CHAPTER 10

487 17 6
                                    

Keizel Keith's POV

Napangiti ako nang napagtanto na nakaidlip si Michael, hayy nakakaawa talaga sya, iniwan ng first love, curious talaga ako kung sino yun

Nilapitan ko sya at pinindot yung pisngi nya, wahh tulog mantika hihihi, sumilay ang ngiti sa aking labi at dahan dahan na pumunta sa bag ko

This is my chance, makakatakas na din ako sa Ospital na ito, wahh excited na akong lumabas

Binuksan ko yung bag ko at napanganga, waw bakit puro black? Gothic ba ako? Pero ang cool!

Pumunta ako sa banyo dito sa loob ng kwarto ko at nagpalit, nakakasawang magsuot ng pang pasyente na damit, psh ang pangit tignan

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin ng tapos na akong nagpalit, wahhh mukha akong Mafia Boss wahhh kulang nalang baril, ang cool kong tignan huwaaa

Pero may isang problema pa ako, yung benda ko sa ulo, huhuhu di ko pa pwedeng tanggalin to, sesermunan nanaman ako ni Michael

Lumabas ako ng banyo at napangisi ng makita na may sumbrero sa tabi ni Santos, hihihi Buti nalang talaga napuyat sila kakabantay sa akin, wahhh

Sa susunod magdradrama ako na may masakit sa akin para hindi na sila matulog sa gabi tapos pag umaga tatakas ako hihihi

Kinuha ko yung sumbrero ni Santos at inamoy muna yun

Anak ng pusang gala! Ang baho! Tinignan ko ng masama si Santos na tulog, grrr humanda ka sa akin pag gising mo! Mag tutuos tayo dahil sa mabaho mong sumbrero! Tsss

Inisprayan ko nalang ng pabango tapos sinuot ko, wahhh ang ganda ko talaga

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko, wahhh sa wakas makakalabas na rin ako, hayyy

Nagulat ako ng biglang lumilihis ang mga tao sa dadaanan ko, anong meron? Nakakatakot ba ako? Huwaaa ang ganda ko kaya!

Halos nagtatalon talon na ako sa tuwa ng nasa labas na ako ng Ospital, fresh air wahhh kahit amoy usok, di naman siguro makakasama sa akin ang paglabas eh, OA lang talaga sila

Napahinto ako ng maramdaman kong iba ang tibok ng puso ko, parang takot ako na ewan, napalingon naman ako pero isang matandang doctor lang ang nakita ko weird, sobrang weird

Hayaan na nga, basta gagala ako kahit isang oras la-

"ARAYYY" wahh ang malas ko huhuhu

"Sorry Miss. Hindi kita napansin" tumayo nalang ako at tinignan yung lalakeng nakabunggo sa akin, ang tangkad nya mukha syang basketball player na naka business attire wahhh

Nanlaki naman yung mata nya ng magtagpo yung mga mata namin, bakit kaya?

"Keith?!" Nagulat ko syang tinignan wahh kilala nya ako!

"Sorry pero sino po sila?" Nagtataka kong tanong na kinasalubong ng kilay nya, wahhh, kilala nya ako?

"Tss, hindi ka lang nagpakita ng four months nakalimutan mo na ako" wahh 4 months? Nandito ako sa Pilipinas four months ago? Akala ko nasa states ako?

"Sorry pero may nangyari kasi" nagulat sya tapos hinawakan nya yung braso ko, wahhh creepy

"Are you really Keizel Keith Villamil? Yung totoo baka kamukha mo lang sya?" Binatukan ko nga, waw may iba pa bang nagmamay ari ng mukhang to?

"Tss, sino ka ba?!" Asar ko na tanong, kinamot naman nito yung buhok nya sabay ngumiti

"Gian Carlo Montenegro, tss" wahh ang familiar ng pangalan nya, kilala ko kaya sya? Ahh baka friend ko!

"Sorry pero three months ago, naaksidente ako, nagka comatose ako, tapos pagkagising ko last week wala na akong maalala, at hindi lang yun, nagbago din ang personality ko-" nagulat ako ng pinag yuyugyog nya ako, wahhh baliw ba sya

"Anong sabi mo! Amnesia?! Keith paano na ako huhuhu" Nagtataka ko syang tinignan wahh close ba kami?

"Ah eh, ano bang relationship natin sa isa't isa?" Takhang tanong ko, ngumiti naman sya sa akin

"Mahirap I explain lalo na ngayon at wala kang maalala, pero don't worry hindi tayo, hindi mo ako type at masakit yun tss" natawa ako sa kanya, wahhh sayang bakit di ko sya type? Cute pa man din sya

"By the way, gusto mo bang pumunta tayo sa Favorite coffee shop mo? Samahan kita baka sakaling may maalala ka" Tumango tango ako, wahh ang swerte ko

~~~~~
Shop

"Good morning Ma'am, it's been four months, I guess" wahh kilala ako ng crew

"Ahh opo, hehe" nagulat ako ng lakihan ako ng mata nung crew, wahh bakit kaya?

"Pfft, no pansin ka sa mga yan, rude ka kumbaga" napalingon ako kay Gian, ang sama ko palang tao?

"Ahh, ma'am yung dati po ba na order nyo?" okay Keith, maging rude ka, baka isipin nila na clone ka lang

"Obviously" nag bow naman yung crew, hayyy sino ba talaga ako?

Napanganga ako yung meron na yung order namin, cheesecake pati coffee shake yung sa akin, yum yum

"By the way, Wala ka talagang maalala?" Tumango ako kay Gian, ngumiti naman sya sa akin

"Ahh, sabi mo kanina, four months tayong hindi nagkita, umuuwi talaga ako ng Pilipinas?" Diba taga states ako? Wahh ang gulo naman

"Yes, sa totoo lang every month ka nandito sa Pilipinas" napakamot ako ng ulo, bakit naman kaya?

"Lagi kang nandidito dahil may binabantayan ka" nanlaki ang mga mata ko, may binabantayan ako?

"S-sino?" Ngumiti sa akin si Gian

"It's for you to find out, by the way, wag kang mag alala, wala kang gusto sa akin kaya hindi ako yung binabantayan mo, may pinapagawa ka lang sa akin" hayy Buti naman akala ko sya yung binabantayan ko, pero pinapagawa? Ano naman kaya yun?

"And the truth is I love you for 10 years now" napanganga ako, wahh antagal naman nya na akong gusto, hindi ko manlang ba sya nagustuhan?

"Eh ako? May nagugustuhan ba ako?"

"Pfft, yah, like me, you love him for 10 years" napanganga nanaman ako, wahhh ano bang meron 10 years ago?

"So meaning, you love me but I never love you back? Because I am inlove with someone else?" Tumango sya

Nakokonsensya tuloy ako, ang bad ko naman

"But okay lang sa akin, cause I know he loves you too" bigla akong nanlumo, ni hindi ko manlang matandaan ang taong yun, nagmamahalan pa man din kami

"Dun ka ba nakaadmit sa Ospital kanina?" Tumango ako, hayy sino naman kaya yung lalakeng yun, sana makaalala na ako para makilala ko na sya

"So sinong doctor mo?" Ngumiti ako nung maalala ko si Michael

"Michael Jericho Mendez" nakita ko ang paglaki ng mata nya, wahh mag kakilala kaya sila?

"We studied in same high school, pero di kami masyadong close. Pero ang liit naman ng mundo pfft" nabasa nya siguro yung isip ko, ang liit ng mundo what does he mean?

"Talag-"

" Miss Villamil!" Oh my I'm doomed huhuhu

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon