Chapter 9

1.9K 56 0
                                    

KEIRA’S POV

~~~ FLASHBACK ONE YEAR AGO ~~~

A month have passed since magising ako. Patuloy pa rin ang physical therapy na ginagawa sakin para muli kong maigalaw ng maayos ang katawan ko. Imagine the strain that I feel. Nakahiga lang ako sa loob ng anim na taon. No muscle activity at all. Parang literal na kinalawang ang mga buto ko dahil dun kaya I’m really trying para maayos na ulit ang katawan ko. For the past month, hindi na umalis dito sa bahay ang apat. Pati ang nurse at doctor ko, dito na din nila pinag’stay sa bahay para kahit anong oras ko sila kailanganin ay agad nila akong matutulungan. Nandito kaming lima ngayon sa living room at nanunuod ako ng kung anumang balita sa TV. Balita ito sa Pilipinas. May pinag-uusapan silang apat pero hindi ako nakikinig. Parang gaya din ng ginagawa ko sa mga Royal Guards ko dati na kapag wala akong interes sa topic nila, hindi na ako nakikinig.

“Em?” That’s what they always call me. Shortcut daw sa ‘Empress’. They also told me na ang Mommy ko ang huli nilang tinawag na Empress. So, basically, Emperor/Empress ang tawag nila sa pinakamataas na ranggo sa Apocalypse – that’s Genesis’ Head Master’s counterpart.

“Yes, H?” I decided to just call them using the first letter of their names. Ako na ang tamad.

“Someone needs to go back to the Philippines to continue monitoring things there. You can’t go back yet dahil sa kondisyon mo ngayon.”

“I don’t actually plan on going back just yet. Masyado pang magulo.”

“What do you mean? Akala ko, pagkagising na pagkagising mo, agad mong gugustuhin na bumalik sa mga Royal Guards mo?”

“A, that would be true if I haven’t read my mother’s letter for me and watched the video pero dahil alam ko na ang totoo ngayon, I can’t just pop up there. However, her video was the most shocking part. I have to play it a few times just to make sure that I was hearing things right.”

“She has a video?” Titus.

“Yeah. Mostly, she just confirmed what you guys already told me and it was in the golden flashdrive. I’ll let you watch it after you’re all done with what you are doing right now and then, we’ll plan on what to do next. Cool?” Tumango silang apat at ipinagpatuloy na ang mga ginagawa nila. Para lang talaga silang yung lima kung maka’asta kaya hindi ako natagalan bago maging komportable sa kanilang apat. Tulad ngayon, they refuse to leave me alone kahit na manunuod lang naman ako ng TV at dinala pa talaga nila dito ang mga kailangan nilang trabahuhin. Pinagpatuloy ko na lang ang panunuod ko pero nababagot na ako.

“Guys~ matagal pa ba yan?? Nababagot na ako dito oh.” Nagagalaw ko na ngayon ang mga kamay at paa ko pero kailangan ko pa rin ng suporta kung maglalakad na ako. But I can handle if nakaupo lang ako.

“Ano bang gusto mo gawin?” Grey.

“I don’t know. Gumala sa mall? Maglakwatsa? Joyride? Anything.”

“Ha-ha, Em. Next time na lang.” Bumusangot ako sa sinabi ni Ash.

“Tss. Jerk.”

“I heard that.” He glared at me.

“Good.”

“If you want, we can go to the mall pero kailangan mo mag wheelchair.”

“No thanks, T. Dito na lang ako sa bahay.”

“Gutom ka nanaman ba? Bakit ang gulo mo nanamang kausap, Em?” That was Hale.

Mafia of Mafias: Heir Apparent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon