CHAPTER 23

263 7 0
                                    

Keizel Keith's POV

"MANLOLOKO KA!" sigaw ko sa kanya habang tumutulo parin yung luha ko

Wahhh may pa 'mahal ko' 'mahal ko' pa syang nalalaman tapos may asawa't anak na pala?!

Lahat talaga ng gwapong lalake manloloko teka gwapo ba sya hindi! No mukha syang itik!

"Keith. Listen to me please, mahal ko Mali yung iniisip mo" winaksi ko yung kamay nya, hayy nakakainis! Lalo na at nakatingin sa akin yung babaeng yun! Nakakunot yung noo nya

Tapos pati yung bata nakatingin din sa akin, wahhh bakit familiar silang dalawa? Aish!

Tinalikuran ko nalang sila at nagmamadaling umalis dun. Narinig ko pang tinawag ako ni Michael pero the hell I care! Sinungaling! Manloloko!

"I'm really pissed right now! I can't really believe that he did this to me! The hell I'm starting to like him!"

Napahinto ako ng mapagtanto ko na nag English ako ng tuloy tuloy, what the?

"Oy Boss, kain na!" Napalingon ako kay Santos what if ituloy tuloy kong mag English may maalala kaya ako?

"Nah, I'm not in the mood" nakita kong napanganga sya owwkaayy what was that? Bakit parang gulat na gulat sya?

"B-boss nakakaalala ka na?" Napasimangot ako, so talagang englisera ako dati? Wahhh feel ko tuloy ang arte arte ko. Feeling matalino huhuhu

"Ahhh, Hinde hehe, tinry ko lang" nainis nanaman ako nung maalala ko si Michael, that idiot! Aish pinapasakit nya ang ulo ko!

"Ahh b-boss, okay ka lang?" I just found my self gripping my hands in anger, shit! Bakit ako ganito?

Parang ibang tao ako, haist siguro ganito ako talaga pag galit. Nagiging englisera

"Lend me your gun" napanganga si Santos at umiling iling, mas lalo akong nainis

Tinulak ko naman sya at nagpatuloy nalang sa pag lalakad, aish they are all worthless! How did I manage to be with them?

Tinawagan ko nalang si Gian, I guess he's the one I should talk to, I want to regain my memory right at this moment! I'm really pissed

"Arayy" napalingon ako sa lalakeng nabunggo ko. Nagtaka ako kung bakit sya yung natumba eh mas malaki naman sya sa akin, aish lampa! I really hate weak people

"If you're thinking that I'm going to apologize, well think twice I'm not really in the mood right now to deal with your stupidity" napaangat naman yung lalake ng ulo at tinignan ako, nanlaki yung mga mata nya ng nakita nya ako? Kilala nya kaya ako?

"Are you Miss Keith Villamil by any chance?" Tumango ako, nakita ko na nagliwanag ang mukha nya,

"Ikaw yung kinuwento ng asawa ko na kaibigan nya! Damn you're really pretty and cool" tinignan ko sya na may halong pagtataka, medyo familiar sya pero ayaw ko munang isipin baka sumakit pa mamaya ang ulo ko

"Oh your wife? Who the hell is she?" Pinakita nya sa akin ang litrato, napanganga ako nung makita ko na yung babaeng yumakap kay Michael kanina ang pinakita nya tapos may kandong itong bata at yun yung bata kanina

Nakaramdam ako ng guilt. Michael is telling the truth and at the same time nakaramdam din ako ng pagtataka

"Kaibigan ako ng asawa mo?" Nagtataka kong tanong, nakaramdam ako ng hilo nung tumango sya, bakit hindi ko maalala?

"Ahh miss okay ka lang? Bigla ka kasing pumutla eh, may malapit na clinic dito gusto mo bang ihatid kita dun?" Umiling ako, wag ko na munang alahanin baka masermunan nanaman ako ng Michael na yun

Kailangan kong mag apologize sa kanya, hayyy nako, maling akala, hayaan na nga muna

"By the way, anong pangalan nga ulit ng asawa mo?" Ngumiti sa akin yung lalake

"E-"

"KEITH!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, ang bilis naman atang nakarating ni Gian dito? Tumikhim nalang ako, wahhh nahihilo pa ako eh huhuhu

"Ah mag usap nalang tayo next time" nilapitan ko nalang si Gian, ngumiti ako sa kanya pero nakasimangot sya

"Okay ka lang? Bakit ganyan ang kulay mo ang putla! Kumain ka na ba? Nasaan si Jericho? At bakit mo kausap yung lalakeng yun? Pinipilit mo nanaman bang makaalala!" Napahawak nalang ako sa sentido ng ilong ko at minasahe yun. Mas lalo akong nahilo sa mga tanong nya tsss

"You have many questions, but I have only one, kilala mo ba si Cyan Carlo Montenegro?" Nakita kong napanganga sya, tapos umiwas ng tingin sa akin

"Paano mo nakilala ang kambal ko" napangiti ako, nararamdaman ko na malapit na akong makaalala muli. Relax Keith konting tiis nalang, if they're not going to help me to regain my memories then I'll help my self

"Keith okay ka lang?" Ngumiti ako kay Gian,

"Pwede bang idala mo muna ako sa pinaka malapit na clinic dito? Nahihilo ako" nagulat ako nung umupo si Gian sa harapan ko.

"Aish! Bakit hindi mo agad sinabi? Sakay sa likod ko, magpahinga ka muna, hahanapin ko lang yung sinasabi mo" ngumiti ako at sumakay sa likod nya, pinikit ko nalang yung mga mata ko

Ganun ko ba talaga kamahal yung lalakeng yun na hindi ko manlang nakita si Gian? Gian is a good guy at mukhang magkasundo kami, but who the hell is he? At bakit ako pumayag na ligawan ni Michael? I'm starting to think na yung first love ko at si Michael ay nag iisa

But the hell, so funny, edi dapat sinabi na ni Michael matagal na kung sya man yun sa akin diba?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now