sinungaling si Tita, diba ate Michiko?" napakamot ng ulo si Gian habang tawang tawa naman si Michiko na nakatingin sa kanilang bunso

"Ang sama mo talaga! Isusumbong kita sa Daddy ko huhuhu!" Ani ng iyaking si Gian. Sinipa naman ni Keith ang batang Gian

"Sige subukan mo isusumbong din kita sa Daddy ko!" Napangiwi naman si Gian at tinignan ang pinsan na kanina pa sila tinatawanan, akala nya kakampihan sya kasi sya ang pinsan pero tinawanan lang sila nito

"Lil sis, inaaway mo na naman ba si Gian?" Umiling iling naman si Keith at niyakap ang kanyang Kuya na siyam na taong gulang na ang pinakamatanda sa kanilang limang magkakaibigan

"Paano ba yan, ikaw ang taya Michiko, Nakakapagod kayong hanapin!" Naiinis na sabi ni Cyan habang pinupusan ang namuong pawis sa noo dahil sa pagod, tumawa naman ang mga ito na para bang walang pinoproblema, walang kaalam alam sa magulong buhay na mayroon talaga sila

"Sige na magtago na kayo, wag kang mag papahanap bunso ah!" Sumaludo naman si Keith sa kaibigan at nagtatakbo para makapagtago
Pero hindi nila inasahan ang pangyayari tatlong taon ang nakalipas, isang tao ang naging sanhi ng pagkakasira ng pagkakaibigan ng kanilang mga magulang, nagkasiraan sila at sila mismo ang dahilan ng pagbagsak ng isa't isa

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now