CHAPTER 17

353 8 5
                                    

Keizel Keith's POV

Pinagtitingan na kami ng mga tao sa bar kaya hinila ko na sya palabas, nakakahiya talaga

"Ano ka ba! Wag ka ngang makipag away! Tapos kung ano ano pang pinagsasabi mo!" Napalingon sya sakin alam kong lasing na sya kasi medyo red na yung mukha nya

"Sorry" nilingon ko sya na nagtataka, sorry?

Bakit naman sya nagsosorry?
Magsasalita na sana ako pero hinapit nya ako palapit sa kanya

Nagulat ako sa sumunod na nangyari, naramdaman ko nalang na may kung anong malambot sa nakadampi sa labi ko, hinahalikan nya ako,

What the?!

Hindi ako makagalaw, parang familiar ito, parang nangyari na ito, gusto ko syang itulak kaso bakit iba yung sinasabi ng puso ko. Para akong naparalyzed.

Pero mali to. Hindi ako yung first love na sinasabi nya, hindi ako yun

Tinulak ko sya kaya napaatras sya, gulat syang nakatingin sa akin,

"Shit! Sorry Keith. So-sorry"

"W-wag ka nang maglalasing! U-umuwi na tayo!" Hindi ko sya matignan, kasi naguguilty ako, kahit pa sabihing lasing sya nun, nagustuhan ko yung ginawa nya! Shit bakit?!

"Damn that was hella good" napalingon ako sa kanya nakangisi sya sa akin kaya naramdaman ko na sobrang uminit yung mukha ko, wahh

"P-pervert!" Tinakpan ko yung bibig ko, what the hell, aish! Bakit hindi ko magawang magalit sa ginawa nya?!

"Balik na tayo sa Ospital mahal ko" sobrang bilis ng tibok ng puso ko,

Mahal ko?! Huwatt?!

"Wag mong iniimagine na ako yung first love mo" naiiyak na ako, bakit ganun? Wahhh huhuhu

"Please kahit ngayon lang. Maging sya ka?" Parang pinipiga yung puso ko, mahal nya parin yung taong yun,

"Pe-pero hindi ako sya, kamukha ko lang-" nagulat ako ng bigla nya akong niyakap, sobrang higpit na para bang taong nangungulila

Naramdaman ko nalang na bumigat sya, sinubukan ko syang igalaw kaso narinig ko ang mahina nyang paghilik

What the fudge?! Nakatulog sya?! Eh paano kami makakauwi?

"Ihatid ko na kayo, Keith" napalingon ako kay Gian, malungkot syang nakatingin sa akin, parang nasasaktan sya,

Don't tell me, nakita nya?! Wahhh nakakahiya!

"Ah. Sige, sa Ospital nalang" umiling sya sa akin, at inalalayan si Michael na nakayakap sa akin at tulog parin

"Ihatid ko nalang kayo sa bahay nya, nakakahiya kung sa Ospital tapos makita nilang lasing tong pangit na doctor na to" tumango ako, may point naman sya,

Umupo ako sa backseat ng kotse nya, tapos katabi ko si Michael na nakadantay sa balikat ko

"Wag mo na akong iiwan Froggy ko" bigla akong nakaramdam ng goosebumps. Anong nangyayari?

"Froggy?!" Pabulong kong sabi, bumangon naman sya mula sa pag kakadantay sa akin at tinignan ako,

"Yun ang tawag ko sa kanya, she's my Froggy in our Fairy tale. She's my princess, my love" nakaramdam ako ng matinding selos, bakit ba hindi nalang ako?

"Hoy Gian! Wag mo ngang tinititigan si Keith! Magmaneho ka lang!" Tumawa ng malakas si Gian, tapos tinakpan ni Michael yung mukha ko

"Ano ba! Hindi ako makahinga!" Sigaw ko, hayys, hinawakan nya naman yung pisngi ko at hinarap yung mukha ko sa kanya

"Dito ka lang tumingin! Sa akin lang, akin ka lang! Narinig mo ba? Akin ka lang" binatukan ko sya, hayy bakit ba kasi naglasing pa sya, bakit kamukha ko pa yung first love nya, at

Bakit hindi nalang ako?

"Wag mo na akong iiwan! Please" nagulat ako ng may tumulong luha sa mata nya, hayy hindi nga ako yun eh

Pinunasan ko nalang yung luha nya at tumango

"Oo, hindi kita iiwan" ngumiti sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit,

Sana talaga ako nalang sya, ako nalang sana yung first love nya

~~~~

Huminto yung sasakyan sa isang familiar na lugar, ginising ko si Michael at inalalayan sya papasok nung bahay, syempre nagpasalamat muna ako kay Gian

"Hehe, Keith, ito yung bahay namin ng first love ko" Napalingon ako kay Michael na nakangiti na ngayon.

Aray, bakit lagi nalang yung first love nya yung bukambibig nya? Ako yung kasama nya diba?

Derederetso syang pumasok sa isang kwarto at dun humiga, nakatitig lang ako sa kanya, bakit parang familiar lahat ng nangyayari? Hayys naguguluhan na ako

"Higa ka na din!" Nagulat akong tumingin sa kanya, tatabihan ko sya?! No hindi pwede! Wahhh alam kong nasa tamang edad na ako pero no no no

"M-matulog ka n-nalang, m-may c-couch naman s-sa s-sala" aalis na sana ako pero tumayo sya at binuhat ako,

WHAT THE FUDGE!

"Wala akong gagawin na masama mahal ko, matutulog lang tayo ng magkatabi, miss na miss na kita" napabuntong hininga ako, sya nanaman, lagi nalang sya tsk

Hiniga nya ako at niyakap, parang nasa karera yung puso ko, what the fudge baka atakihin ako

"D-dun n-nalang ako sa c-couch" mas hinigpitan nya yung yakap nya sa akin

Wahhh yung puso ko, aatakihin ako wahhh

"Don't say a single word, hahalikan kita" nanlaki yung mga mata ko, wahhh

"P-PERVERT! Bi-bitawan mo ako!" Nagulat ako nung hinarap nya yung mukha ko sa kanya

"First warning, mahal ko, isa pang salita hahalikan talaga kita" tinatanggal ko yung pagkahawak nya sa akin pero shit ang higpit

"Michael, hindi ako nakikipag-" nagulat ako nang halikan nya ako sa noo shit! Nakakadalawa na sya!

"I warned you, mahal ko, I'm serious" ngumisi sya sa akin, wahhh may lasing na manyak dito huhuhu somebody help me

"Nagiging manyak ka pag lasing-" nanlaki ulit yung mata ko ng halikan nya ulit ako ngayon naman na sa tip ng ilong

May manyak! Wahhh pervert!

Shit nakakatatlo na sya, what the hell kung hindi lang sya lasing pinatay ko na sya!

Tinakpan ko na yung bibig ko. Baka kasi isunod nya pa huhuhu

"Pfft Parang nagugustuhan mo naman ata mahal ko" sasampalin ko na sana sya pero nahawakan nya yung kamay ko, wahh manyak! Manyak! Pervert!

"Nagbibiro lang ako, Matulog na tayo" niyakap nya ako at pinikit nya yung mga mata nya, habang ako nakanganga na nakatingin sa kanya,

Pervert! Huhuhu magnanakaw ng halik wahhh

Nanakawan nya na nga ako ng halik sa labi kanina, ngayon naman sa noo at ilong ko wahhh

Pero bakit parang familiar lahat ng ginagawa nya? Huhuhu

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now