Chapter 13

1.8K 49 2
                                    

KEIRA’S POV

Nanunuod ako ngayon ng balita while doing some stretching with Ash. It’s only 5:00 in the morning at tulog pa ata yung tatlo. Actually, ginising lang ako ni Ash dahil hindi na daw siya makatulog. Dinamay pa yung tulog ko eh. Pero in the end, napapayag niya din akong bumangon na sa kama. We’ve been on the same hotel room for over a month now. Yep, that’s over a month. Nga pala, Hale did his job. Nagawa niyang mapunta sa pangalan ko ang buong building na ito. I never thought na gagawin niya talaga yun. Hindi naman ako seryoso talaga nung sinabi ko yun eh. Kung baga, inaasar ko lang si Zandra pero Hale took it seriously. I didn’t even know na it was possible to do it within three days but Hale did. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero ang galing ni Hale sa part na yun. Basically, walang problema kung hanggang kailan kami mag’stay dito pero hindi ko masyadong gusto ang atmosphere ng building na to eh.

“A.” Tawag ko kay Ash na busy din sa stretching.

“Yeah?”

“Kailan ba tayo aalis dito? Hindi pa ba ayos yung penthouse ni Mommy?” Sabi kasi nila, pansamantala lang kami dito at magsi’stay talaga kami, dun sa penthouse ng Mommy ko dahil nakapangalan na daw yun sakin at walang tao dun. It was already secured with the necessary things pero kailangan daw nilang siguraduhin yun that’s why we’re here.

“I think Hale will install something today there at yun na ata yung last na kailangan bago tayo lumipat dun. Bakit?”

“Anong bakit? Eh malapit na akong mabulok dito. Ni hindi niyo ako pinapayagang lumabas sa kwartong to.”

“Em, you know why we’re doing that.”

“I know. Pero gusto ko naman makalanghap ng sariwang hangin hindi na lang yung puro galing jan sa aircon.” Tumayo ako dahil tinuro niya yung likod niya para itulak ko at inaabot niya ang paa niya habang nakaupo.

“We can go to the mall. Same routine.” I scoffed. Disguise again? Tinigil ko ang pagtulak sakanya ang let my hands freely settle on his shoulder.

“Keira. You know that your weights weighs too much for me, right?” He asked me seriously. He even used my name. Hindi ko siya pinansin at sumandal pa ako sakanya kaya naman ginawa niyang pangsuporta ang mga kamay niya sa harap.

“Geez, ilang tonelada na ba yang gamit mong weights?”

“Tonelada mo ang mukha mo. Anong akala mo sakin, si Hulk? Tsaka wag mo ngang iniiba ang topic! Gusto ko lumabas!” Tumayo na ako at nagdadadabog dun sa sala. I even threw the remote papunta sa pinto ng room namin. Next is the vase beside me. Ash tried to catch it but failed to do so.

“What the hell, Em?! Stop throwing things!”

“Gusto ko lumabas!!!” And then I screamed at the top of my lungs. I don’t know pero gustong-gusto ko talaga lumabas. I’ve been restless for the past few days and I can’t take it anymore. I want to do things, I want to eat, I want to go somewhere. Madami akong gustong gawin pero nakakulong ako dito and its getting into my nerves.

“Okay, okay. Calm down. You’re freaking me out. Stop that.” Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. There’s something in his eyes, I think I really freaked him out. Na’guilty ako bigla kaya nanahimik ako. Bakit ba parang ang bipolar ko? May narinig kaming mga tumatakbo papunta samin at nakita ko yung tatlo na halatang bagong gising.

“Ash! What the fuck?! Ano nanamang ginawa mo sakanya?” Hale asked Ash accusingly.

“Bakit ako nanaman ang may kasalanan? She just started throwing things and then screamed! I didn’t do anything. Nag-uusap lang kami at nagsabi siyang gusto niya lumabas and then there!” Tinuro ni Ash yung basag na vase. Na’guilty ako lalo. I just stared at them. Tapos para akong naiiyak kaya umiyak ako. What the hell? What the fuck is wrong with me?

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon