Chapter 25

1.7K 50 2
                                    


KEIRA’S POV

“I’ll get it.” Pinigilan ko sa pagtayo si Cloud at ako na ang tumayo at nagbukas ng pinto dahil may nag’door bell.  Busy kasi sila sa mga bagay-bagay na ayokong makisali.  Mostly, business.  Sila ng bahala sa mga ganyan dahil sila ang sanay na sa mga gawaing yan. Of course, I know enough about the businesses under my name but I don’t really want to deal with it myself.

I was actually thinking on what to do next now that Pyramid is targeting Genesis and Apocalypse at the same time. Their emblem at the hideouts that were bombed is bothering me. Alam na nila na iba na ang namumuno sa Apocalypse for them to do that attack. Apocalypse was a member of Pyramid, but no longer.

Binuksan ko na ang pinto pero wala namang tao tapos may isang kahon na nasa tapat ng pinto kaya lumabas ako para silipin kung sino dahil baka nainip lang kaya umalis na pero wala namang tao sa malapit kaya tinawag ko ang isa sa mga guardian na malapit lang.

“May nakita ka bang kung sino na kaaalis lang?”

“Yung delivery guy lang po, milady.  May problema po ba?”

“Ah, wala naman.  Sige, salamat.” Nginitian ko siya tapos bumalik na siya sa pwesto niya kanina.  Nagtaka naman ako dun sa delivery guy. Di ba kasi normally, kailangang may pirmahan ka na confirmation na natanggap mo yung padala? Anyways, inalog ko ang hawak kong kahon tapos may tumunog sa loob pero mahina lang.  Medyo may kabigatan nga ito eh.  Ano kayang laman nito?  Pumasok na ako sa loob habang hawak ko pa ang kahon at naupo ako sa dati kong pwesto kanina.

“Ano yan, Em?” Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Ash.  Kinuha ko yung maliit na card sa ibabaw at saka binasa ko ng malakas para marinig nilang lahat.

“Keira, you would definitely love what’s inside.  Z.”

“Z? Sinong Z?” Walang sumagot sa tanong ni Grey.

“Bubuksan ko na ba?”

“Teka lang.  Patingin nga.” Inabot ko naman kay Xander yung kahon tapos inalog-alog niya.  Ginawa rin yun nina Ran at Titus tapos binalik na sakin.  I rolled my eyes.

“Ano? Pwede ko na po bang buksan ‘to?” Tumango sina Titus at Ran samantalang nakatingin lang yung iba sakin.  Inalis ko na ang ribbon tapos tinignan ko ang mga kasama ko na seryosong nakatingin lang sa kahon.  Tumawa ako dahil sa mga pagmumukha nila.

“Seriously guys?  Kayo na lang kaya ang magbukas?” Para kasing gustong-gusto nilang buksan ang hawak ko eh.  Umiling lang sila tapos binalik na ang atensiyon nila sa mga ginagawa nila kanina pa.  Pinagpatuloy na rin nila ang pag-uusap.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng kahon, bigla akong natuod sa kinauupuan ko.  I just stared at the spiders, centipedes, millipedes and a lot more crawling creature that came out of the box and are currently crawling into me.  Sinasabi ng utak ko na alisin ko ang lahat ng nakadikit sakin pero hindi makagalaw ang katawan ko.  Nagsimula na akong manginig.

“Em? Jesus Christ! Ilayo niyo yan sakanya!!” I know it was Hale who shouted.  Nakita kong kinuha ni Cloud ang kahon na nakapatong sa lap ko.  Nakita ko rin na lumapit silang lahat sakin.  They started removing whatever creature there is that clung into me pero ramdam ko pa rin ang mga iyon sa balat ko.  They’re crawling all over my body.  I can clearly feel them.  Ang maliliit pero matatalas at mababagsik na mga paa nila na naglalakad sa balat ko pero hindi ako makagalaw at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.  May humawak sa magkabila kong pisngi.  It’s Grey.

“Em? Look at me.  It’s okay.  Wala na sila.” Narinig ko ang sinabi niya pero nangingibabaw pa rin ang nararamdaman ko sa balat ko.  Ikinuyom ko ang mga kamay ko.  I hate this feeling.  I hate these creatures.  I despise them.  Yes, I’m fucking afraid of these crawling creatures. 

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon