Chapter 15

1.9K 53 6
                                    

KEIRA’S POV

Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko kaya iminulat ko ang mga mata ko kahit antok na antok pa ako. I groaned nang masilaw ako ng ilaw kaya pumikit ako ulit at nagtalukbong ng kumot.

“Em, dinner’s ready. You need to eat.” It was Ash.

“Busog ako, Ash. Leave me alone.”

“Kung dati, hinahayaan ka naming matulog kahit gaano katagal mo gusto, iba na ngayon. Kung ayaw mong kumain dahil busog ka, kailangan mo pa ring kumain para sa inaanak namin.” Hinila niya ang kumot na gamit ko kanina kaya tinignan ko siya ng masama.

“We’re not yet sure kung buntis talaga ako kaya manahimik ka jan.”

“You are pregnant, Em. Why do you keep on denying your baby?” I gasped at that.

“I am not denying my baby! How could you even say such a thing?!” Ash was shocked because of my outburst. He pissed me off. How could he?

“Em, I’m sorry. I didn’t mean it that way. Calm down, please.” Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nasa kwarto pa rin pala ako ni Hale. Pumasok si Hale at Grey.

“Is everything okay in here?” Grey.

“I think I pissed her off but I didn’t mean to.” Ash.

Bumangon na ako sa kama at diretsong lumabas ng kwarto. Wala akong pinansin sa kanilang tatlo. Naamoy ko ang amoy ng ulam kaya dumiretso ako sa kusina. Titus was there. Nag-aayos siya ng hapag.

“Oh. You’re up. Kain na tayo. Luto na lahat ng gusto mong kainin. Nasa ref yung mga ice cream at leche flan.” Tinulungan niya akong makaupo at inayos na din ang kakainin ko sa harapan ko.

“Thank you, T. Kain ka na din.”

“Nasan na ba yung tatlo?”

“I don’t know and I don’t care. Kakain na ako.”

“Sure. Go ahead. Tawagin ko lang yung tatlo para sabay-sabay na tayo.” Hindi niya na inantay ang sasabihin ko at umalis na siya sa kusina.

Ngumunguya na ako nang sunod-sunod silang umupo para kumain. Sinundan ko lang sila ng tingin and the three of them looked very uncomfortable. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy na sa pagkain. May mga pinag-uusapan nanaman sila at hindi ako interesado kaya hindi ako nakikinig. Kaunting kanin lang ang kinain ko dahil trip ko papakin yung fried chicken tsaka beef steak ngayon. Tinabi ko naman yung barbeque para may kakainin ako mamaya. Nakatulog na kasi ako kaya hindi ko alam kung anong oras ako ulit dadalawin ng antok. Aayain ko sila manuod ng movies mamaya and I wouldn’t take no as an answer.

Natapos akong kumain nang walang pinapansin sa kanila at agad akong tumayo pagkatapos ko. Binitbit ko yung lalagyan ng barbeque at naupo na sa sala. Binuksan ko na ang TV at nasa news channel yun. Wala bang ibang palabas sa TV na to? Kaasar naman.

Naglilipat lang ako ng channels nang maupo silang apat dito sa living room. Parang bahay na din naman kasi ang kwartong to sa sobrang laki. Just imagine na may limang kwarto ito – tig-iisa kami. Then may living room at kusina pa.

“Sino may bagong movie sainyo?” Tinaas ni Ash at Grey ang mga kamay nila.

Talaga? Ano yun?”

“I have Avenger: Infinity War and Tomb Raider.” Grey.

“I have Ready Player One.” Ash.

“Wala bang may Boss Baby sainyo?”

“I can download it if you want to watch it.”

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon