CHAPTER 39

125 4 2
                                    

Keizel Keith's POV

Hayy bakit ang tagal naman nila? Nahabol kaya nila yung pangit na yun? Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit nanaman, masyado nanaman kaya akong nag isip? Humiga nalang ako at tinignan yung kisame, napangiti ako nang maalala ko si Michael, I am very much lucky to have him

Napabalingwas akong bumangon ng marinig kong nagbukas ang pinto, napasimangot ako ng hindi si Michael ang pumasok, hindi rin sila Gian

Isa syang weird na nurse. Bakit weird? Hindi naman nakakahawa ang sakit ko pero nakasuot sya ng mask. Hayyy weirdo

Humiga nalang ulit ako, ang sakit talaga ng ulo ko. Nasaan na ba kasi si Michael eh. Nasa kanya lahat ng gamot ko

"Ah Ma'am, pinadala po ako ni Doc Mendez para iturok na tong gamot nyo" tinago ko ang ngisi ko at saka bumangon with my sweetest smile

"Talaga? Sakto sobrang sakit ng ulo ko eh" ngumiti naman sa akin yung weird na nurse at hinanda yung syringe, pinunasan nya muna ng alcohol ang may parteng braso ko

Nakita ko ang panginginig ng kamay nya, such an asshole, tss bilisan nyang kumilos psh

Yung malapit nya nang mailagay sa akin yung syringe ay saka ako nagsalita

"If that's a poison, think twice to put that on me" napahinto yung nurse, pero tumikhim sya

"Ma'am ano pong lason?" Nagtataka nya na sabi. Ngumiti ako sa kanya, wrong timing sya nakakainis, alam nya bang masakit talaga ang ulo ko ngayon? Aish

"Yang hawak mo. Hindi ba lason yan? Anong effect nyan? Mostly poisons can make the heart to stop beating. Or pwede ding coma, at pwede rin namang pinipigilan nya lahat ng organs mo na mag function tama ba?" Nakita ko ang takot sa mata ng nurse, hindi kasi ito natatakpan ng mask nya

"Sinong nag utos sayo?" Malamig kong sabi. Nabitawan nya naman ang hawak nyang 'lason' at napaatras kaya hinawakan ko yung braso nya, what an asshole

"I am asking you, stupid creature" pilit nyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa braso nya pero mas hinigpitan ko pa ang ang hawak

"B-bitawan mo a-ako" puno ng takot ang boses nya kaya ngumisi ako, weakling

"Nah, ayy siguro nag tataka ka kung bakit ko nalaman? Okay sasabihin ko sayo, yung boyfriend ko hindi yun papayag na may magbigay ng gamot sa akin na ibang tao, kahit nurse ka man o doctor. Hindi sya papayag. Okay lang na mapuyat sya o mapagod basta maalagaan nya ako, ang sweet ng boyfriend ko hindi ba?" Mas nakita ko ang takot sa mata ng nurse

"W-wag mo akong p-papatayin" ngumiti ako sa kanya, tumayo ako kahit masakit yung ulo ko, nakakainis

I pinned him against the wall, kahit pa babae ako alam kong mas malakas ako sa kanya

"Sinong nag utos sayo na patayin ako?" Umiling iling yung nurse at pilit na kumakawala kaya mas diniin ko pa ang pagkakahawak ko sa kanya

Tinanggal ko din yung suot nyang mask para makita ang mukha nya

"Nakita ko na ang mukha mo, so that only means na mahahanap ko ang profile mo at mapapatay ko ang pamilya mo, so mag isip ka. Pangalan ng boss mo o buhay ng pamilya mo?" Nagulat ako ng ngumisi pa sya sa akin, where did he get the courage to smirk?

"Miss Villamil. Halimaw ka ngang talaga" inuntog ko sya sa pader.

"Yes, I'm a monster, wala akong awa, kaya ko talagang patayin ka ngayon. At patayin ang pamilya mo so tell me. Sino sya?" Pinipilit kong maging kalmado pero sobrang galit na ako, kanina pa masakit ang ulo ko tapos guguluhin pa ako ng Walang hiyang to

"My, me, men, mind, muzzle" anong ginagawa ng engot na to? Napangisi ako nung magets ko ang Ibig nyang sabihin pero hindi ko parin tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya

"Siguraduhin mo lang na tama ka. Dahil kung hindi alam mo na" nagtaka ako ng bigla syang may kinuha sa bulsa nya, SHIT

Napaatras ako ng bigla nyang isasaksak sa akin ang hawak nyang surgical knife. Mabuti nalang at nakailag agad ako. Tinignan ko sya ng masama pero ngumisi lang sya sa akin

"Be careful sa mga taong nakapaligid sayo, hindi lahat ng taong nakikita mo ay totoo. This is a free advice Villamil, wag kang magtiwala" pinabayaan ko nalang syang tumakbo palabas, napaupo ako, mas lalong sumakit ang ulo ko sa narinig ko, aishhh

Pinunasan ko nalang yung dugong biglang dumaloy sa ilong ko. Relax Keith wag mong masyadong isipin yun, relax ka lang

Pumunta ako sa banyo para mag hilamos, at para din pakalmahin ang sarili ko, pagkalabas ko ay sakto namang pag pasok nung tatlo

"KEITH!" Sigaw ni Michael at niyakap ako ng mahigpit, napangiti naman ako at niyakap sya pabalik. Tinignan ko yung kambal at halata sa mukha nila ang pag aalala

"Okay lang ako" nakangiti kong saad, tinignan naman ako ni Michael na may namumuo ng luha sa mata nya, pfft iyakin talaga kahit kailan

"May nangyari ba habang mag isa ka?" Nag aalala nitong tanong umiling naman ako. Hindi nya na dapat malaman, ayaw kong mag alala pa sya

"Masakit lang yung ulo ko" pag amin ko. Ayaw ko pang mamatay hehe

Pinahiga naman nya ako at binigyan na ng gamot hanggang makaramdam ako ng antok

'Be careful sa mga taong nakapaligid sayo, hindi lahat ng taong nakikita mo ay totoo. This is a free advice Villamil, wag kang magtiwala'

Sino ba talaga sya?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon