chapter eleven

20 0 0
                                    

11: No Mercy

ALEXID

"Nasan ba yung principal?!"

"Sh*t! Natatakot ako dun sa boses mula sa speaker! Na'san ba si Daniel?!"

"Oh my god! That's scary!"

"Oh boy, another contender for Gamechangers!"

Tuloy-tuloy lang ang bulungan habang pinapanood kong lumingon-lingon ang grupo ni Dexter na parang t*ng* kakahanap sa kung sino man ang nagsasalita.

"P*t*! Phoenix! Puntahan mo yung sound room!" pasigaw pa nitong utos kay Phoenix at dali-dali namang napaakyat si girl.

"Hintayin mong makita kita p*t* ka! Patay ka sa'ken!" sigaw nito pabalik sa misteryosong boses, ngunit diretsong nakatingin sa mismong soundroom.

Kahit pa alam ko kung sino ang boses na iyon, it's still surprising to know that it is indeed, Allison herself. Sanay akong hindi iyon nagsasalita at panay lang ang pakikinig tuwing may usapan. Pero this particular day is different. Kahit pa distorted yung boses para magmukhang malalim, ramdam na ramdam ko yung emosyon doon.

"We won't get into anything if you yell at no one. Why don't we negotiate... since it's the thing that you always 'love' to do?"

Umikot sa kinatatayuan si Dexter na para pa rin bang hinahanap ang taong nagsasalita.

"Oh dear, you can't see me, but I can see you. You find it so tragic, do you?"

"Dex! Hindi connected yung speakers sa sound room!" sigaw ni Phoenix pabalik mula sa second floor.

Tumingala si Dexter sa direksyon ni Phoenix. "P*t*! Edi gumawa ka ng paraan para alisin yung power ng speakers!"

Halos hindi makumayaw sa pagtakbo si Phoenix mula sa itaas para hanapin ang mga ICT club members. Kadalasan kasi kapag may mga technical problems dito, ay sila halos ang tatawagin.

Pero sinuswerte nga sila sa ngayon, dahil ang mismong gumawa niyan ay parte ng ICT club.

"Sige! If that's what we are going to do, lay it all out! Lapat mo lahat sa'ken kung anon gusto mo!"

"Madali lang naman... Tigilan mo na kami. Tigilan mo na ang pangengealam mo sa mga estudyante ng Asplund."

Nakita ko ang mga nanginginig na kamao ni Dexter. "Sino ka ba para pakealaman ako sa mga ginagawa mo? You know what I can do to you kapag nalaman ko kung sino ka!"

"But... you dont? Since we're really wasting time talking... We'll have a small game but before that... How about... you stopping all those people from sabotaging the audio..."

"At bakit ako susunod sa'yo?!"

"Susunod ka kasi baka ipakita ko sa kanila yung iba pang papeles na hawak ko. And I can show you every dirty thing you hid from them."

Mas lumakas ang bulungan. Hindi pa natatapos ang bulungan at nakita kong tinawagan agad ni Dexter si Phoenix, at inutusan na bumaba na sa lobby at wag nang galawin pa ang speakers.

Maya-maya pa'y nakita ko nang hawak nina Allan at Romulo si Cosine na halatang hindi mapakali sa mga nangyayari.

"Bitawan mo yung estudyante na hawak ni Magallanes."

Kita ko ang inis sa mukha ni Dexter matapos utusan si Allan na bitiwan si Cosine, ngunit nandoon pa rin sa likuran niya para bantayan.

"Now, for what I'm here for... Let's have a duel. I'll let you do whatever you want... still, but that doesn't stop me from what I want to do with you."

Royals: MisfitsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin