chapter twenty four

33 0 0
                                    

24: Saving

~*~

Mabilis na nagtipon-tipon ang natitira pang mga miyembro ng Royals, 'di kalayuan sa bahay ni Dexter.

"Ano ba 'yan! Ang daming guards!" sambit ni March, na agad namataan ang dalawang naka-unipormeng guwardiya na nakatayo sa magkabilang dulo ng gate.

"Ambush na lang kaya tayo?!" suhestiyon ni Enrico nang maisip muli ang sinabi ni March na wala ngayon sa bahay si Secretary Mariano. Tiningnan nito muli ang harap ng bahay.

"We all have the disguises and the weapons, right? We could do that." tanong ni Daryll, at agad isinuot ang maskra mula sa naunang atake sa plantation.

"Okay, here's the plan. Since we need immediate entrance, I suggest Cosine and Alexid to stealthily go inside while we ambush the guards-" dagdag pa nito, ngunit agad nagsalita si March.

"Yung pinsan ni Alli? 'Pano siya papasok dito?"

Magsasalita sana si Daryll, ngunit agad nitong nakita ang paparating na Jeep Commander, ang naturang sasakyan ng babae. Hindi ito nabigo noong tumigil ito malapit sa kanila, at lumabas mula doon si Leslie.

"How's Alli? Hindi siya sumasagot sa phone niya." agad na salubong nito. Kumunot ang noo nito sa mga suot ng kaibigan. "Sandali, bakit mukha kayong mga ninja?"

"Ambush sana sa mga guards. We have to wear this so they won't recognize us."

Tumango naman si Leslie. "Kung ambush naman pala gagawin, tara na! Ganoon rin naman plano ko eh! Ako nang mauuna if y'all want."

Nagpaunang lakad si Leslie tungo sa gate. At gaya ng inaasahan, ay nilapitan siya ng dalawang guwardiya. Sandali itong nakipag-usap, hanggang sa bigyan ng sipa ang isa sa kanila, at suntukin ang isa pa, para matumba ito. Nakailang bugbog muna siya sa dalawa bago masiguradong hindi na makaktayo pa ang mga ito.

Tumalikod si Leslie para senyasan ang mga kasama na sumunod sa kanya. Kinuha niya ang isang walkie talkie mula sa mga guwardiya at agad iniutos ang pagbukas ng gate.

Agad tiningnan ni Daryll ang mga kasama. Pansin nito ang pagiging tahimik ni Alexid.

"Hey, you okay?"

Imbes na sumagot sa tanong, binigyan niya lamang ito ng thumbs up at idiniretso ang tingin sa gate. Magsasalita pa sana siya ngunit nang marinig ang tunog ng pagbukas ng bakal sa harapan nila, agad nilang itinaas ang mga hawak na sandata para salubungin ang iba pang guwardiya na naka-patrol.

Saktong paglapit nina Daryll sa guwardiya, ay may ibinato si Leslie sa tapat nila na parang itim na metal, na agad naglabas ng puting usok.

"Sundan niyo si Leslie!" utos ni Daryll nang mamataan ang babae na papalayo sa direksyon nila.

Agad na sumunod si Alexid at Cosine, kahit pa nahirapan sila sa paglalakad dahil sa naturang bilis ng babae.

Hindi hamak na sobrang lawak ang lupain ng mga Mariano. Alam ni Alexid na maliligaw sila sa gagawing ambush at imbes na mailigtas pa si Allison, ay baka sila rin ay mapahamak na lalong ikinatakot nito.

"Relax." agad napatingin si Alexid sa kasama na si Cosine. Mahigpit ang hawak niya sa kamay nito, at pinisil, bago muling hilahin ang babae para sundan si Leslie.

Pinilit nitong kumalma, ngunit hindi pa rin mawawala ang kaba nito lalo na't nasa teritoryo sila ng kalaban. Hindi tulad sa plantation, ay may plano't gabay sila, ngayon ay wala, dahil ang mismong gabay nila ang bihag ni Dexter.

"I'm assuming Leslie knows her way here." biglang sambit ni Cosine sa katahimikan habang nagtatago sa mga halamanan.

"Pa'no naman?"

Royals: MisfitsWhere stories live. Discover now