CHAPTER 53

124 4 0
                                    

Keizel Keith's POV

Nagbuntong hininga ako habang nasa labas ng kwarto ni Ate Michiko, dahan dahan akong pumasok at nakita syang wala paring malay hanggang ngayon,

"Ate. Kilala ko na sya at ang hirap tanggapin ang nangyari, sa daming tao bakit sya pa?" Pinunasan ko ang namuo kong luha at hinawakan ang kamay ni Ate

"Kung ano mang mangyari sa araw na to, ikaw na muna ang bahala sa kanila Ate, hindi ko alam kung anong mangyayari. Nahihirapan na ako, sobrang sakit na, hindi lang dahil sa nalaman ko, masakit na rin lahat kasi pinilit ko ang sarili ko" nabitawan ko ang kamay nya at napasapo ako sa ulo ko, gusto kong umiyak dahil sa sakit pero kailangan ko munang pilitin, huminga ako ng malalim at muling tinignan ang walang malay na kaibigan ko

"Ate. Alam kong bawal ang mga ginagawa ko pero wala akong choice, sorry sa lahat, pati ikaw nadamay sa gulong ito"

Nagbuntong hininga ako at aalis na sana sa lugar na yun pero nagulat ako ng may humawak sa braso ko

"Please. Wag mo nang pilitin ang sarili mo, wag mo na syang puntahan bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga, makakasama sayo lahat ng ginagawa mo bunso" ngumiti ako sa kanya at hinawakan din ang mga kamay nya

"Ate, just rest, ako ng bahala sa lahat" nakita kong naluha sya kaya pinunasan ko yun at ngumiti sa kanya "I can handle this, Ate. Trust me" hindi ko n sya muling tinignan at dire-diretsong lumabas

~~~~

Binuksan ko ang pinto ng office nya, mukhang hindi na sya nagulat sa akin, parang inaasahan nya na ang pagdating ko rito

Umupo ako sa couch at nilagay ang hawak kong baril sa table na nasa harap ko, wala sa plano kong saktan sya

Umupo din sya sa couch na kaharap ko, napatungo ako dahil ayaw kong makita nya ako na namimilipit sa sakit, sobrang sakit na ng ulo ko, natatakot ako na baka ikamatay ko lahat ng ginagawa ko

"Mukhang may gusto kang sabihin?" Tanong nito sa akin kaya tumango ako

"Bakit mo nagawa yun? Alam kong may rason ka at yun ang gusto kong malaman" narinig ko syang nagbuntong hininga. "Rafael, alam kong mabuti ka paring tao. Hindi mo gagawin ang bagay na yun kung walang rason-"

"Naaksidente ang asawa ko 17 years ago, ganyan din ang naging komplikasyon sa kanya" dun ko lang sya tinignan sa mata, deretso syang nakatingin sa akin

"Baon dati kami sa utang sa pamilya mo, tapos nangyari pa ang aksidente na yun, kailangang maoperahan ang asawa ko pero dahil sa gipit, wala akong pera pambayad ng magaling na doctor noong oras na yun" muli akong napatungo dahil namimilipit nanaman sa sakit ang ulo ko

"A-anong n-nangyari?" Hirap kong tanong. Tumikhim sya at tinignan ako ng seryoso, nagsalubong yung kilay nya para bang napapansin na hindi maganda ang pakiramdam ko

"Humingi ako ng tulong sa pamilya mo, pero naisabay yun sa pagkakasakit mo kaya walang naibigay na tulong sakin. Kahit saan ako napunta para akong tanga na humingi ng tulong pero walang manlang kahit isang tumulong" napakagat ako ng labi. Nagkasakit nga ako 17 years ago. Pero hindi ko na maalala kung ano ba yun, ang alam ko lang malala ang sakit na yun

"Bumalik ako ng Ospital ng walang wala, para akong napagsakluban ng tadhana dahil sinumpong yung asawa ko ng oras na yun at kailangan nyang maoperahan, wala akong choice kundi ako ang nag opera sa kanya, ako ang humawak ng buhay nya" napalingon ako sa kanya dahil narinig ko ang mahina nyang pagsinghal, laking gulat ko ng makita kong lumuha sya, nakaramdam ako ng awa.

"Hindi ko nailigtas ang babaeng mahal ko, hindi ko sya nagawang buhayin, sinisi ko ang sarili ko, pero mas masakit ang sisihin ka ng mismong mga anak mo" muli akong napatitig sa kanya, nakikita ko ang iba't ibang emosyon na bumabalot sa kanya

"Pero napag isip ko na hindi ko yun kasalanan, kung nagbigay ng tulong ang pamilya mo, kung hindi ka nagkasakit nung oras na yun, hindi mangyayari ang bagay na yun. Buhay pa sana sya, lumaki ang mga anak ko na walang Ina, at sinisisi ako, pero, hindi lang ako ang may kasalanan" huminga ako ng malalim at napa titig sa mga mata nyang puno ng hinanakit

"Siniraan ko ang mga magulang mo sa mismong kaibigan nyo. Gusto kong maranasan nyo ang sakit na dulot ng lahat sa akin. Gusto kong iparanas sa kanila ang mawalan, kung sa akin ay asawa at ina ng mga anak ko, sa kanila ay ang kanilang anak, pero hindi yun ang nangyari" napalunok ako, hindi ko inaasahan ang mga narinig ko

"Nabuhay ako at namatay ang parents ko at hindi yun sangayon sa plano mo" tumango sya sa akin. Para akong binagsakan ng mabigat na bagay, umiling iling ako at kahit nahihirapan ay tinuloy ko parin

"Pero bakit hindi ka nagpakita ng 17 years, muli ka lang nagparamdam 6 months ago" tumingin sya sa akin ng masama

"Napatawad ko na kayo sa bagay na yun, pero bakit mo ginawa yun sa anak ko? Hindi ka nagpakita ng sampung taon, at alam kong wala kang planong bumalik sa kanya, sobrang sakit para sa akin ang makita ang anak ko na naghihintay sa wala! Minahal ka nya ng sobra pero bakit nagawa mong paghintayin sya ng ganun katagal?" Wala sa sarili akong napaluha, unti unti ko ng naiintindihan

"Dahil ayaw ko syang madamay sa buhay na meron ako, ayaw ko syang mapahamak, alam mo ang buhay natin-"

"That's bullshit! Alam ng anak ko kung sino ka at tanggap nya yun! Kaya nyang gawin ang lahat para sayo! Pero nagawa mo parin syang pag hintayin?! Kung hindi ako nagpakilala nung oras na yun sa tingin mo anong nararamdaman ngayon ng anak ko? Baka mamatay sya sa kalungkutan dahil sa paghihintay sa isang taong wala naman ng planong balikan sya!" Hindi ko na napigilan ang umiyak kasalanan ko rin pala ang lahat

"S-sorry, k-kasalanan ko, pasensya na, h-hindi ko manlang naisip ang bagay na yun, hindi ko pa marerealize kung hindi pa to nangyari, pero maniwala ka mahal ko sya kaya k-ko nagawa yun-"

"Inutusan kitang patayin ang sarili mo dahil sinaktan mo ang anak ko! Yun ang dahilan! Bakit ba kasi ang galing mong manakit!" Tuloy tuloy ang paghabol ko ng hininga, kasabay nun ang panginginig ng mga kamay ko

"Wala ka rin namang pinagkaiba sa akin, Rafael" tinignan nya ako na pawang nagtataka sa sinabi ko. "Panganay mo si Michael at bakit hindi nya alam na may sarili kang grupo? Hindi ba dapat sya ang maging tagapagmana nito? Pero mas pinili mong hindi nya malaman dahil alam mo kung gaano kadelikado" narinig ko ang pagtawa nya at walang kung ano ano'y napahilamos ng mukha

"Kaya ayaw kita sa anak ko dahil alam kong delikado, pero anong magagawa ko mahal ka ng mokong, you got me there Miss Villamil, matalino kang bata" naramdaman ko ang pag hawak nya sa mga kamay ko, hindi ko yun inasahan na gagawin nya

"Pareho lang tayo mahal ko rin ang anak nyo" mas hinigpitan nya ang hawak nya sa kamay ko

"I know, pero sa susunod na gagawin mo ang bagay na yun, hindi na kita magagawang patawarin pa, wag na wag mo nang sasaktan si Michael" tinignan ko sya sa kanyang mga mata

"Hindi ko maipapangako. I sacrificed enough para malaman lahat ng bagay na to" nakita ko ang pag laki ng mga mata nya at bigla nya akong nilapitan. Hindi ko alam kung bakit bigla nyang sinapo ang noo ko at pinunasan ang ilong ko, dumudugo na pala hindi ko pa alam

"Shit" nagtataka ko syang tinignan, pero sobrang nanlabo ang paningin ko. Alam kong marami pa syang sinasabi pero parang sirang plaka ang naririnig ko, wala akong maintindihan, namamanhid ako.

Nakita ko ang pag hugot nya ng cellphone habang hawak hawak parin ang nanginginig kong kamay

"Michael?! Go to my office now!" Pati ang paghinga ko pahirapan na rin, nakita ko pa ang pag aalala sa mata nya bago ko sinara ang mga mata ko, kakaiba ang atakeng ito, ramdam ko ang hirap at takot.

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now