CHAPTER 25

258 11 0
                                    

Keizel Keith's POV

"Aray naman mahal ko" nakapout na saad ni Michael habang ginagamot ko ang sugat nya sa may labi, pumutok kasi dahil sa pag suntok kanina sa kanya ni Gian, hayyy problema kaya ng lalakeng yun kay Michael?

At saka ni hindi pa nga kami nakakapag usap umalis na sya, tinatakasan nya ako, hayy hindi ako tanga para hindi yun malaman

"Wag ka ngang magulo mas lalong dudugo yan" diko maiwasang mapangiti habang sinasabi yun, ang cute nya kasi habang iniinda ang hapdi ng ginagawa ko,

"Keith, ano pa bang naaalala mo. Be honest" huminga ako ng malalim,

"I now remember my parents. Kung paano sila pinatay ng mga walang hiyang yun. Kung paano binaboy si Mommy ng hayop na lalakeng yun, and also I now remember Ericka Nicole Castillo. Isa sa dalawa kong kaibigan nung high school" ngumiti ako ng mapait.

"Bakit kung ano pang masakit yun pa ang naaalala mo?" Napangiti ako sa kanya, kailan ba merong masayang nangyari sa buhay ko?

"Michael, I want to meet them again. Gusto kong makita sila mommy" nakita ko ang gulat sa mata nya, ngumisi ako ng palihim, you can't fool me, kung ayaw nyong may maalala ako tutulungan ko ang sarili ko, I have to help myself, lagi nalang may missing puzzle sa buhay ko

"O-okay pagbalik natin, ipapasama ko sayo si Kuya Ke-"

"No, I want to come with you" tumikhim sya at tinignan ako ng seryoso. Ngumiti ako sa kanya kahit naiinis ako, bakit pakiramdam ko may pinaplano sila? Bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako?

"Ke-Keith-"

"Kung ayaw mo, edi wag hindi naman kita pinipilit" inis akong lumayo sa kanya, napangisi ako nang hinawakan nya ang braso ko at pinaupo ulit ako

"Okay fine, sasamahan na kita" niyakap ko sya.

"Salamat Michael, thank you talaga" he wrapped his arms around me. Tinignan ko sya pero sana hindi ko nalang ginawa dahil nakita ko kung gaano sya kalungkot.

Sorry Michael, Pero ayaw ko na, gusto ko ng malaman ang lahat

"Keith. Pwede ba na kapag may maalala ka, sabihin mo agad sa akin? Mahal ko natatakot ako" pinunasan ko yung luha na dumaloy sa mata nya, hanggang ngayon palaisipan parin sa akin kung bakit sobrang nasasaktan ako kapag umiiyak sya

"Shhh, kahit maalala ko man ang lahat. Makilala ko man ang first love ko hinding hindi kita iiwan. Pangako ko yan sayo" nagulat ako nung tumuloy tuloy ang buhos ng luha nya kaya niyakap ko sya, bakit nga ba ang drama naman ata nya?

"No, wag mong ipangako, Ke-Keith, ga-gawin mo ang lahat para hindi mo kami i-iwan" tinapik tapik ko ang likod nya, hindi ko alam kung bakit ang bigat ng loob ko.

"O-oo, ano ba, pwede bang wag kang umiyak! Bakla ka ba?" natatawa kong sabi kumalas naman sya sa yakap at ngumisi sa akin

"Kung bakla ang tingin mo sa akin kayang kaya kong patunayan sayo na mali ka mahal ko" nagulat ako ng nilapit nya ang mukha nya sa akin, awtomatiko kong tinakpan ang bibig ko, akala nya ba makakaisa sya? No pfft

"Grabe ang damot! Isa lang" natawa ako nung nag pout sya, nakahalikipkip pa sya

"Ayaw!" Mas lalo akong natawa nung ngumuso sya, tapos parang bata na nagtatatantrums

"Isa lang naman eh! Ang damot mo!" Binatukan ko sya, nagulat ako nang pumadyak sya, para talaga syang bata pfft

"Ayaw parin" sabi ko sabay ang pag iling iling, tinalikuran nya ako, hahahaha

"Psh, damot!" Nagbuntong hininga ako, bahala sya dyan hahaha

Nagulat ako ng bigla nyang tanggalin ang kamay ko na nakatakip sa bunganga ko, what the?

Unti unti nyang nilalapit yung mukha nya sa akin

No hindi pwede. Napalunok ako habang iniiwas any paningin ko sa kanya

Napalunok ako ng mapagtanto kong sobrang lapit na. Somebody help meee

Napapikit ako ng mata Ng mapagtanto ko na sobrang lapit nya na.

"Ho-hoy! W-wag dito!" Napalingon ako kay Kuya Kevin na sobrang pula na ng mukha, nakakahiya, mabuti nalang hindi natuloy

Tumikhim naman si Michael at napatungo, spell awkward.

"I-ituloy nyo nalang mamaya, ka-kain na" hindi makatingin si Kuya sa amin. Wahhh ang awkward talaga

"Ta-tara na, ba-balik na tayo" tumango nalang ako kay Michael, hinawakan nya yung kamay ko at sabay kaming nag lakad

"I love you" sobrang bumilis ang tibok ng puso ko nung banggitin nya yun, mahal ko din ba sya? Hindi ko alam ang isasagot ko

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon