chapter five

39 1 0
                                    

5: LIVE THAT FANTASY

LEXID

"Nasaan si Dexter?"

"'Lol! Ang sabihin mo, nasan rin sina Allan tsaka Rom?"

"Grabe, ngayon ko lang pansin na tahimik yung school!"

"Oh my god, a miracle happened! Finally!"

"Balita ko, na-suspend daw sila for one week!"

"Luh! Bagay iyan sa kanila!"

Ilan-ilan lang iyan sa mga naririnig ko sa mga estudyanteng nadaraanan ko– and no, hindi ko ginagaya yung mga speech sa graduation pictures sa Facebook.

Pero totoo iyon, malakas ang usual na bulungan ngayon dahil talagang hindi sila makapaniwala. Na-suspend lang naman ang nag-iisang bully ng Asplund International School. At asahan mo pang na-suspend lang naman ang anak ng mismong secretary ng Department of Education.

Pero alam ko, suspension won't stop him. But because may pinapangalagaang apelyido at reputasyon ang pamilya niya, it would stop him temporarily. These are the moments that you should embrace. Kasi eto yung mga oras na malaya ka ulit. Kahit na nandiyan pa ang iba pa niyang alipores, eh mas harmless sila keysa sa kanya. Actually, ang lahat nga'y takot lang sa kanya at kay Allan. Friendly rin naman kasi ang iba. Take Phoenix as an example.

Dahil nga bukod na pinagpala sa talino ang babaeng iyon, madalas, nakakasali siya sa mga contests at halos marami siyang nakakasamang taong kinakaibigan niya. Ngunit dahil sa masamang hangin, ay napadpad sa Asplund ang walanghiyang babaeng naging kaibigan niya na nagngangalang Danielle Zacarias.

Banggitin ko palang yung pangalan, gusto ko na manabunot!

"Hey, you okay, sassyb*tch?"

Hindi ko mapigilang mapalakas ang boses ko dahil sa nickname na iyon! "Sassyb– I told you to stop calling me that!"

"Until you stop calling me jerkface." he retorts back.

May point, pero ayokong ganoon nickname ko!

Inunahan ko na lang siya ng lakad, pero talang sumunod ang walanghiya. Tibay!

"Seriously, are you okay?" pahabol niyang tanong kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Ryll..." simula ko sa nickname naman niya talaga, "I'm fine. Nothing's wrong."

"I know you."

Sinamaan ko siya ng tingin pero parang hindi man lang siya natinag. "Seryoso ka ba? Oh ano pa?"

"I'm trying to ask you something, Alexid Jenina." biglang malamig na tugon nito.

Sa totoosin, minsan lang talaga sya magseryoso, at kapag ganoon na nga siya, eh talagang may gusto siyang sabihin o iparating. Madalas mas sarkastiko pa nga siya sa'kin e, kaya iba rin kapag seryoso siya. Diyos ko, pati nga buong pangalan ko nasabi pa niya ah?

"How are you holding up?"

"I-I'm fine. Seriously, I'm fine." giit ko ng may ngiti sa mukha. Ngumiti siya ulit ngunit ramdam ko na hindi iyon kuntento sa ganoon. Umalis na rin siya at doon ko nakuha ang kalayaan na maka-akyat ng room!

***

"ALLIIIIIIIIIIIIIIIII!" salubong ko kay Allison ng marating ang table namin sa Main College lobby ng mag-lunchtime. Agad ko siyang niyakap at halatang hindi niya inexpect iyon!

Royals: MisfitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon