CHAPTER 29

287 10 2
                                    

Keizel Keith's POV

Natatawa ako kasi kanina pa hindi makapaniwala si Michael na sinagot ko na sya, kanina pa nagtatanong kung nananaginip daw ba sya

Masaya ako na kami na pero nandun parin ang kakaibang pakiramdam. Kung tama ang pagkakakilala ko sa akin dati, siguradong may matinding rason kung bakit hindi manlang ako nagpakita sa sampung taon na yun

Bakit nga ba? Nilingon ko si Michael na hindi maalis ang ngiti habang nagmamaneho, nakahawak din ang isang kamay nya sa kamay ko. Mamaya mabangga pa kami eh tss

Dumeretso kami sa Ospital, hayy nakakasawa dito, lagi ko namang sinasabi na ayos na ako pero sabi niya mas maganda na manatili ako para mabantayan nila ako.

Nangingilabot ako pag naalala ko na sobrang swerte daw ako dahil nabuhay pa ako, Ibig lang sabihin na parang himala ang nangyari!

Nakakakilabot talaga, bakit kaya nangyari ang aksidente na yun?

"Mahal ko, ang lalim nanaman ng iniisip mo" napalingon ako kay Michael na seryosong nakatingin sa akin, ginantihan ko nalang sya ng ngiti.

"Sorry. Di lang ako makapaniwala na nahintay mo ako ng sampung taon" nakangiti kong sambit. Tumigil naman kami sa paglalakad at hinarap nya ako sa kanya

"Ipinangako ko sayo na kahit abutin pa ako ng daang taon, maghihintay at maghihintay ako, ganun kita kamahal" pinunasan ko yung luha na dumaloy sa pisngi ko, grabe ang swerte ko kay Michael!

"Mauna ka na sa kwarto ko Michael. Pupunta lang akong comfort room" nagsalubong yung kilay nya.

"Hintayin na kita at saka bakit meron namang CR sa kwarto mo ah" ngumiti ako sa kanya at binigyan sya ng halik sa pisngi, nakita ko yung pamumula nya kaya di ko maiwasang matawa, para talaga siyang babae!

"Naiihi na talaga ako eh. Sige na hehe" tumango naman sya at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko

"Okay, pero kapag nakita mo yung bruha tumakbo ka agad, don't talk to that psycho" tumango tango ako. Binitawan naman sya ako aalis na sana ako ng hinigit nya nanaman ang braso ko

Nagulat ako ng halikan nya ako, kahit smack lang yun ramdam ko parin ang pamumula ng pisngi ko, PDA naman oh

Ngumisi sya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin

"Mag isip ka ng endearment na itawag mo sa akin, nakakatampo na pangalan ko parin eh tayo na" napangiti ako at tumango. Binitawan nya na ako kaya dumeretso na ako sa comfort room

Napangiti ako habang naghihilamos. Hindi ko ipagkakaila na kinikilig talaga ako. Hmmm ano kayang pwedeng tawagin sa kanya.

Mahal ko? Hon? Baby? Babe? Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

On the way na ako sa kwarto ko ng may humigit sa braso ko. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak nya. Hinila nya ako sa isang kwarto na bakante

"Miss me?" Bigla akong nangilabot. Hindi ko pa sya nakikilala, pero alam kong delikado sya, magkaiba yung kulay ng mga mata nya, tapos may konting peklat din sa gilid ng mata nya

"I-ikaw si C-Cyan?" Ngumisi sya sa akin, nakahawak parin sya sa braso ko. Hindi naman ako nasasaktan pero ramdam ko ang higpit talaga ng pagkakahawak nya

"The one and only. I miss you Villamil" nanlamig ako. Bakit ako natatakot? Ano ba tong nararamdaman ko?

"Oo na namiss mo na ako. Pwede bang bitawan mo na ako?" Nagulat ako ng tumawa sya. Nagpupumiglas ako pero hindi nya ako binibitawan. Baliw na ba sya? Creepy

"So you still haven't regain your memories? Is it a good thing or a bad thing?" Ngumiti ako sa kanya, sayang gwapo sana sya hayy nako

"The truth is. I'm disappointed right now, and I'm pissed, I am just remaining calm but I'm cursing myself deep inside, so please let my hand go" binitawan nya ako nagulat ako ng makita ko ang pantal sa kamay ko. Wow hindi manlang ako nasaktan? Mukhang mapapagalitan nanaman ako haist

"Miss Villamil. Hindi ito ang gusto kong mangyari" nagtataka akong tumingin sa kanya, ano bang pinagsasabi nya? Wahh baliw na talaga sya. Kanina galit lang ngayon naman mabait na?

"Ang gusto ko ay parusahan mo sya, hindi ang sarili mo" napaatras ako kasi alam kong nababaliw na sya, bakit ko naman paparusahan ang sarili ko? At sino naman yung 'sya'? Wahhh hindi lang pala di Higad ang psycho huhuhu napapalibutan ako ng mga baliw

"Ahm, Cyan. Ano ba tayo? Friends or enemy? Pasensya na ah. Hindi ko talaga maalala eh" ngumiti sya sa akin. A genuine one, hindi ko alam kung bakit nagulat ako. Para bang ito ang unang pagkakataon na ngumiti sya sa akin

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong we're both? Frenemy to be exact" niyugyog ko sya, wahh kaibigan na kaaway ko si Cyan, nagulat ako ng tumawa sya kaya napangiti ako

"You have changed. And it's a good change. Alam mo bang hinahangaan kita? At ngayon parang mas hahangaan pa" Nabigla akong lumayo sa kanya, wahhh pareho sila ng kambal nya. Pero sa kabilang banda, grabe ang haba ng hair ko hahaha

"Ah eh, kami na kasi ni Michael eh" nagsalubong yung kilay nya, omg wahhh

"You still haven't regain it, nakikita kong masaya ka na ngayon sana hindi mo na maalala pa, I have your back Villamil. Whatever happens" napalunok ako. Parang double meaning kasi ang sinabi nyang yun

Ano bang hindi ko nalalaman? Bakit bigla akong kinabahan? Kailan ko ba maaalala lahat? Sobrang naguguluhan ako.

"Ah Cyan, may alam ka ba sa 10 years na yun? Mga nangyari?" Ngumiti sya sa akin. Nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi

Ewww. Pinunasan ko agad kaya natawa sya. Yuck kadiri!

"It's for you to find out, I'll be going. Nice meeting you again" peke nalang akong ngumiti sa kanya kahit deep inside pinapatay ko na sya.

Si Michael lang ang may karapatang halikan ako sa pisngi! Eww kadiri talaga need kong maghilamos agad!

Pero ano naman kayang Ibig sabihin nya sa 'It's for you to find out'? Wahhh mas lalo nyang ginugulo ang earth. At saka ewww yuck talaga. Ewww! Pinunasan ko yung pisngi ko at naghilamos

Yuck as in yuck!

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon