Chapter 38

1.7K 51 0
                                    

KEIRA’S POV

Nanlalamig ang mga kamay ko sa hindi ko malamang kadahilanan.  Naglalakad na kami ngayon sa loob ng isa sa mga Buenaventura Hospitals. Ash was waiting outside earlier para salubungin kami. Napabuntong-hininga nanaman ako ulit.

“Magiging ayos lang ang lahat.  Trust me.” Ash placed his hand on my shoulder and I gave him a grateful smile.

Nakabenda ang kaliwa niyang kamay at may mga bandage din ang iba pang parte ng katawan niya dahil sa mga sugat na natamo niya sa laban.  Obvious na din masyado ang pagod niya. His eyes looks very weak kaya medyo nag-alala ako kanina pero isinawalang-bahala niya lang ang pag-aalala ko.

“We’re here.” Tinignan ko siya pagkatapos ay sa malaking sign sa taas ng pinto na tinutukoy niya na may nakasulat na ICU. Hindi nakatulong yun sa kaba ko at mas lalo lang akong kinabahan.

“Should we go in now?  Are you okay?” Hale held my hand at tinignan ako sa mata.  Tumango lang ako sakanya para makapasok na kami.

The very familiar smell of hospital welcomed me when Clark opened the door.  Ang agad kong nakita pagpasok ko ay ang apat na hospital beds.  Lahat ng mga hospitals bed ay may mga katabing machines.  Machines na kagayang-kagaya ng mga machines na nakita ko after I woke up from coma. A chill run down my spine when I realized that. I stopped on my tracks.

“Please someone tell me what I’m thinking is wrong.” I helplessly looked at them.  Nag-iwas ng tingin sakin si Ash at Cloud habang naglakad papalapit si Hale sa isang hospital bed and Yan followed suit. Hindi ko alam pero lumapit sakin si Clark without saying anything. Pinagmasdan ko si Yan at Hale and it almost broke my heart when Yan started crying.

Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko at lumapit ako kay Yan. Nang makita ko ang rason ng pagluha niya, I gasped. Napatakip ako ng bibig at ginawa kong pangsuporta ang isa kong kamay sa hospital bed but it looked like hindi ko kayang suportahan ang sarili ko sa mga oras na ito.  Now I understand kung bakit lumapit sakin si Clark.  He’s the one who supported me para hindi ako matumba sa sahig.

Right there at the hospital bed is an unconscious Ran.  Halos matakpan na ng mga benda ang buo niyang katawan. Aabutin ko na sana ang isa niyang kamay pero naunahan ako ng yakap ni Yan. He’s crying. Ang higpit ng pagkakayakap niya sakin. Hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako.  I composed myself and comforted Yan.  This is the very first time na makita ko siyang ganito.

“Shh.  It’s okay.  Nandito lang kami, Yan.” Hinagod ko ang likod niya and played with his hair. Wala siyang sinabi. Hinayaan ko lang siyang umiyak but after a few moments, inalis ko ang pagkakayakap niya and the sight of him so vulnerable like this made my heart ache.

“Oh, Yan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sayo but let’s wait for them to wake up, okay? I know they will.  I was in coma for six years so how bad can this get, right?” Hindi ko alam kung mae’encourage siya sa sinabi ko pero it’s the truth.

“I’m sorry.  I should be the one comforting you but I couldn’t help it.  Ito ang unang beses na makita ko ang kakambal ko sa ganitong kalagayan.” Umiling lang ako sa sinabi niya.

“Don’t worry about it.  Kahit anong mangyari ay kakambal mo siya so you two have a special connection.”

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon