chapter thirty three

10 1 0
                                    

33: Mistreated


ALEXID

"Allison!"

Sabi ko na, hindi ako nagkamali. Babalik siya.

Nakuha kong ngumiti, dahil mula noong pagtrip-an nila kaming lahat noong wala siya, pilit lahat ng mga ngiti ko. Ayokong magpakita ng kahinaan, lalo na't alam kong gagamitin nila iyon sa'min para sumuko.

Bago pa man makatalikod si Dexter, ay nakatanggap agad ito ng sipa sa batok mula kay Allison. Napaluhod siya sa lupa, hawak-hawak ang batok at lumingon sa babae.

Tulad naming lahat, naka-uniform rin siya. Ibig sabihin pumasok siya kanina? Pero na'san siya? Hindi namin siya nakita kanina at kahit sa attendance ay wala siya.

Halatang naalarma ang mga kasamahan ni Dexter sa presensya ni Allison. Bakas pa rin ang iilang mga sugat sa mukha nito mula sa nakaraang pagkikita nila ng lalaki, pero mukhang masigla na rin siya't wala na ang panghihinang naranasan sa saksak.

Dahang-dahang naglakad si Allison tungo sa harap ni Daryll. Tumingala si Daryll kay Alli, pero ang mga mata ng babae ay pokus sa nagiisang lalaki na nakahawak sa braso ni Daryll.

"Bitawan mo." malumanay na utos ni Allison.

Agad lumipat ang mga mata ng lalaking iyon kay Dexter, na mukhang 'di pa yata nakakarekober sa sipa ni Allison. Nakadapa pa rin ito, at minamasahe ang batok.

Loko talaga si Alli, pag siya nawalan ng spinal cord...

Walang nagsalita. Pansin ko na nga ang mga butil ng pawis na namumuo doon sa lalaking may hawak kay Daryll. Walang ano-ano'y sinipa ni Alli ang dibdib niya, para ito'y mapaurong at mabitawan siya.

Buti na lang, bago pa bumagsak sa lupa si Daryll ay si Alli na mismo ang binagsakan niya. Umuubo pa siya at bumubulong ng kung ano sa tenga ni Alli. Tumango-tango siya at tumayo. Akala ko naman okay na nang biglang sumugod pa-isa isa ang mga tropa ni Dexter.

Pero wala silang naibigay man lang na suntok sa kanya dahil mabilis niya itong iniilagan, kasabay non ay aatake siya pabalik. Naging mabilis siya sa kanila kahit hindi mahahalata sa tangkad at tindig ng pangangatawan nito.

Hindi magawang makalapit ni Dexter kay Alli dahil na rin sa pinipigilan namin siya.

I can't believe it, she's really back!

Sinigurado niyang ang lahat ng tauhan ni Dexter ay nakahiga na sa sahig, at puno ng mga pasa. Even the man himself was on the ground, as Allison took a brief glance below her, as if portraying the roles they have. Reminding him that he is no king to her.

"Dala mo ba sasakyan mo Alexid?" doon ko pa lang narealize na nakatingin na nga siya sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot. Hindi ko na rin talaga kayang magsalita sa sobrang gulat.

Nang malamang wala namang damage ang motor ni Daryll, si Enrico ang nagpresintang magdrive nito para isunod sa'min. Puno nanaman kasi ng pasa ang may-ari, baka mamaya habang nagdadrive mawalan pa ng malay!

Sumakay agad siya sa shotgun seat, habang ako itong natulala sa driver's seat, habang hinihintay na isakay ng tatlo si Daryll. Maaaring may mga sugat rin sila pero mas napuro parin si Daryll. Kita ko kung paano lumakbay ang mga mata nito sa bandang kaliwa mula sa salamin, obviously looking for the girl beside me.

"Allison?" tawag ko pa sa kanya.

"Hmm?"

Seconds passed, until everyone heard a sharp sound resounding the whole car. I head some gasps from the back, but I couldn't care less. Kailangan ko lang talagang maramdaman kung si Alli ba talaga ang katabi ko o hindi!

Royals: MisfitsWhere stories live. Discover now