CHAPTER 6

574 15 6
                                    

Michael Jericho's POV

Pagkalabas ko ng kwarto nya napangiti ako,

Kahit hindi nya ako maalala nandun parin yung mga bagay na dahilan kung bakit ko sya minahal

At parang hanggang ngayon patuloy akong nahuhulog sa kanya, mas naging cute sya pfft

Diko alam na ganito pala yung tunay na ugali nya but one thing

Bakit hindi sya nagparamdam ng sampung taon?

Yun ang tanging iniisip ko, anong nangyari sa loob ng mga taon na yun?

Bakit ni hindi nya manlang ako kinamusta, tinawagan o sinulatan manlang?

Sana makaalala na sya, para naman malaman ko lahat ng rason nya,

Kahit hindi nagbago ang feelings ko para sa kanya may part parin sa akin na naiinis, nasasaktan parin ako, BAKIT NYA AKO INIWAN?! Oo nga't bumalik sya pero hindi para sa akin at yun ang masakit dun

~~~~~

"Good ebneng Ser" diko nalang pinansin si Inday at dumeretso sa kwarto ko

Hayyy Keith, may plano ka bang umuwi kung hindi ka nag kaamnesia?

"Ser, geseng ka pa po ba?" Kahit tinatamad ako binuksan ko parin yung pinto ng kwarto ko

"Bakit?" Ngumiti naman sa akin si Inday at binigay ang isang box

Ano nanaman kayang kalokohan ang laman nito? Binuksan ko yun and to my surprise itim na kuting ang laman! Wahhh

"Anak daw po yan ne Mekey Ser, may nagbegay saken kanena, may nabuntes daw se Mekey" napalunok ako ng laway, Wahhh lolo na ako?!

Pinuntahan ko agad si Mickei, matanda na yung pusa ko, 10 years old na sya, siguro hinihintay nya din yung Mimi nya kaya hanggang ngayon buhay pa sya

"Mickei, may anak ka oh" inamoy naman ni Mickei yung anak nya kuno. Tapos tinabihan ito wahh cute

"Ser, para kayong tanga, kenakausap nyo yung pusa"  tinignan ko ng masama si Inday, tsss

"Mickey, gusto mo bang pumunta sa Ospital mamaya? Itago nalang kita kasi no pets allowed dun" hinahaplos ko yung balahibo ng pusa ko. Makakatulong siguro si Mickei para makaalala si Keith.

"Ser, no pets allowed? Baket ka nakakapasok?" Tinignan ko ng masama si Inday, pinapainit nya nanaman ang ulo ko tsss

"Inday, ihanda mo na mga gamit mo, lumayas ka na sa pamamahay ko!" Tumawa lang si Inday, psh

"Si Ser naman, bero bero lang Ser, juk juk lang! Gud naiyt Ser!" Napakamot nalang ako ng ulo

Kahit ganun yung kasambahay ko na yun, malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya, inaalagaan nya ako, para ko na syang nanay, ang kaso lang, puro kalokohan kung minsan

Tinignan ko yung kuting, wahhh kamukhang kamukha ni Mickei!

"Dos ang pangalan mo, kasi ikaw si Mickei the second" nakangiti kong saad, ang cuteee

"Ser, kailangan nyo nang magpatengen sa psychologist, balew ka na Ser" binato ko kay Inday ang hawak kong box, hayy kaistress

~~~~~

Keizel Keith's POV

Nakatingin lang ako sa kisame, simula yung nagising ako kanina hindi na ako makatulog

May napaginipan ako, umiiyak na lalake tapos nakayakap sya sa akin, nakangiti ako sa kanya

Nababaliw na ata ako, duguan ako sa panaginip ko tapos nakangiti pa ako, wahhh

Hindi neurosurgeon ang kailangan ko, psychologist na ata

"Boss, bakit gising ka pa, makakasama sayo ang pag pupuyat" tinignan ko lang sila Santos, talaga bang napagtiisan ko ang mga taong ito for 17 years? Bata palang daw ako kasama ko na sila

Buti nalang talaga, hindi ako nahawa sa itsura nila, mukha talaga silang unggoy

"Pwede bang sabihin nyo kung may boyfriend ako?" Wahh sino kaya yung lalakeng nasa panaginip ko?

"Ehem. Wala naman po boss, single ka" napakamot ako ng ulo, eh sino naman yung lalakeng yun?

"Pero na inlove ka na Boss, 10 years ago" bigla akong naging interesado,

"10 years ago? Bakit ang tagal naman na ata?" Tanong ko, umupo naman sila sa tabi ng higaan ko

"Boss, ganito kasi yan, nung high school ka, may nakilala kang dalawang- Boss okay ka lang?"

Napahawak ako sa ulo ko, takte sumasakit nanaman, aish! Gusto kong malaman! Ayaw ko ng ganito na parang lahat ng bagay may kulang

"Continue" kahit hirap akong magsalita, ngumiti ako sa kanila para ituloy nila ang kwento

"Pero Boss, mukhang di ka okay, tatawag lang ako ng doctor" aalis na sana si Santos pero hinigit ko ang braso nya

"Sino sila? Sino yung dalawang tao na yun" Naiinis ako sa sarili ko bakit ko nakalimutan lahat ng mahahalagang bagay, bakit ko hindi matandaan ang mga taong mahalaga sakin? Bakit ako umalis sa Pilipinas? Bakit 10 years akong nasa ibang bansa?

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo pa kaya?! Miss Villamil!" Tinignan ko ang lalakeng nasa harapan ko na ngayon, alam kong may alam sya, gusto kong malaman ang lahat

"IKAW! SINO KA BA TALAGA?!" galit ako sa sarili ko, wala akong kwenta, pati sarili ko hindi ko kilala

Pinagbabato ko lahat sa kanila lahat ng bagay na makita ko, bakit kailangan pang ako ang magkaamnesia? Bakit pakiramdam ko wala akong kwenta?

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko, sino ba sya? Bakit pakiramdam ko may something sa kanya?

"Sinabi ko na sayo, wag mong pipilitin na makaalala, hindi makakabuti sayo" bigla nalang akong nakaramdam ng hilo

Sino ba ako? Ano ba talagang pagkatao ko?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now