chapter seventeen

35 1 0
                                    

17: Witness

"Magkaibigan kayo noon ni Carpio, 'diba?"

Hindi na nagulat si Phoenix sa magiging usapan nila ni Dexter sa gabing iyon. Inimbitahan ito na pumunta sa bahay at uminom. Isang pahiwatig na gusto niya itong kausapin.

Bumuntong-hininga ang babae, tinitingnan ang hawak na shot glass. "Alam mo naman pala."

"Siguro naman you still have a good relationship with her. Hindi rin naman natin siya ginagalaw."

Alam na ni Phoenix kung saan pupunta ang mga sinasabi nito ngunit hindi nito mapigilang ma-irita sa paligoy-ligoy nito.

"Cut the crap already! Sabihin mo na lang kung anong gagawin ko-"

"Kidnap that bastard."

"What the f*ck Dex!"

Inis na tumingin sa kanya si Dexter. "Anong what the f*ck?! She's involved now and you know it. Wala akong pakealam kung kaibigan mo siya 'cause she's our enemy now!"

Natahimik si Phoenix, hindi alam kung anong sasabihin dahil pawang katotohanan naman ang mga sinabi ni Dexter. Kalaban nila si Allison. Ang paglitaw niya kanina ay ang paghahamon niya ng gera laban sa kanila.

Iba ang mga nakikita nito sa mata ng magkatinginan sila. Ngunit may hindi pa rin siya maintindihan.

Anong ginawa nila sa kanya at gusto nitong kalabanin sila?

"What the f*ck did we do to her that made her form a group?"

Sa tanong ni Dexter, ay parang nabasa nito ang mga tanong sa utak niya.

"Ano nga ba, Dex?"

Siniringan siya ni Dexter. "Are you accusing me?"

"Says the guy who beats up a girl. Come on... maybe that's what made her angry."

Uminom muli si Dexter, bago magsalita. "I think not."

"How?"

Narinig ni Phoenix ang kalansing ng baso ni Dexter sa mesa. "Royals started even before beating up that b*tch. So it means, she's been plotting this a long time ago. But why?"

Matagal siyang nag-isip ng mga maaring dahilan kung bakit, ngunit walang lumalabas na ebidensya na pwede niyang gamitin rito. Ang tanging alam nito ay ang pwedeng maging kaisa-isang posibleng rason nito ay paghihiganti.

Pero para kanino? Para sa sarili niya?

"Baka isa sa mga kaibigan niya! I bet it's that nerd! I think she likes him! F*ck, I wanna puke at that thought!" biro nito at humalakhak.

Hindi alam ni Phoenix kung bakit hindi parin tugma ang lahat ng sinasabi ni

Dexter.

"But not after that f*cker killed my chance to punch her in the face."

Still cringing at that thought of punching Alli, she remembered how Daryll stopped Dexter's punch that could've tainted her angelic face. Even before all break loose, her eyes went to Daryll. He was staring at her leader without remorse. With no emotion etched on his face, his hand was shaking, holding on to that punch.

"So let's test the waters." Napatingin muli si Phoenix sa kaibigan, na malalim na ang boses at nakatingin sa malayo. Tumingin naman muli ito sa kanya.

"Kill the king before the pawns for an early checkmate."



ALLI

Royals: MisfitsWhere stories live. Discover now