CHAPTER 11

524 14 2
                                    

Michael Jericho's POV

Napangiti ako nang nagising ako, natutulog kasi si Mickei sa dibdib ko. Wahhh cute

Nilibot ko ang paningin ko para sana hanapin si Keith pero wala sya, tumayo ako at kinatok yung banyo pero walang sumasagot

Nasaan naman kaya yung babaeng yun? Tinignan ko yung higaan nya at napanganga, bakit nandito yung damit nya na pampasyente? Shit hindi kaya

Tumakas sya?! Agad agad kong ginising sila Kuya Santos, napasabunot ako sa buhok ko, hindi pa sya pwedeng mag lalabas labas

"Maghiwa-hiwalay tayo! Takte naman si Boss baka makita yun ng kaaway nya sa business" aligaga na rin silang lahat, hindi pa kilala ni Keith yung sarili nya,

Hindi nya ba alam na maraming syang kaaway? Wahh naman eh!

Kaya sya hindi pwedeng lumabas ng Ospital ng dahil dun, she's part of a Mafia for goodness sake! Delikado lalo na ngayon at wala syang kaalam alam

Haist inis kong kinuha yung susi ko at pinaharurot yung kotse ko

Keith naman eh! Ang tigas parin ng ulo mo hanggang ngayon! Diko maiwasang kabahan, hayy baka kung napano na yung mahal ko wahhh

Hindi pa ako nakakalayo ng makita ko ang isang familiar na babae sa isang coffee shop

Kahit nakasumbrero sya kilalang kilala ko sya, humanda ka sakin babae ka

Pumasok ako sa shop at laking gulat ko sa nakita ko,

What the hell! Bakit nya kausap ang shokoy na yun! Tss

"Miss Villamil!" Napalingon lahat sa akin ng tao sa loob, pero wala akong pake. Sobrang naiirita ako, naiinis ako. Bakit sila magkasama!

Tss nakakainis! Hayys, lumapit ako sa kanila at hinila si Keith. Nagulat naman si Gian at napangisi. Aish gusto ata ng gulo itong lalakeng to ah

"Mi-Michael, sorr-" hinarap ko si Keith, tss

"BAKIT BA ANG TIGAS NG ULO MO!" i shouted in frustration. Nagulat naman sya at napatungo agad

"Eh kasi naman-"

"KEITH! ALAM MO BA KUNG GAANO KADELIKADO!" pinagtitingan na kami ng mga tao pero wala talaga akong pakeelam, naiinis ako,

"Jericho, wag mo naman syang sinisigawan" tinignan ko ng masama si Gian, tss nakakainis

"Sorry na" napabuntong hininga ako ng makita ko na nakatungo parin si Keith, masyado bang sobra yung pagsigaw ko? Masyado bang sumobra? Tss

"It seems like, nagkabaliktad kayo ng ugali pfft" sinamaan ko ng tingin si Gian

"Shut up Gian" inis kong banggit. Hinila ko si Keith palabas pero hinawakan ni Gian yung braso nya

Langya gusto nya ata ng gulo, wag na wag nyang hahawakan si Keith!

"Tawagan mo ako kung may tanong ka pa BABY Keith. Pfft" nagpanting yung tainga ko, what?! Baby?! Hinarap ko si Gian, pinipigilan ko lang yung sarili kong suntukin sya, ang nakakairita pa nakangisi sya sa akin,

"Let go of her Gian" madiin kong sabi pero tumawa lang sya at hinila palapit sa kanya si Keith hanggang sa maakbayan nya ito

What the hell!

"Why? Sino ka ba? Keith and I are friends, eh ikaw sino ka sa buhay nya?" Napapikit ako dahil sa inis, sinusubukan ako ng taong to. Sinusubukan nya ang pasensya ko

"Ahh Gian nasabi ko na sayo kanina, sya yung doctor ko" napalingon ako kay Keith, at mas lalong nainis bakit ang lapit nila sa isa't isa!

"Pfft. Doctor na ganyan magreact sa pasyente pag nawala sa paningin nya? Oh come on!" Inis kong nilapitan si Gian at nilayo sa kanya si Keith

"Stop saying nonsense thing to her, don't take her situation to play with your games for goodness sake, Don't talk to her, don't you dare touch her, don't ever steal a single glance from her, she's mine" inis kong bulong sa kanya ngumiti naman sya sa akin

"Pfft, she can't even remember you so why should I not get the chance to steal her from you?" naitulak ko sya dahil sa inis, ngumiti lang sya sakin, what the hell!

"Tama na yan Michael, Tara na" inis kong hinila si Keith sa labas ng lugar na yun. Inis na inis talaga ako.

"Ano yung binulong mo kay Gian? Bakit kayo magkaaway? Mabait naman sya eh" tinignan ko sya ng masama, kung alam nya lang kung gaano sya kagusto ng mokong na yun

"Sakay!" Inis kong sabi sabay bukas sa pintuan sa kotse ko, inirapan nya naman ako at sumakay dun, tss

Naiinis talaga ako! Lalo na pag nag flaflashback sa akin yung mga sinabi ni Gian

He can't take her away from me, she's mine! Tsss

"Ano bang ginawa sayo nyang kotse mo at pinagsusuntok mo! Tara na nga! Para kang baliw!" Inis kong sinipa yung gulong ng kotse ko wahhh naiinis ako! Padabog akong pumasok dun

Pinaharurot ko nalang yung kotse ko pabalik ng Ospital, grrr

"BAKIT KA BA TUMAKAS?!" mas lalo akong nairita ng parang wala lang syang narinig pinikit nya pa yung mata nya GRRRR

"HOY KINAKAUSAP KITA!" tinaasan nya lang ako ng kilay like what the fudge

"Ang OA mo, bakit may papatay ba sa akin? May mangyayari bang masama pag lumabas ako?" Alam kong pa sya naiinis na rin pero sya yung mali dito aish

"WAG NA WAG KA NANG MAGPAPAKITA SA GIAN NA YUN! WAG KA NANG LALABAS NA HINDI AKO KASAMA! NAG AALALA AKO SAYO!" sigaw ko pero tumawa lang sya, waw lang waw talaga tsss

"Pfft, alam mo kung di lang kita doctor iisipin kong gusto mo ako" natameme ako, hanggang ngayon manhid parin itong bruhang to tsss

Haist nakaka frustrate!

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon