CHAPTER 36

158 7 0
                                    

Michael Jericho's POV

Nakangiti ako habang hawak hawak ang kamay ni Keith, pabalik na kami sa kwarto nya dito sa Ospital, halatang naiilang sya kasi pinagtitingan kami ng mga tao dito. Hihihi

"Mahal ko ang daming nakatingin sa atin" bulong ni Keith sa akin, natawa naman ako at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay nya, maslalo syang namula, pfft cute

"Mahal ko, gusto ko lang ipakita kung gaano kita kamahal" narinig kong nagbuntong hininga sya at hinawakan pabalik yung kamay ko, wahhh

"Mas mahal kita" bulong nya, napangiti naman ako ng todo

"Mas mahal kita, sobra sobra" nakangiti kong sambit sa kanya, tumigil naman sya sa pag lalakad at tinignan ako ng mariin

"Nah, I love you more than you love me, tsss" natawa naman akong humarap sa kanya

"Mas mahal kita, nagawa mo nga akong hindi puntahan ng sampung taon habang ako naghihintay eh, kaya mas mahal kita" nagulat ako ng batukan nya ako, aray ah

"Nagpapakonsensya ka ba? Tsss" natawa naman ako at niyakap sya, napatingin tuloy yung mga tao sa amin pfft pake ko ba

"Hindi mahal ko. Gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal, girlfriend na kita ngayon, soon to be Mrs Mendez ka na" namula yung pisngi nya at nagpatuloy syang maglakad. Napapansin kong bumabalik na yung dating ugali nya, cute

"Misis ko hintayin mo ako!" Mas natawa ako ng mas binilisan nya pang maglakad. Pfft

Nung nahabol ko na sya agad ko syang binuhat, bridal carry M hihihi

"Hoy! Ibaba mo ako anu ba! Isa! Aish" hindi ko sya pinakinggan at nagpatuloy lang ako a pagbubuhat sa kanya, para tuloy kaming bagong kasal hihihi

"Mahal ko, ibaba kita sa bed mo, kaya wag kang malikot, mahulog ka sige ka" pananakot ko pero umiwas lang sya ng tingin

"Matagal na akong nahulog sayo mahal ko" bulong nya kaya diko maiwasang kiligin. WAHHHHH

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya ng nasa harapan na kami ng kwarto nya, ngumiti naman sya at pinulupot ang kamay nya sa batok ko.

Nakakahiyang halikan sya dito sa loob nalang wala naman sila Kuya Kevin ngayon hihihihi

Binuksan ko yung kwarto hahalikan ko na sana sya ng may mapansin ako na parang may nakatingin sa amin, napalingon naman ako sa loob ng kwarto at napanganga. Perfect na sana eh, anong ginagawa ng pangit na magkambal dito, aishhh,

Gulat na gulat silang tumingin sa amin, buhat ko parin si Keith, okay this is awkward

~~~~~

Keizel Keith's POV

Bumaba ako sa pagkakabuhat ni Michael at inayos ang sarili ko, nakakahiya

"Ah kasi gusto ka lang namin sanang kamustahin" nahihiya na sabi ni Gian na hindi makatingin sa amin, habang si Cyan naman nakangisi na nakatingin sa akin. Shit nakakahiya talaga

"Pero mukhang wrong timing yung pagbisita namin kasi parang may plano kayong gawin pfft" nagpipigil nang tawa yung kambal habang nakakaloko na nakatingin sa amin. Aish

"Stop talking nonsense" diko makatingin na sabi sa kanila kaya tumawa na sila ng malakas, napalingon ako kay Michael na parang kamatis na sa sobrang pamumula pfft

"Balak nyo bang gumawa ng Junior ngayon?" Tumatawa paring sabi ni Gian kaya naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko shit

"H-hoy! A-anong Junior?!" Mas lumakas pa yung pagtawa nila, imbes na maasar ako, ngumiti nalang ako. Pinagkakatiwalaan ko sila, at ngayon lang ulit kami nag harap harap ng ganito

"Jericho, kasal naman muna bago baby-" diko na napigilan yung sarili ko na sipain si Gian sa kalokohan nya, tumawa naman sya habang hawak hawak yung binti nya na sinipa ko tss

"By the way, Miss Villamil, you look good together, but we look perfect when we're together pfft" nahawa na rin si Cyan sa kalokohan ng kambal nya tsk

"Anong perfect ka dyan! Sapakin kaya kita" natawa ako kay Michael na halatang nainis sa sinabi ni Cyan, tumawa naman sya at tinignan ng seryoso si Michael

"Malambot yung pisngi ni Villamil, Mendez, alam mo nakaka-" diko na pinatapos si Cyan at tinutukan na sya ng baril, aish balak nya bang sabihin yung hinalikan nya ako sa pisngi tsss

"Paano mo nalaman?" Seryosong tanong ni Michael, Tumawa naman si Cyan at umiling iling at umupo sa may couch

"Hmm, halata naman eh, may tao ba na matigas ang pisngi? pfft" natatawa na sabi ni Cyan sabay ang pag wink sa akin, ewww

"By the way, pwede ba muna naming masolo si Villamil, may pag uusapan lang kami about sa business" nagulat ako ng biglang akong hilain ni Michael sa dibdib nya. WAHHH

"Nah, ayaw ko, akin lang ang girlfriend ko" medyo irita nya na sabi

"Di na namin sya aagawin sayo Mendez, mahal ka ng babaeng yan" napatigil si Michael at tumingin ng deretso sakin

"I know, pero ayaw ko parin, wala akong tiwala sa inyo" natawa ako sa kanya, nakapout pa kasi sya habang sinasabi yun

"Pfft, hoy Jericho. Wag ka ngang possessive Dre! Takot nalang namin kay Keith, baka mapatay pa kami ng babaeng yan" nag aalinlangan parin syang tumingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya

Nagulat sya ng hilain ko yung neck tie nya palapit sa akin at hinalikan sya, napayakap naman sya sa beywang ko at mas diniin pa yung halik na yun, grabe WAHHHH

"What the hell?!" Sabay na sabi nung kambal, pfft. Maghanap kayo ng magmamahal sa inyo

Ngumiti sya sa akin nung nilayo ko na yung labi ko sa kanya, quota na sya

"Okay just one hour" nakangiti nyang sabi at binigyan ulit ako ng smack bago sya umalis, kinikilig ako ano ba yan

Napalingon naman ako aa kambal na nakanganga parin, pfft mukha silang tanga

"So, what are we going to talk about, Montenegros?"

~~~
Promote:

The Ways on Which I Die

https://my.w.tt/Fe6pdzrN59

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now