Chapter 31

1.7K 50 0
                                    

KEIRA’S POV

“May sama ng loob ka ba sakin, Yan?”

“Don’t be silly, Zeph.”

“Yun naman pala eh. Pwede bang dahan-dahanin mo naman yang ginagawa mo? Kahit naman pagaling na yan, masakit pa rin ng konti.”

“Zeph~ seriously, can you let me do my work in peace? Malapit na akong matapos oh. Bebendahan ko na lang to so relax ka lang jan.”

“Malapit na eh kanina ka pa jan. Dapat pala si Hale na lang ang pinagawa ko niyan- Ouch!!” Binatukan ko siya kaagad. Higpitan daw ba ng sobra yung benda?

“There you go.” Parang hindi ko lang siya binatukan eh. Inayos niya na ang mga ginamit niya. Siya kasi ang naglinis at nagpalit ng benda ng sugat ko sa binti na gawa ni Zandra.

Speaking of, the incident with Zandra seems like an event a long time ago. After what Ran did to her, everything went back to normal – except for my thigh. Wala na ding nagbanggit ng pangyayaring yun kaya walang alam sina Yan, Clark, Xander, Cloud, Hale at Ash. Yan din ang rason kung bakit parang nagdadabog tong isang to dito dahil tinanong niya nanaman ako kanina pero tinatamad ako magkwento so wala akong sinabi kaya parang gumaganti siya sakin. So childish.

Hindi pa rin nagkikibuan si Titus at Ran. Kapag magkakasama kami at may importanteng pinag-uusapan, umaakto sila na parang hindi nage’exist ang isa. Ilang beses na akong nagbalibag ng mga gamit dahil sa inaakto nila. Nakakainis sila and I know na hindi lang ako ang naiinis sa kanila kundi pati na rin ang iba but they wouldn’t budge that’s why may naisip akong gawin.

“A, nasan na yung dalawa?” Tawag ko kay Ash na dumaan lang dito sa living room. Papunta siya sa kusina eh.

“Titus and Kyran? I don’t know. Haven’t seen them both since lunch.” Kibit-balikat niyang sagot at umupo sa tabi ko. Nakaupo na din si Yan dito pero nanunuod siya ng TV. Actually, nandito silang siyam ngayon sa bahay pero may kanya-kanya silang ginagawa kaya nasa loob lang sila ng mga kwarto nila.

“You done with your work?” He scoffed.

“I wish. Bumaba lang ako para kumuha ng maiinom dahil natitigang nanaman ang utak ko sa mga papeles na kaharap ko.”

“Aww~ kawawa ka naman, A.”

“Knock it off, Em.”

“Why? I’m not doing anything. Why are you accusing me? I didn’t do anything to you-”

“Alright, alright. Stop it, seriously.” Natatawa niyang sabi and I laughed with him.

“Relax, A. Kaya mo yan.” I pat his shoulder pero umiling lang siya at tumayo na. Dumire-diretso sa kusina and after a few moments, lumabas dun na may bitbit na bote ng alak at wine glass. Dire-diretso lang siya paakyat ng hagyan and didn’t even spare me a glance. Bumusangot ako.

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon