CHAPTER 35

149 5 0
                                    

Michael Jericho's POV

Nagbuntong hininga ako habang nakatingin sa isang wire dito sa makina ng kotse ko, sinadya na putulin. Nakakainis naman hayyy

Ilang minuto din bago ko naayos, kahit pilitin kong wag nang isipin yung mga bagay na narinig ko kanina parang laging nag flaflashback sakin. Aish, sino kaya yung taong yun.

Hindi ako papayag na may magawa sya kay Keith. Ako mismo ang tatapos sa kanya kung sakali mang mangyari yun

Napalingon ako kay Keith na seryoso at malayo ang tingin. Naka lean sya sa may pinto ng kotse at parang malalim din ang iniisip. Nilapitan ko sya pero parang hindi nya naramdaman ang presensya ko, ano naman kayang iniisip nya? Hayyy

"Mahal ko okay ka lang?" Tanong ko sa kanya, napalingon naman sya sa akin. Ngumiti sya at tumango, niyakap ko nalang sya ng mahigpit

"Mahal ko, ganun nalang ba akong kasamang tao at may gustong pumatay sa akin? Marumi ba akong magtrabaho? Alam ko namang kabilang ako sa Mafia pero nagtataka parin ako. Iniisip ko parin kung ano ba talagang nagawa ko" napabuntong hininga ako sa sinabi nya, hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya

"Hindi ka masamang tao Mahal ko, yun lang ang isipin mo. Masyado silang natatakot sayo kaya ganito, wag kang mag alala proprotektahan kita sa abot ng makakaya ko, hindi ako papayag na mawala ka pa" tumingin naman sya sa akin at umiling

"Kaya ko ang sarili ko mahal ko, wag na wag mong dudungisan ang kamay mo para lang sa akin" napabuntong hininga ako, ngumiti ako ng mapait sa kanya

"Pero mahal ko-"

"Nah, end of discussion" natatawa nyang sabi sabay ang pagyakap sa akin ng mahigpit, tumango nalang ako kahit labag sa loob ko, proprotektahan kita Keith, kahit pa anong tutol mo. Hindi na ako papayag na mangyari ulit ang dati

~~~~

Keizel Keith's POV

Hindi na kami nag imikan ni Michael, siguro dahil exhausted na rin kaming dalawa

Nagmamaneho sya habang ako nakatingin lang sa labas, kanina pa ako dinadaloy ng antok pero natatakot akong matulog, baka may malaman nanaman ako hayy

"Gusto mo ba munang kumain mahal ko? Hindi ka pwedeng malipasan ng gutom" ngumiti ako kay Michael, bababa na rin sana ako pero pinigilan nya ako

"Ako nalang ang bibili, dito ka lang" tumango ako, ngumiti naman sya sakin at nilagay nya ulit yung seatbelt ko

Nagulat ako ng halikan nya ako, wahhh grabe galawan huhuhu

"Wait for me mi amor" tumango nalang ako, pagkababa nya napahawak nalang ako sa labi ko,

Kyahh kinikilig ako

~~~~
(Five months ago)

"Sampung taon ka ng pabalik balik dito pero hindi ka parin nag papakita kay Jericho" tinignan ko ng seryoso si Gian na busy sa pagkain dito sa coffee shop

"It's much easier this way. I don't want to hurt him" napangiti ako ng mag abot si Gian ng mga litrato sa akin, mga litrato ni Michael, hindi parin sya nagbabago, napangiti ako habang tinitignan ang itsura nya kapag nakasuot ng white coat. Bagay na bagay nya

"Psh. Tignan mo nga yang sarili mo halos napupunit na yung labi mo sa ngiting yan, ang sabihin mo sobrang namimiss mo na si Jericho" nagbuntong hininga naman ako, hayyy

"He don't deserve someone like me, my life is like a disaster, i want him to live a normal life" nagulat ako ng biglang binagsak ni Gian yung tinidor nya, tinignan ko sya ng masama. Unethical

"Alam mo ang tanga mo din! Alam nating lahat na mahal ka ng taong yun! Mahal mo din sya, pero mas iniisip mo parin yan! Alam mo bang mas pinapahirapan mo yung sitwasyon nyo!" Inis ko syang sinapak, haist

"Ano bang problema mo? Ang akin lang naman gusto kong mabuhay ng normal si Mendez! Ayaw kong maging delikado ang buhay nya ng dahil sa akin, when I was with him things become much complicated. Muntik lagi syang napapahamak, ayaw ko ng ganun, I want him to live his life without any fear" napasabunot naman si Gian sa buhok nya

"Pwede ba wag mong iisipin ang mga bagay na yan! Isipin mo naman minsan ang kaligayahan mo! Hindi nalang puro iba, magmahal ka lang! Wag mong iisipin na kesyo ganito ganyan, matalino ka pero gamitin mo rin minsan ang tinitibok ng puso mo!" Napangiti ako ng mapait, kahit gusto kong gawin yun mas mauuna parin dapat ang kaligtasan ng mahal ko. Kahit hindi na ako maging masaya basta alam kong maayos lang sya

"Gian, just look for him habang nasa States ako. Yun lang naman ang gusto kong gawin mo" tinignan ako ng masama ni Gian

"Hanggang kailan ka ganito Keith? Hanggang kailan ka mag sasakripisyo? Hanggang kailan mo gagawin to. Hindi lang ikaw ang babae sa mundo, mag sisisi ka kapag may nakitang iba si Jericho, oo Keith mahal kita pero mas deserve ka ni Jericho, mag pakita ka na sa kanya, it's been 10 years, please" huminga ako ng malalim at tumingin ng seryoso kay Gian

"Michael don't deserve someone like me, he deserves better-" napatigil ako ng may tumawag sa phone ko,

Si Cyan

"I already find the traitor Miss Villamil" pinatay ko yung phone at nag mamadaling umalis sa coffee shop na yun. Narinig ko pang tinawag ako ni Gian pero hindi ko na sya pinansin pa

~~~~

Napabalingwas akong bumangon ng maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.

"Okay ka lang mahal ko, sobrang pawis mo nakabukas naman ang Aircon ng sasakyan. Masama ba pakiramdam mo?" Nilibot ko ang paningin ko at napagtanto na nasa loob parin ako ng kotse, shit yung panaginip na yun, nalaman ko lang kung bakit hindi ako nagpakita kay Michael ng sampung taon

Napayakap ako sa kanya, naging selfish ako, hindi ko manlang naisip na mag hihintay sya ng ganun katagal thinking na wala talaga akong balak na balikan sya

Napaka sama ko. Hindi ko manlang naisip na pareho kaming nasasaktan sa ginagawa ko.

At dahil yun sa ayaw ko na syang idamay sa buhay na meron ako, mas iniisip ko ang maprotektahan sya kaysa sa magkasama kami, mahal ko sya, mahal na mahal ngumiti ako ng mapait

Hindi naman siguro masama na kahit ngayon lang pipiliin ko ang maging masaya hindi ba? At makasama ang taong mahal ko

Kahit ngayon lang isipin ko muna ang sarili ko. At piliin ang delikadong buhay kasama sya.

Gusto kong bumawi sa kanya, ayaw ko na syang pakawalan pa

"I love you Mendez, I love you so much"

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now