chapter thirty four

14 1 0
                                    


34: Vital Key


a.n. // trigger warning

~*~

Malakas ang tunog ng musika sa loob ng bahay na iyon. Iba't ibang kulay ang sinag ng ilaw na sumasayaw, tulad ng mga taong wala na sa wisyo at nagkumpulan sa gitna ng sala na nagsilbing dancefloor.

Pagkatapos ng ilang tawag at texts, ay napapayag rin nila Danielle na pumunta si Phoenix sa naturang party. Umabot pa ito sa asaran, tinawag pa ang naturang babae na 'matanda', dahil daw hindi mahilig sumayaw at uminom.

Mas gugustuhin pa niyang magbasa ng mga librong nabibili sa malapit na bookstore keysa uminom at makisalamuha. Hindi naman siya tahimik, pero hindi rin naman ito mahilig sa sobrang ingay at atensyon, 'di tulad ng mga kaibigan nito.

Hindi rin nito maintindihan bakit kaya nakakaya niya ang mga iyon. Ang impluwensiya ng mga naturang tao na iyon sa kanya ay malaki, lalo na sa pakikitungo ng ibang tao sa kanya. Madalas, maraming naiintimida sa presensya nito kahit pa nakangiti siya.

Kadalasan, kapag may taong napa-partner sa kanya sa anumang gawain, ay ayaw nilang magkamali.

Hindi ito nagugustuhan ni Phoenix.

Hindi siya nakipagkaibigan rito para maramdaman ang pagiging mataas sa ibang tao o estudyante. Ngunit, gusto nito maging impluwensya sa mga nasabing kaibigan na nagbibigay sa kanya ng kakaibang epekto sa presensya niya pagdating sa ibang tao.

Pero parang walang nangyayari't matitigas ang ulo ng mga ito.

Kapag dumarating ang mga oras na naiinis siya sa mga ito, laging sumasagi sa isip nito si Allison Carpio.

Ang tanging karibal nito sa rankings. Miyembro ng IT Club. Isang Arguello.

Nakita nito ang sarili sa naturang babae. Ayaw sa atensyon, ayaw sa gulo. Pero kapag may gustong ipaglalaban, lahat ng prinsipyong pinaniniwalaan nito ay babalewalain.

Hindi siya nagkamali noong kausapin niya ito noong unang magkakilala. Halos parehas sila ng hilig, paniniwala at opinyon. Parehas nilang alam ang sikreto ng isa't isa.

Parehas ang lingguaheng sinasalita na sila lang ang nakakaalam.

Kaya ganoon na lang ang takot nito ng malamang kalaban na niya ito mula ngayon.

Sa tagal nilang hindi nag-usap, ay nahiya na itong puntahan pa si Allison. Noong dumating si Dexter, ay parang nawala sa usapan ang babae. Bulong sa hangin na mabilis lang binalewala.

Nabasa niya agad ang galit sa mga mata ng babae nang magkita sa convenience store, at nalamang ipinaghihiganti pala nito ang kaibigan na si Evan Baltazar, at sinabing ito pala ay nag-suicide.

Kaya laking gulat nito nang malaman iyon mula sa babae. Ang sinabi ng mga guro, administrasyon ng school, ay nagpa-drop out na lang ito dahil sa mga problema sa pamilya.

Pero nang kausapin sa personal ang mga kaibigan nito sa swimming team, ay nangamba na ito. At nang makaharap na ang mismong puntod ng lalaki, doon pa lang ito naliwanagan na totoo nga ang sinabi ni Allison.

Na totoong pinagtakpan nanaman si Dexter ng naturang pamilya.

"P*ta ka, Phoenix, pupunta rin pala, dami mo pang reklamo!" bati sa kanya ni Lavender at agad binigyan ng yakap.

"'San si Dex?"

Napahawak agad si Phoenix sa braso ng bigyan ito ng sampal ni Lavender, at humalakhak, habang binabalanse sa kabilang kamay nito ang hawak na red cup. "Girl, would you chill the f*ck up?! Parang ikaw pa yung jowa ng boyfriend ko e! Nandoon lang siya sa taas, probably playing truth or dare or something."

Royals: MisfitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon