FINAL CHAPTER PART 2: VILLAMIL-MENDEZ

167 6 0
                                    

Michael Jericho's POV

Nagsasalita si Father pero wala akong maintindihan sa sinasabi nya dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa babaeng pinakamaganda sa paningin ko

Hindi ko maiwasang maging emosyonal, parang panaginip lang ang lahat

"Will you please stand" inalalayan ko si Keith na tumayo, ngumiti naman sya sa akin kaya napangiti din ako, napakaganda nya, mukha syang prinsesang ikakasal sa prinsipeng tulad ko, hehe

"Michael Jericho Mendez, do you take this woman to be thy wedded wife, to live together in the holy bonds of matrimony? To love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, and forsaking all others keep thee only unto her so long as ye both shall live?" Ngumiti muna ako bago sumagot

"I won't stand here if I don't, Yes. I do" medyo natawa naman sya kaya napangiwi ako

"Keizel Keith Villamil, do you take this man to be thy wedded husband, to live together in the holy bonds of matrimony? To love him, comfort him, honor and keep her, in sickness and in health, and forsaking all others keep thee only unto him so long as ye both shall live?" Ngumiti sya sa akin

"Ofcourse not-Kidding aside, Yes father, I do" napahilamos ako ng mukha, sa tingin nya ba laro tong kasal namin? Tsss

Sinunod namin lahat ng pinapagawa ni Father, gusto ko na ngang paupuin si Keith, mukhang nangangalay na. Kung pwede lang sabihan si Father na bilisan nya yung speech nya

"I, Michael Jericho Mendez, take thee, Keizel Keith Villamil to be my wedded wife, for better for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, til death to us part, according to God's holy ordinance and therein I pledge thee my faith" pinunasan nya yung luha nya at ngumiti sa akin

"I, Keizel Keith Villamil, take thee, Michael Jericho Mendez to be my wedded husband for better for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, til death to us part, according to God's holy ordinance and therein I pledge thee my faith" nagbuntong hininga ako, pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa halo halong nararamdaman ko

"You may now say your own vow to each other" inabot ko yung mic na binigay si Father at hinawakan yung kamay ni Keith

"Mahal, have you ever fall in love with a person who is the total opposite of you? Cause I did, Nahulog ako sa isang babaeng kakaiba ang ugali. Maldita, sadista, cold, at hindi mo makausap ng masinsinan. I fall in love with the person who looks like an angel when smiling. But a monstrous creature when angry, alam kong hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag sayo ang nararamdaman ko pero gusto ko lang malaman mo na hinding hindi kita bibitawan. Hinding hindi kita hahayaang masaktan, mahal na mahal kita, I'm ready to give up everything, to risk my all, just to be with you. For you I'll be the man who is willing to accept whatever and whoever you are. I love you" nakita kong tumulo yung luha nya pero nakangiti parin sya sa akin. Binigay ko naman yung mic sa kanya, tumikhim muna sya bago nagsalita

"Mahal, still remember the first time we saw each other? I still can't believe na nandito na tayo ngayon, marami tayong napag daanan na problema. Maraming bagay na halos paghiwalayin na tayong dalawa, I fell in love with a person na mas babae pa sakin" napaubo ako. Narinig ko naman amg pagtawa nila Kuya Kevin kaya sinamaan ko sila ng tingin

"I mean, mas marunong syang magluto sa akin, mas marunong syang maghugas, mag alaga, ako kasi yung tipo na hindi pinalaki para gawin ang mga bagay na yun. Dahil sa laki ako sa yaman hindi ko naranasan ang mga bagay na yun" nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko ibubuko nya ako sa dami ng tao

"Things come and go, naisip kitang iwanan at hindi na balikan dati. Pero yun yung pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko, and I promise that I won't ever do that again. I just want you to know that I will love you with my everything. I will always be with you no matter how hard the situation is, I'm willing to risk and give my life for your happiness. I will always be right here, right there in your heart. I love you and I will always do" hindi ko mapigilan na napaluha, kahit anong gawin kong pagpupunas ng luha ko ay hindi ito nauubos, siguro nga't masyado akong emosyonal pero hindi ko mapigilan ang sarili ko

Pagkatapos nun ay nagbigayan kami ng singsing, hindi ko magpaliwanag kung anong saya ang naramdaman ko nung naisuot nya na sa akin yun, para bang yun na ang pinaka precious na bagay na natanggap ko

"For as much as, Michael Jericho Mendez and Keizel Keith Villamil consented together in holy wedlock, and have witnessed the same before God and this company and there to have pledged their faith to each other, and have declared the same by joining hands and by giving and receiving rings, I now pronounced you husband and wife, you may now kiss the bride" dahan dahan kong inangat yung suot nyang wedding veil at lumapit sa kanya

"Now you're Keizel Keith Villamil-Mendez, mahal, nasa iyo na ang apelyido ko" bulong ko sa kanya bago ko sya hinapit palapit sakin at niyakap ang baywang nya saka ko sya hinalikan kasabay nun ang pagpapatugtog ulit ng song na ako talaga ang kumanta

Pinulupot din ni Keith yung kamay nya sa leeg ko at sinsabayan ang halik ko

Narinig kong naghiyawan lahat ng tao, dahan dahan kong nilayo ang mukha ko sa kanya

"I love you so much, mahal ko, my dearest wife, i love you" ngumiti sya sa akin

"I love you too mahal ko, my precious Hubby" siniil ko ulit ang labi ko sa kanya, kasabay naman yun ang kaliwa't kanang pag flash ng camera

After ng picture taking ay ang pag labas namin ng simbahan na magkahawak kamay, inihagis ni Keith yung hawak nyang bouquet at napunta yun kay Michiko, Napalingon naman sya kay Kuya Kevin na nakatago ang ngiti, hmm I smell something fishy

Binuhat ko si Keith at pinasok sa gagamitin naming sasakyan, may takip na nakaharang para hindi kami makita ng driver. Hehe sinadya ko talaga yun. Papunta na kami sa hotel kung saan gaganapin yung reception. Yung nagsimula nang umandar ang kotse ay humiga sya sa may braso ko

"Mahal, tignan mo ako" bumangon naman sya at nagtataka naman nya akong tinignan

"Gusto ko yung lipstick mo" nagsalubong yung kilay nya at nagbuntong hininga, may kinuha sya sa pouch nya at binigay yun sa akin, nagulat ako ng binigay nya talaga sakin yung literal na lipstick

"Ang slow mo mahal" tinignan nya naman ako na nagtataka. Kaya nagsalita ulit ako

"Gusto ko yung lipstick mo na galing dyan sa labi mo" nanlaki naman yung mga mata nya

"Slow ako pagdating sa kamanyakan mahal, wag mo akong igaya sayo" napangiwi naman ako at lumapit sa kanya, napaatras sya kaya lumapit ulit ako, atras lapit, atras lapit, hanggang sa wala na syang maatrasan kaya napangisi ako

"Halik lang mahal ko. Bukas na natin gawin ang mas mahalaga pa, sa mismong honeymoon natin" sobrang namula sya at tinulak ako pero walang epekto para sa akin.

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya at siniil ang halik, natawa ako nung pinipilit nya akong ilayo pero mas malakas ako sa kanya

Hanggang sa nag give up nalang sya at sinabayan nalang ang halik ko, hehe

Sabay kaming naghahabol ng hininga ng bumukas yung pinto ng kotse, nasa labas na pala sila Kuya Kevin kaya inalalayan ko rin syang lumabas

Salubong yung kilay nila na nakatingin sa amin

"Anyare? Bakit mas pula na yung labi ni Michael kaysa sa labi mo Keith? Anong ginawa nyo sa sasakyan?!" Tumawa ako habang si Keith ay namumula na pumunta sa loob ng hotel

"Wala naman kaming masyadong ginawa Kuya, talagang nag enjoy lang kami" napanganga silang lahat kaya nagmamadali na rin akong pumasok sa loob at hinabol yung asawa ko

~~~~

Next update is 2 Finals Chapters

So meron nalang po tayong 2 updates sa storyyyy

Thank you for the unending support guys

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now