CHAPTER 12

415 11 0
                                    

Keizel Keith's POV

Ang OA nya nakakainis, yung feeling na naglalakad na kami pabalik sa kwarto ko pero sinesermonan nya parin ako, hayy nakakainis,

"Tss ang daldal mo" inis kong bulong, wahh diko pa tapos kainin yung pagkain ko sa coffee shop eh

"May sinasabi ka Keith?!" Pare pareho sila nila Santos, ano naman kasing meron kung lalabas ako? Bakit may papatay ba sa akin? Tss spell OVER ACTING?! Pero bakit kaya magkaaway si Gian at Michael?

Omg alam ko na! Baka magkaaway si Michael at Gian dahil sa first love ni Michael! Pero impossible naman kasi sabi ni Gian ako daw yung gusto nya, di kaya play boy si Gian?

"Nakikinig ka ba sa akin?!" Hindi ko pinansin si Michael, ikaw ba naman kasi sigawan sa harap ng maraming tao? Kung di naman kasi sya OA

Pagbukas ng pinto napangiti ako, nakauwi na si Kuya, wahh namiss ko sya

"Kuya Kevin!" Nagmamadali akong lumapit sa kanya at niyakap sya,

"Bakit baby Sis? May problema ba?" Humanda ka sakin Michael makakabawi na ako

"Inaaway ako lagi ni Michael nung wala ka" tumawa lang si Kuya, wahh magkakampi sila, tsss

"Saan mo nahanap si Boss, Doc?" Nagbuntong hininga naman si Michael

"Tss kasama nya si Gian" nagulat ako ng nagtawanan nanaman sila ako lang ba? O talagang weird sila?

"Alam nyo ba ang OA nya, inaaway nya si Gian, eh school mate daw sila nung highschool!" Tumawa lang sila, haist napapalibutan ako ng weird na mga tao

"Pfft. Baby Sis, you really change a lot pfft" sige lang tawa lang, sana di na kayo makahinga sa katatawa

"Kuya, bilhan mo ako ng phone! Diko parin alam yung password ng cellphone ko dati please" ngumiti naman sa akin si Kuya Kevin

"Okay. Pero hindi pareho nung phone mo dati sa states lang yun nabibili" tumango ako, magiging choosy pa ba ako?

"By the way boss, aanhin mo yung cellphone?" Tanong sa akin ni Lewis habang nagbabalat ng apple. How I hate that fruit!

"Ah eh kasi sabi ni Gian kanina, tawagan ko lang daw sya pag may tanong ako. Binigay nya yung calling card nya sa akin" nakangiti kong sabi kay Kuya, tumingin naman sila kay Michael na napahinto sa pag checheck ng cellphone nya

"No. Bawal kang magkaroon ng cellphone" medyo naiirita na sabi ni Michael, inirapan ko naman sya,

"Kuya please, *pout* sige na" niyakap ko pa si Kuya para lang pumayag

"Si-sige pero bakit gusto mong tawagan si Gian?" Ngumiti naman ako wahh

"Sabi nya kasi he's been in love with me for 10 years, Ibig sabihin kilala-"

"NO!" Nagtataka kong tinignan si Michael na masamang nakatingin sa akin. Weirdo

"Basta Kuya, bilhan mo ako wag mong pakinggan yang weirdo na yan!" Narinig ko nanaman na tumawa sila, hayy nako napapalibutan ako ng mga baliw

"Ang weird nyo!" Inis kong sabi sabay padabog na umupo,.

"Baby Sis, you're the one who's weird here. For 17 years ngayon mo lang ako niyakap, ngayon ka lang humingi ng favor sa akin. Pfft" inirapan ko sya, ganun ba ako kasama sa Kuya ko?

Humiga ako at tinakpan nang unan yung mukha ko, sino ba talaga ako, hayy

Bumangon ako nung may maalala ako, grrr. Tinignan ko ng masama si Santos. Hinubad ko yung gamit kong sumbrero at lumapit sa kanya

"Ah bo-boss hindi ko gusto yang tingin mo" kinikilabutan na sabi ni Santos pero ngumisi lang ako sa kanya, ang baho ng sumbrero nya nakakairita tapos ginamit ko pa kasi no choice ako

"Alam mo ba na ang baho ng sumbrero mo?" Napalunok sya ng laway at nagtago sa likod ni Chan, nagtatawanan nanaman sila,

Umalis si Chan kaya kaharap ko nanaman si Santos, siguro tama sila, perfectionist ako, ayaw ko na naiirita ako

Ngumisi ako kay Santos kaya namutla sya, hinaplos ko naman yung ulo nya sabay sabunot dun

"Walang hiya ka! Alam mo bang pinagtiisan ko yung sumbrero mo! Hindi ka manlang malinis sa gamit mo kalalake mong tao!" Inis kong sabi sabay pinagsisipa sya, wahh nakakairita!

"Pfft hahaha! Yan ang pagkatao mo Boss!" - Chan and Lewis

"Hindi ka sweet lil Sis, sadista ka! Wala kang awa pfft" - Kuya Kevin

"Kuya Kevin baka mapatay nya si Kuya Santos!" - Michael

"Boss tama na maawa ka please WAHHH" -Santos

"Meow meowww (Go Mimi kaya mo yan)" Mickei and Dos

Nagulat ako ng may nahulog sa bulsa ni Santos, bakit may baril sya?

Pinulot ko naman yun at kinasa, wahh marunong akong kumasa ng baril! Tinignan ko yung bowl na may apple at itinutok dun yung baril at pinutok yun

Wahhh bullseye! Ang galing galing ko naman, nakangiti ako na lumingon sa kanila, nagulat ako nang napagtanto ko na nakanganga silang lahat

Bakit? Omg! Saan pala ako matutong gumamit ng baril?! Oh my!

"Sigurado ba kayong business woman ako? Hindi ba ako pulis?" Tanong ko nagulat ako ng tumawa nanaman sila yung mas malakas pa kaysa dati, yung totoo bakit ang weird nila?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now