...

54 2 0
                                    

Mariing tinitigan ng babae ang mukha ng lalaking nakapikit at bahagyang nakangiti mula sa salamin ng kabaong nito. Labis niyang initindi kung bakit nagawa pa nitong ngumiti sapagkat hindi naman ganoon kasaya ang naging buhay nito.

"Optimist..." naibulong na lang nito, at piniigilan ang mga nagbabadyang luha na tumulo sa kanyang mukha.

Hindi siya ang tipikal na babaeng emosyonal. Hindi siya yung tipo ng taong mahilig yakapin ang isinisigaw ng puso at mas papairalin ang utak niya. Ni hindi siya umiiyak o tumatawa. Malimit lamang iyon mangyari, at kung mangyayari man, ay dahilan iyon pakiramdamn ng sobrang saya o di kaya naman sobrang sakit.

Ngunit sa mga nakangiti nitong labi, ay hindi niya mapigilang ang sakit na umusbong sa kanyang dibdib. Bumibigat ang kanyang hininga sa bawat segundong pumatak, habang pinapanood ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. Lahat ng bisita roon ay nagbato ng mga putting bulaklak sa huling hantungan nito, rinig pa niya ang hagulgol ng ina na medyo malapit lang sa tabi niya.

Halos mabingi siya sa singhot, hagulgol at sigaw ng mga tao roon, na naging malapit sa lalaki. Napapikit siya sa mga ala-alang biglang sumagi sa kanyang utak. Isa-isa nitong pinaalala sa kanya ang lahat ng oras na nangiti siya dahil sa kanya. Ngunit, unti-unti rin itong nilukob ng mga ala-alang hindi niya inaasahang makakapagkuyom ng mga kamao niya.

Nang buksan niya ang mga mata, ay namalayan na niyang nababasa na lamang nito ang pangalan ng lalaki sa isang marbol, sa baba nito ang araw ng kanyang kapanganakan at kamatayan, at sa ibaba pa nito ang maliit na mensaheng mula sa mga nagmamahal sa kanya.

Imbes na mabingi sa mga sigaw at hagulgol, ang malakas na buhos ang ulan ang naging ingay sa tahimik na paligid. Hindi na niya namalayan ang pagkabasa ng suot niyang itim na hoodie habang nakatayo mismo sa puntod niya, titig na titig sa mga pangalan nito.

"ALLISON!"

Hindi parin siya gumalaw sa kinatatayuan kahit na narinig niya ang sigaw, 'di kalayuan sa likod niya. Naramdaman na lang nito ang presensiya ng tao sa likuran niya.

"Alli, hindi ka pa ba uuwi sa inyo?"

Napangiti ito ng hindi pa rin nililingon ang babae sa likuran niya. "Just a minute, Les."

Kahit pa baligtarin ang mundo, alam niyang wala na siya. Wala na ang isa sa mga taong naniniwala sa kanya. She wasn't even expecting that to happen to him. Parang ang pagkawala niya'y parte ng isang pantasya na nangyayari lang sa mga libro. Pero hindi nga naman siya nabubuhay sa ganoong mundo. It's reality.

Dahan-dahan niyang ipinahid ang nag-iisang luhang tumulo sa kanyang mukha.Mapait itong ngumiti at hinarap ang babaeng nasa likuran niya.

Maya-maya pa ng makauwi, ay ramdam na ramdam pa rin niya ang bigat sa kalooban kahit pa alam nitong tanggap na niya ang kinahihitnan ng lalaki.

"Okay ka lang?" biglang tanong sa kanya ng babae na katabi lang niya. Agad iyon napa-iling. "Stupid. Wrong question asked, of course you're not okay! Well, if there's anything, feel free to talk to me, Alli. Hindi mo lang ako pinsan, bestfriend mo na rin ako 'no."

Nginitian lang niya ito, dahil kahit papaano'y may nakakaalam sa nararamdaman niya. Sa totoong nararamdaman niya. He wasn't just any guy. He was her bestfriend. At sa kanya, iba ang tiwala niya sa isang kaibigan. Hindi naman kasi siya palakaibigan, isang dahilan kung bakit hindi agad siya nagtitiwala. She's not emotionally invested in anyone, except for her own family, relatives and him.

Kaya pagpasok ng school two days later, ay wala pa rin itong gana. Halata pa lang sa lakad niya't mukha ang pagod at sakit. Nasanay naman ang iba dahil ganoon ang mukha niya lagi: walang pakialam.

Lumipas ang oras at kahit pa lumalayag ang utak niya sa kung saan, ay nagagawa pa rin niyang maintindihan ang buong discussion sa bawat subjects na pasukan niya. Nang marining ang hudyat ng lunch break, ay hindi nito pinilit na kumain sa baba at kinain na lang ang sandwich sa loob ng room kahit na bawal pa. Hinintay niyang mawala ang tao sa loob at namnamin ang katahimikan.

Maayos na sana ang ganoon ng makarinig siya ng ringtone, 'di kalayuan sa lugar niya. Agad iyang hinanap kung kaninong phone iyon at hindi niya napigilan ang biglang alab ng galit na umusbong sa kanya ng mapagtantong kay Dexter ang phone na iyon.

'Siya ang dahilan...' ulit ulit iyon bumulong sa utak niya habang tinitingnan ang phone na nagri-ring.

May tumatawag rito kaya naman naisip niyang tingnan iyon.

Hindi naman kasi mali ang mga kuro-kuro ng tao... sapagkat nagpakamatay ang kaibigan nito dahil sa kanila. 

Namumuo ang galit sa loob nito tuwing maiisip ang katotohanang iyon.

Agad niyang binasa ang numerong nakalagay sa baba ng caller at dali-daling bumaba ng room. Isang pilyong ngisi ang bumalatay sa labi nito ng makaramdam ng biglaang tapang at bumuo ang isip niya ng isang kalokohan.

Nang pinasok niya ang banyo ng mga babae, ay sakto namang konti na lang ang mga tao kaya wala siyang sinayang na oras at pinasok ang isa sa mga cubicle at isinara ang pinto. Inilabas niya sa bulsa ang pentelpen niya at mula sa pintuan ng cubicle na iyon, ay isinulat niya ang numerong nakita niya kanina sa caller.

At nang maghintay siya ng ilang segundo bago lumabas at naisipang tumambay na muna sa soccer fields at hintayin matapos ang oras.

Nang makabalik na sa room at natuloy ang oras sa pag-aaral. Ngunit nabulabog ang lahat sa room ng mag-ring ang phone ni Dexter.

"Kaninong phone iyon? Sagutin niyo sa labas." agad na utos ng teacher at ibinalik ang tingin sa blackboard, tinuloy ang pagsusulat ng written activity.

Tumayo si Dexter at lumabas nga ng room, ngunit rinig pa rin ng lahat ang boses niya.

"Anong ipinamigay?! Hindi ko ipinamigay yung number mo... Aba?! Kasalanan mo na iyan! Sino bang mahilig sa babae sa'ting dalawa?!"

Hindi niya maiwasang mapangiti sa narinig. Wala silang naging alam sa ginawa niya... Isang malaking ganti iyon kahit papaano para sa kanya, at nagbigay ito ng isang malaking ngiti sa labi niya.

Ngunit nang mapagtantong walang magbabago sa ginawa, ay nabalik sa dati ang kanyang mukha, dahil alam ni Allison, na hindi na iyon maibabalik si Evan. Kailanman. 

Royals: MisfitsWhere stories live. Discover now