Chapter 8

2.1K 59 6
                                    


~~~
KEIRA’S POV

ONE YEAR AGO…

Tubig.  Gusto kong uminom ng maraming tubig.  Pakiramdam ko, antagal ko nang hindi nakakainom ng tubig kaya yun ang unang pumasok sa utak ko.  Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.  After a few attempts, naimulat ko na ito ng maayos at inikot ko ang paningin ko.  Nasa isang kwarto ako.  Sigurado akong hindi ito ospital dahil hindi siya amoy ospital.  Naka’dim din ang ilaw kaya hindi masakit sa mata.  Hindi rin naman ito sa kwarto ko.  Nasan kaya ako?  Fuck! Si Ran.  Muli kong inikot ang paningin ko pero wala akong makitang pamilyar na bagay dito sa loob.  Limited din ang mga nakikita ko dahil hindi ko maigalaw ang leeg ko.  Para bang sobrang stiff nito dahil sa tagal ng hindi nagagalaw.  Sinubukan kong igalaw ang kahit anong parte ng katawan ko pero wala talaga.  This is frustrating.  Napagod na ako sa ginagawa ko kaya pumikit muna ako at inalala ko ang mga nangyari.  Pagkatapos kong maramdaman yung bala na tumagos sa bungo ko at sigaw na Ran kasabay ng isang malakas na ingay, wala na akong ibang maalala.  Doon na natapos ang alaala ko bago ako magising dito.  Pinakiramdaman ko na lang ang paligid ko dahil wala na akong mahalungkat sa utak ko.  Nararamdaman ko ang lambot ng kamang hinihigaan ko.  Alam kong hindi ito akin dahil iba ito sa pakiramdam.  Nagtaka naman ako dahil parang lubog na lubog na ako dito sa kama.  It’s either sobrang kapal at lambot ng kamang ito or sobrang tagal ko ng nakahiga dito kaya lumubog na ng sobra ang parteng kinahihigaan ko kumpara sa ibang parte nito.  The last choice’s actually shocking.  Gaano katagal na akong nakahiga rito to the point na pwedeng mangyari yun?  Well, gaano katagal na ba akong nakahiga dito?  Ugh! Andami kong katanungan tapos wala naman akong mapagtatanungan.  Sino ba kasing kasama ko rito o kaya naman ay ang nagbabantay sakin dito?  Dahil sa sobrang frustration, pinilit kong magsalita pero ungol lang ang lumabas.  Ah, hell.  This is starting to annoy the hell out of me.

“Kei?!  Gising ka na ba??” Biglang napunta sa field of vision ko si Ash.  Whoa, siguradong nanlalaki ang mga mata ko sa mga oras na ito.  What the fuck?! Ano ito?! Late bloomer siya at ngayon lang siya tinablahan ng growth spurt?!  You’ve got to be kidding me.  Ang mature niya ng tignan.  Mas lalong naging defined ang facial features niya at halata rin ang paglapad ng mga balikat niya at paglaki ng mga braso niya.  Mamaya ko na lang ulit papansinin ang mga pagbabago sa katawan niya.  Pinilit ko ulit magsalita dahil sobrang uhaw ko na talaga.  I managed to utter the word ‘tubig’ at mabuti naman ay naintindihan niya ako agad.  Kumuha siya ng baso na nasa malapit lang sa kama ko.  Nang makita ko siya ulit, hawak niya na ang baso tapos tumigil siya tapos nawala ulit at bumalik ulit.

“Iuupo kita para makainom ka ng maayos.” Naramdaman ko na lang ang mga braso niya sa likod at sa ilalim ng mga tuhod ko.  Actually, binuhat niya muna ako paalis ng kama tapos iniupo niya ako malapit sa dulo.  Inayos niya rin ang mga unan sa likod ko para malambot pa rin ang sa parteng likod ko.  I managed to smile at him at tinulungan niya na akong uminom.  Pagkainom ko ng tatlong basong tubig, sinubukan ko ulit magsalita at salamat naman at maayos na.

“Nasan tayo?” Nanlaki ang mga mata ko dahil parang iba na yung boses ko pero hindi ko yun masyadong ipinahalata. Inayos niya muna ang mga gamit sa maliit na lamesa sa tabi ko tapos umupo siya sa sofa na sobrang lapit lang sa kama ko.  Nagtaka nga ako kung bakit may mga sofa sa katabi ng kama ko eh.  I mean, may tig-dalawa sa magkabilang gilid nito.

“It’s really nice to hear your voice again.” He gave me a gentle smile.

“We’re in Australia.”

“Australia?  Nagbibiro ka ba?  Bakit tayo nasa Australia?”

“This is the safest place for you, Kei.  Walang Round Table at walang Pyramid dito kaya dito ka namin dinala.”

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon