Chapter 36

1.4K 44 0
                                    

KEIRA’S POV

The next few hours felt like eternity to me.  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong asahan na ibabalita nina Xander sa amin.  Gustong-gusto kong pumunta mismo doon sa lugar but Yan and the others wouldn’t let me.

Nakabalik na ang karamihan sa mga tauhan namin at nagpapahinga na sila either dito sa mansion or sa Colony.  Sinigurado nilang may sapat na taong matitira doon sa hideout number 4 para makuha ang mga naiwan sa loob ng building nang sumabog ito.  Nasa E-room pa rin kami.  Nakatitig lang ako sa malaking screen dito sa loob habang pinapanuod namin ang ginagawa sa site.  Madilim na dahil inabot na sila ng gabi sa ginagawa nila.  Hale brought foods earlier pero hindi ko makuhang galawin ang mga iyon.  Ilang beses na nila akong sinabihan na kumain pero ayoko talaga.

May mga nailabas ng mga katawan kanina and most of them are already dead.  I’ve been crying for hours now.  Mabuti na lang at nakaupo ako kaya bumababa lang ang tubig sa mata ko at hindi ito namumugto pero napapagod na ako.

May mga nailabas din naman na mga buhay pa pero masyadong malala ang mga sugat na natamo nila at agad silang sinusugod sa hospital.  Masyadong natatagalan ang proseso dahil hindi lang mga miyembro ng Round Table ang nasa loob kundi pati na rin ang mga tauhan ng Pyramid.

Clark’s still on my station and he would spare me a glance every now and then dahil hindi na natatanggal ang sinok ko.  I think the sound of it bothers him. Lumabas na si Yan kanina dahil kailangang may umasikaso sa mga tauhan namin.  He’s overseeing things outside habang nasa tabi ko pa rin si Hale.  He’s talking to our men from Apocalypse but he’s using the communicator.  Ayaw niya akong iwan mag-isa dahil may ginagawa si Clark.

“Grey’s coming out, Big Boss.” Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang sinabi ni Clark.  Agad akong tumingin sa malaking screen na ngayon ay tanging monitor na lang galing sa station ko ang makikita. Gamit pa rin namin ang satellite cameras. Nakatuon lang ang pansin ko sa butas na ginawa nila doon sa building para maging daanan.
Nang makita ko ang itsura ng lalaking nakahiga sa stretcher, nablangko na ang utak ko.  Hindi ko malaman kung humihinga pa ba si Grey o hindi na.  Kung hindi ko lang siya ganun kakilala ay maaaring hindi ko aakalain na si Grey ito. Duguan ang mukha niya pati na rin ang mga parte ng katawan niya na hindi natatakpan ng suot niya.  Itim ang suot niya mula ulo hanggang paa kaya hindi mo masasabi kung puno ba ito ng dugo o kung ano. Pero alam niyo kung ano ang pinakanagpahina ng mga tuhod ko? Ang malaking butas sa bandang tagiliran niya.  Yun lang ang tanging parte ng katawan niya na may sira ang damit at kitang-kita ang paglabas ng dugo galing sa sugat na iyon.  Tumayo ako at lumapit sa station ko para makita ko ng mas malapit. Kailangan kong humawak sa sandalan ng upuan ni Clark para hindi ako matumba.  Hale must’ve been shocked seeing Grey like that. Hell, I don’t know what to do anymore. It was Clark who supported me para hindi ako tuluyang matumba sa kinatatayuan ko.

“Kei, be careful.  Sit here.” Tumayo siya at inilapit sakin ang inuupuan niya kanina.

“No. G. Clark, is he…?”

“You need to calm down.  He’s not dead.” I breathed a sigh of relief.

“Oh, thank God.” Napahawak ako bigla sa tiyan ko dahil bigla itong sumakit.

“Kei? What’s wrong?”

“A-ang - ” Napahigpit ang hawak ko sa braso niya because another wave of pain hit me.

“Fuck!! Ahh!!” I have to breathe through my mouth dahil pakiramdam ko ay hindi na sapat ang hangin na nakukuha ko galing sa ilong.

“Em!” Binuhat na ako ni Clark habang sapo-sapo ko ang tiyan ko.  Inilabas nila ako sa E-room at inihiga ako ni Clark sa kama ko. Another wave of pain.  I screamed at the top of my lungs.

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon