Chapter 26

1.6K 58 0
                                    


KEIRA’S POV

I woke up in Ran’s bed with him next to me na mahimbing ang tulog. Nakaunan ako sa braso niya and he has one of his hands on top of my baby bump. Umayos ako ng pwesto para nakaharap ako sakanya and I just stared at his face. This man’s handsomeness is beyond words. Naalala ko pa ang una kong naisip ng makita ko siya for the first time nang college kami. The only thought that came to me then was that he’s the most handsome guy I have ever seen. Though I never told him that, he actually lives with it. Totoo nga na first impressions lasts. And I never thought that this day would come – the day that I will be carrying his child inside of me.

Pinagmasdan ko lang siya sa loob ng ilan pang minuto until I couldn’t stop myself anymore. I started tracing the lines on his face. Una ay ang mga kilay niya. Sunod ay ang mga pilik-mata niya na mas mahaba pa kumpara sa akin. Sunod ay ang ilong niya – he has a really high nose bridge. Next is his magnificent jawline at panghuli ay ang labi niya. This lips which can do miracles – ang mga labing kinaaadikan ko. He is my drug.

“Are you done checking out my face, love?” Napasinghap ako kasi bigla na lang siyang nagsalita and then I glared at him.

“Don’t scare me like that.” He just gave me a small laugh and then kissed the tip of my nose.

“Busy ka sa ginagawa mo kaya hindi mo napansin na kanina pa kita pinagmamasdan.”

“Ran.”

“Hmm?”

Pwede bang maging kamukha mo na lang ang baby natin?”

“I can’t really control that, love. Bakit gusto mong maging kamukha ko ang anak natin?”

“Bakit, gusto mo ba na maging kamukha ko? Gusto mong magmukhang babae ang anak natin? O sinasabi mong mukha akong lalaki?” He burst out laughing after I said that. He seriously laughed at me.

“You’re being silly so early in the morning, love. I think you’re just hungry. Tara, maligo na tayo para makakain ka na.” Tumayo na siya sa kama and I gasped. Wala siyang saplot. My God, this guy.

“Kunin mo nga yung damit mo, lalaki!”

“Why bother? You already saw me like this so why hide it? Come on.” Kahit na ba! Tumalikod ako sakanya at nagtalukbong ng kumot pero naramdaman ko na lumapit siya sakin at niyakap ako kahit na balot ako ng kumot.

“Do you want another round bago tayo maligo?” Tinulak ko siya at tumayo na ako pero nakatakip pa rin sakin yung kumot habang prente namang siyang nakahilata sa kama niya.

“How many times do I have to tell you to stop flirting with me?” He laughed at me. Again. Padabog akong pumasok ng banyo niya at ni’lock ang pinto pero rinig ko pa rin ang tawa niya. Asar!

Naligo na ako at lahat-lahat. I sure took my time. Ang sarap kaya magbabad sa maligamgam na tubig. Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko siyang nakabihis na at may mga damit din ako sa kama niya.

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon