Chapter 14

1.9K 51 2
                                    

KEIRA’S POV

Bumalik na kami sa room namin after that. Nawala na ang adrenaline rush ko kaya nararamdaman ko na ang sobrang kirot ng sugat ko. The wound is at least 5 inches long. Mabuti na lang talaga at hindi malalim.

“Grey, pakikuha yung first-aid kit sa banyo.” Yan ang unang-unang sinabi ni Titus pagkapasok namin.

“Come here, Em. Linisan natin yang sugat mo.” Hale motioned me to sit beside him sa sofa kaya umupo ako dun. The four of them know how to deal with this, almost the same as how Yan and Clark know how to do it as well. Mabilis lang na nakabalik si Grey bitbit yung first-aid kit at sinimulan nang linisin ni Hale at Titus ang sugat ko.

“Em?” Dinilat ko ang mga mata ko dahil pumikit ako, ayokong makita yung ginagawa nilang dalawa.

“Hmm?”

“Are you still nervous dahil sa nangyari kanina?” Takang tanong ni Hale pero tinignan ko lang din siya.

“What are you talking about, H?  I wasn’t nervous kahit kanina nang nakikipaglaban ako dun sa lalaki.” Nagkatinginan si Hale at Titus na parang may natuklasan sila na hindi ko alam.

“Anong meron?” It was Ash. Nakaupo lang sila ni Grey sa harap ko at nanunuod ng ginagawa nung dalawa. Geez, wala silang ibang magawa.

“Look at this.” Tinuro ni Titus ang bandang leeg ko or something near my collar bone. Mas lalong kumunot ang noo ko.

“Can someone get me a mirror para naman makita ko rin yang tinitignan niyo?” I snapped at them. Kinuha ni Hale ang maliit na salamin na malapit sakanya at inabot yun sakin.

“Well? Anong meron sa collar bone ko?”

“Not the collar bone, Em. This part.” Hinawakan niya yung parte na parang space sa collar bone ko. Nakatingin pa rin kaming tatlo nina Ash at Grey sa kanya para ipagpatuloy niya kung anong meron dun pero wala siyang sinabi.

“Pwede bang sabihin niyo na lang kung anong meron jan at hindi na kami magmukhang mga tanga dito?” Sabi ni Grey na tinanguan namin ni Ash. Bumuntong-hininga si Titus.

“Wala talaga kayong alam sa mga ganitong bagay noh? It is said na kapag mabilis ang tibok sa parteng ito ng katawan ng babae, it means na buntis siya.” Umayos na ng upo si Hale at Titus sa harapan ko din dahil tapos na nilang linisin at lagyan ng gamot yung sugat ko. Pero parang nabingi ata ako dun sa sinabi niya.

“I’m sorry. Pakiulit nung sinabi mo?”

“Sa tingin namin ni Hale ay buntis ka, Em.” Hinilot ni Titus ang sentido niya at sumandal sa upuan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya. Maaari kaya na buntis talaga ako?

“Are you fucking serious?!” Ash.

“It’s just a theory.” Hale.

“Then let’s find out kung totoo nga o hindi.” Grey.

“When was the last time that you had your menstruation, Em?” I glared at Titus. Is he seriously asking me that?

“I’m just asking, ya know. Don’t be mad.”

“Fine. I think it was last, uhh, two months? Maybe?” When I realized that, napatakip na lang ako ng bibig ko. Hindi pa ako dinatnan simula nung may nangyari samin ni Ran.

“Oh my god! Anong gagawin ko? Buntis ba talaga ako? Guys? What? Ano ba ang -” Hale stopped me from completely panicking. He held his finger against my lips.

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon