08 /Mini Mart/

22.4K 926 158
                                    


Daniela's POV 

Nakahiga ako ngayon at tulalang nakatingala sa kisame, sunday ngayon at nakatambay lang ako. Gusto kong gumala pero tinatamad ako dahil wala naman akong kasama.

Wala naman sila Kuya dahil naglaro sila ng basketball kasama ng mga kaibigan nila. As usual wala na naman sila Mommy at Daddy at nasa business trip. Ako lang at yung mga maids ang kasama ko ngayon.

Agad akong tumayo at nagbihis. Isang white V-neck at denim jumper ang get up ko ngayon. Napag-isip ko kasing lumabas para naman hindi ako maburyo na naka-tengga lang sa bahay.

Kinuha ko yung luma kong bike, maayos-ayos pa naman siya kaya masasabi kong pwede pang magamit. Nag-pedal na ako palabas ng subdivision namin atsaka ko binati si Manong Berting na siyang guard ng subdivision.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta at trip ko lang gumala, padyak lang ako ng padyak at nakarating na ako sa kung saan? Huminto ako sa isang Mini mart, ipinarada ko ang bike ko sa gilid atsaka pumasok sa loob.

Kumuha ako ng dalawang ice cream at peppero atsaka ko binayaran sa counter, habang pina-punch yung mga binili ko ay agad kong napansin yung lalaking naka-hood sa likod, may malaking salamin kasi at kahit nakatalikod ka ay makikita lahat ng mga taong lumalabas pasok.

Hindi siya typically bumibili kundi nagnanakaw, mabilis niyang nilalagay sa bag niya lahat ng mahawakan niyang mga pagkain. Hindi agad siya mapapansin dahil nasa dulong part siya.

'Wala bang CCTV?'

Kinuha ko agad yung binili ko atsaka lumabas ng Mini mart, hindi agad ako umalis at hinintay na lumabas yung lalaki. Hindi naman nagtagal at lumabas na siya, nakasukbit yung bag niyang puno ng pagkain na ninakaw niya.

Lumapit ako sa kanya at mabilis kong ni-lock ang braso niya atsaka ko siya isinandal sa pader.

"Urgh shit!" atungal niya.

"Bakit ka nagnakaw?" tanong ko at diniinan ko pa ang pagkakasandal niya sa pader.

"A-ray bitawan mo'ko!"

Pwersahan niya akong tinulak at agad naman siyang nakawala, sa lakas ng pwersa niya ay nahulog yung hood na tumatakip sa mukha niya. Gulat akong napatingin sakanya.

"Ikaw?"

Isa siya sa mga classmate ko, siya yung lalaking naka-cap na humarang saakin sa room. Hindi ko ine-expect na magnanakaw siya sa isang Mini mart.

"Daniela?" sinipat niya ako mula ulo hanggang paa.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Wala, akala ko ibang tao?" sabi niya at ngumisi.

"Tumigil ka, huwag mong ibahin ang usapan. Bakit ka nagnakaw?" tanong ko ulit.

"Bakit mo ba tinatanong?"

"Malamang concern citizen ako."

"Concern citizen, baka saakin?" sabi niya.

"Lakas din naman ng apog mo noh?" sarcastic kong sabi.

"Syempre gwapo." sabi niya at kinindatan ako.

"Malakas nga apog nito..." bulong ko sa sarili ko.

"Hoy!" sigaw ko dahil naglakad na siya paalis pero hindi niya ako pinansin.

"Hoy sandali!" habol ko sakanya at hinarap saakin.

"May pangalan ako hindi hoy."

"Sorry naman, hindi ko alam pangalan mo eh?" sabi ko at nag-peace sign.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon