Chapter 16

1.8K 56 6
                                    

KEIRA’S POV

It was I think 3:35 in the morning nang makaramdam ako ng parang matinding panghahalukay sa tiyan ko. Mabuti na lang at nakaabot pa ako sa banyo bago ko isinuka ang halos siguro lahat na laman ng sikmura ko. God! That was awful. Pagkatapos kong maisuka lahat ng yun, nanghina ako kaya naman naupo lang muna ako sa sahig ng banyo ko. I massaged my belly.

“That wasn’t very nice, sweetheart. Mommy’s really tired.” Kinausap ko lang ang baby ko not even sure kung naririnig niya ba ako. This was a first because for the past 8 weeks of my pregnancy, ni isang beses ay hindi ako dinalaw ng morning sickness. My baby’s really trying to make his existence known.

I just sat there for I don’t know how long basta nang maramdaman ko na ayos na ako, dahan-dahan na akong tumayo para kumuha ng maiinom sa kusina. I also thought of checking on the four. Hindi ko kasi alam kung nakauwi na sina Titus at Hale o kung hindi pa.

Nang makalabas ako ng kwarto ko, I didn’t expect na bukas ang ilaw sa living room. Nakikita ko yun kahit na kakalabas ko pa lang ng kwarto ko. It’s almost 4:00 or maybe past 4:00 in the morning, hindi pa ba natutulog yung dalawa? Are they waiting for Titus and Hale? I kind of felt bad about it dahil pagdating namin dito kahapon, dumiretso na ako sa kwarto ko.

“A?” Hindi siya sumagot. Parang may kung ano sa living room at hindi mapanatag ang loob ko kaya hindi muna ako bumaba.

“Ash! Grey!” Sinigaw ko na yun at kinabahan na talaga ako ng makalipas ang ilang segundo ay wala pa ring sumagot sa kanila. Papasok na sana ako ulit sa kwarto ko para kumuha ng baril pero narinig ko ang sigaw ni Grey galing sa baba.

“Em! Nasa baba kami.” I let out a sigh that I didn’t know I was holding. I even smiled to myself dahil normally, sa dibdib ako hahawak pero unconsciously, palaging napupunta sa tiyan ko ang kamay ko simula ng malaman kong buntis ako.

Naglakad na ako papunta sa baba dahil kailangan ko nga pala ng maiinom. I want to eat as well. Nagugutom na ang anak ko kahit sobrang aga pa.

Nang makatuntong na ako sa dulo ng hagdan, hindi ko inaasahan ang mga nakita ko sa ibaba. Agad kong nilapitan sina Titus at Hale na puro mga pasa sa mukha at may mga benda na ang kamay.

“What the hell?! I told you to be careful!! Anong nangyari sainyong dalawa??” I hugged them both at the same time but I never expected to see five other people inside the penthouse. For the next few seconds, nagtitigan lang kami ng mga Royal Guards ko. Yes, all five of them are here. They just stood there looking so out of place.

“Zeph. I can’t believe this.” Hindi ko muna pinansin si Yan. Nakatanga lang din sina Clark, Xander at lalong-lalo na si Cloud. May mga pasa din sa mukha sina Ran, Clark at Xander. Umatras ako ng konti para makita ko silang siyam.

“Titus. Hale. Explain.” I saw them gulped at nag-iwas din sila ng tingin.

“We told them that you’re alive.” I massaged my temple. Wala sa plano itong ginawa nila. We’re not yet done with the preparations.

“Tell me. Kailan niyo nakuha ang mga pasa at sugat niyo? Before? Or after you told them that?”

“After.” Nilapitan ko si Hale pagkatapos niyang sumagot sa tanong ko. Hinigit ko ang kwelyo niya.

“You told me earlier na ililigaw niyo lang sila. I was never informed na dadalhin niyo sila dito so what the fuck, H?!”

“Em, please, calm down. You look so pale. Ayos ka lang ba?” Bago ko pa man masabihan si Ash na manahimik siya, biglang humilab ang tiyan ko kaya napatakip ako ng bibig. Fuck. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo malapit sa kusina kaya nadaanan ko yung lima. Pagkapasok ko, nagsimula nanaman akong magsuka. Akala ko, naubos na ang laman ng tiyan ko dahil sa pagsusuka ko kanina pero nagkamali pala ako. Habang nagsusuka ako, I can hear noises galing sa labas pero I was very pre-occupied para pansinin ang mga pinag gagagawa nila.

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon