CHAPTER 54

136 5 0
                                    

CHAPTER 54

Third Person Point of View

"Shit" mahinang bulong ni Rafael habang nakatingin kay Keith na inaatake, parang bumabalik ang alaala nya sa kanyang asawa, labing pitong taon na ang nakaraan at sa sandaling yun ay ang anak nya ang una nyang naisip

Ayaw nyang maramdaman ng kanyang anak ang pangungulila na kanyang naranasan. Dali dali nyang tinawagan si Michael para ipaalaam ang nangyayari

"Michael?! Go to my office now!" Hindi nya na hinintay na makasagot pa si Michael sa kabilang linya dahil nawalan na ng malay ang pasyenteng hawak nya

"Miss Villamil?!" Pag gising nya rito habang mahinang tinatapik ang pisngi

Pinakiramdaman nya ito at takot ang unang naramdaman ng hindi ito gumigising, nanginginig nyang hinawakan ang pulso nito. Napahilamos sya ng mukha ng maramdaman nyang sobrang hina ng naramdaman nya

Sunod sunod ang nagawa nyang pag iling habang nakatitig sa pasyenteng nasa harap nya.

'Masyado nyang pinilit ang sarili nya, ni hindi ba manlang nya alam na pwedeng manganib ang buhay nya sa ginawa nya? Gusto nya bang mamatay?!' bulong nya sa sarili habang Nakakuyom ang kamao

Hindi na nahintay ni Rafael ang anak at dali dali ng tumawag ng tulong, dahil baka hindi na maabutan ng buhay ng kanyang anak ang taong ito kung matagalan pa

"Please, lumaban ka" bulong nya rito habang sumasama sa bilis ng paglilipat kay Keith sa emergency room

Napaluha sya ng maalala si Mica, ang kanyang asawa, ganoon din ang sitwasyon nya nung oras na yun kaya hindi nya maiwasang matakot, dahil alam nyang isa sya sa dahilan kung bakit ito nangyayari, at alam nyang sya nanaman ang masisisi ng kanyang anak

'Bakit ngayon pa nangyari to kung kailan maayos na kaming dalawa?' Tanong nya sa kanyang sarili

"Check the Vital Signs" nanginginig nyang sambit, pinapanood nya ang mga doctor na gawin ang trabaho nila, nanlamig sya ng umiling ang doctor na kasama nya

"No response" tinulak nya ang doctor na yun at nagsimula syang gawin ang pag CPR sa pasyente,

"Please, wake up" bulong nya rito, pabalik balik ang tingin nya kay Keith at sa monitor na nasa harap nya na hindi gumagalaw

Isang minuto na ang nakakalipas ay wala paring nagiging response si Keith

"Check the Vital Signs! Hindi pwedeng mawala ang pasyenteng to!" Halata ang takot at lungkot sa boses ni Rafael

"Doc, wala parin pong response, kailangan nyang gumising Doc" napailing naman sya.

Narinig nya ang pag bukas ng pinto kaya napalingon sya sa taong pumasok nang hindi tumitigil sa pag rerevive sa pasyente, halos manlumo sya nang makita ang anak na sobrang gulat sa nakikita

"K-KEITH!" Hindi sya tumitigil na gawin ang CPR, ang ibang doctor naman ay paulit ulit na chinecheck kung mag rerespond at gigising ba ito o hindi

"Kausapin mo sya Mike! Kausapin mo!" Pakiusap nya sa anak, alam nyang walang magagawa ang pag iyak. Parang naestatwa naman si Michael hindi matanggap ng kanyang sistema ang nakikita, walang habas na tumutulo ang luha nya pero walang lumalabas na boses sa bibig nya

"KAUSAPIN MO SYA! TELL HER TO COME BACK!" walang anu-ano'y lumapit si Michael sa kanila at hinawakan ang kamay ng nobya

"Keith. Please, mahal gumising ka please!"

"Doc, three minutes" biglang nanlumo si Rafael sa narinig, hindi pwedeng umabot ng mas matagal pa ito, dahil alam nyang pwedeng ikamatay ni Keith ang bagay na ito

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now