CHAPTER 33

186 3 1
                                    

Keizel Keith's POV

Nakangiti ako habang nakatingin sa boypren ko na seryosong nagmamaneho. Wahhh ang gwapo nya talaga lalo na pag hindi sya nakasuot ng white coat nya!

Masyado kasing mabait yung tingin ko sa kanya pag nakasuot sya ng ganun eh

"Mahal ko may problema ba?" Umiwas ako ng tingin sa kanya, may problema nga ba?

Bumabagabag parin sa akin ang mga napapaginipan ko pero hindi ko na sinasabi sa kanya baka kasi mag aalala pa sya

"Saan tayo pupunta?" Pag iiba ko nalang ng topic, kahit naka side view sya sa akin, nakikita ko parin ang pag ngiti nya

"Amusement park, diba gusto mong pumunta dun?" Napangiti ako, wahhh. Ayon sa naalala ko dun ako pinunta ni Michael dati at sobrang nag enjoy kami

"Talaga? Thank you" hinawakan nya naman yung kamay ko, nagulat ako ng halikan nya ito. Grabe kinikilig ako

"Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka mahal ko" ngumiti ako sa kanya

"Alam ko, kaya nga mahal kita eh" tumawa sya at tumingin sakin.

"Wag mo akong masyadong pinapakilig baka mabangga tayo" tumawa naman ako at tumango.

~~~~

"Mahal ko may clown oh pfft" diko alam kung bakit bigla kong hinawakan ng mahigpit yung braso ni Michael, wahh ang pangit nung clown ang creepy

"K-kain nalang tayo" tumawa sya at hinawakan yung kamay ko. Nagulat ako ng bigla nya akong hilain papunta sa creepy na yun

"Tao parin sila mahal ko, hindi mo kailangan matako-"

"Lumayo ka sakin! Isa!" Bakit ba lumalapit sakin tong clown na to wahhh

"Miss, wag kang matakot" nagtago ako sa likod ni Michael, shit ang pangit ng clown huhuhu

"Lumayas ka sa harapan ko, papatayin talaga kita" nainis ako ng biglang tumawa si Michael ng sobrang lakas

"Tss" iniwan ko nalang sya dun bahala sya dyan. Nakakainis talaga grrr

"Sorry na mahal ko" diko sya pinansin. Bahala sya dyan. Hinawakan nya naman yung kamay ko pero winaksi ko yun. Nakakainis talaga sya

"Mahal ko masarap to" diko parin sya pinansin. Nakatingin lang ako sa pamilyang nag lalaro. Hayyy naalala ko nanaman sila Mom

"Mahal ko naman eh! Pansinin mo na ako" diko sya nilingon. Magsama sila nung clown tsss

"Sorry naman na oh! Cotton Candy gusto mo?" Cotton Candy? Napaharap ako sa kanya. May hawak syang cute na parang bulak, iba iba yung kulay wahhh, napangiti ako ng subuan nya ako, ang tamis

"May gusto kang gawin?" Napangiti ako ng makita ko ang target shooting. Hinila ko sya papunta dun hihihi

"Gusto ko ng stuff toy galing dyan!" Tumawa naman sya at nilapitan yung tindero. Nagulat ako ng ibigay nya sakin yung baril

"Ikaw ang lalake! Dapat ikaw gumawa nyan!" Nagsalubong yung kilay nya,

"Pero mas magaling kang humawak nito" umiling iling ako.

"According to my memories. Ako yung nagbigay sayo ng stuff toy dati ngayon naman dapat ikaw na" nagbuntong hininga naman sya at pumwesto na, marunong kaya sya?

Napanganga ako ng makitang marunong na syang humawak ng baril kahit pa sabihin na laruan lang yun. Natatamaan nya din yung mga maliit na figurine, he can hold a real gun. Nakikita ko yun sa mga galaw nya

Paano nya natutunan to? Dapat na ba akong matakot?

"Here" abot nya sa akin ng isang stuff toy na kero keropi, palaka talaga?

"Paano ka natuto?" Ngumiti naman sya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko

"Dati kasi lagi mo nalang ako pinoprotektahan. So I promised to my self na pag bumalik ka hindi na ako yung taong kailangan mong protektahan. Now you're back and I promise to protect you. I love you" naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Pero Michael. Hindi mo kailangan gawin to. Alam mo naman kung sino at ano ako-" nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. PDA. Ang daming nakatingin sa amin

"Shhh, just let me do what I want" tumango nalang ako kahit hindi ko gusto na gawin nya ang gusto nya, natatakot ako para sa kaligtasan nya

~~~~~

Nung napagod na kami sa dami naming ginawa, nagpasya kami na bumalik na sa Ospital.

Sumakay kami sa kotse nya pero hindi to nag sstart wahhh nasira? Paano kami makakauwi?

"Diba okay lang yan kanina?" Tanong ko tumango naman sya sa akin. Iba ang pakiramdam ko dito, shit iba talaga

Lumabas naman si Michael para tignan yung makina ng kotse, bumaba na rin ako

Nanlamig ako ng maramdaman kong may  matigas na bagay na nakatutok sa ulo ko. Nanlaki din ang mga mata ni Michael hindi sya makagalaw

"Sumama kayo sa amin" nagbuntong hininga ako at tumango nalang. Kung minamalas ka nga naman

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now