44 /Pitfall/

12.4K 509 13
                                    

I dedicated this chapter to mengshinshini it's all thanks to her for always supporting and appreciating my story.

Cholo's POV

Kasalukuyang kaming naglalakad ni Ate Danny papunta sa classroom ng kambal niyang Kuya at tamad na tamad naman akong maglakad.

"Ano ba Cholo, bilisan mo!" asik niya.

"Oo na." bagot kong sagot at natawa naman siya.

"Ikaw talaga, kaya ko naman kasi mag-isa eh, sumama ka'pa." sabi niya.

"Kailangan kasi kitang bantayan."

"Huh? Bakit naman? Ano ako bata? Baka ikaw pa bantayan ko eh." natatawa niyang bulalas.

"Hmm basta, huwag kang aalis sa tabi ko." maangas kong sabi.

"Okay Sir!" sagot niya at sumaludo pa.

Kailangan ko siyang bantayan dahil yun ang utos nila Zero at Raven dahil sa kadahilanang may umaaligid sakanyang mga gangster. Kahit ako ay naguguluhan dahil nadadamay siya sa gulo namin na hindi naman dapat. Pumayag ako sa gusto nila dahil gusto ko rin siyang bantayan dahil parang Ate na talaga ang turing ko sakanya. Ako pa, ang cute ko kasi!

Nakaakbay kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa room ng mga Kuya niya. Naghintay naman ako sa labas ng makita kong nag-uusap sila.

Sa hindi inaasahan ay nahagip ko siya na naglalakad habang may buhat-buhat na libro kaya napangiti ako at mabilis ko siyang tinulungan.

"Tulungan na kita." sabi ko at kinuha yung ibang libro sakanya.

"Uy! Salamat Cholo." sabi niya kaya tumango ako.

"Kamusta ka? Mukhang masaya ka yata?"

"Syempre masaya ako dahil kasama kita." sabi ko at namula naman siya.

"Hala! Ikaw talaga bolero ka!" asik niya atsaka ako dinunggo.

"Hindi kaya, totoo yung sinabi ko." natahimik naman siya kaya natahimik din ako, feeling ko tuloy naging awkward ang sitwasyon namin dahil napaka-straight forward ko.

Nakarating din kami sa library atsaka mabilis naming ibinalik ang libro. Kaya gusto ko siya ay dahil sa mabait at sipag niya sa pag-aaral.

"Ahm? Cholo una na ako ah. Sige bye!" agad siyang umalis kaya tumango nalang ako.

Mabilis naman akong naglakad pabalik kay Ate Daniela at nakita ko naman siyang nakatayo malapit sa locker.

"Uyy! Binata na siya. Sino yun ah?" pang-asar niyang bulalas kaya napasapo ako sa noo ko dahil nakita niya pala.

"Ahm si Trixie yun, kaibigan ko." sabi ko pero siningkitan lang niya ako ng mata.

"Wehhh? Eh bakit iba yang ngiti mo? Kaibigan lang ba talaga?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo nga kaibigan ko but with love!"

"BWAHAHAHA!"

Sabay kaming natawa kaya napatingin pa saamin yung mga napadaan.

"Sige lang Cholo push, support kita."

"Yiee! Talaga ba Ate Danny?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Oo nga, basta mong pababayaan ang pag-aaral mo kahit makulit ka." sabi niya at pinanggigilan na naman yung pisngi ko.

"Yehey! Salamat Ate Daniela, bait mo talaga."

"Hahaha! Ikaw pa, cute mo eh!" natawa ulit kami.

"Halika na nga. Late na tayo!"

Naglakad na kami papuntang room pero napatigil rin dahil biglang sumiklab ang tiyan ko.

'GROORRKK!'

"Hala! Gutom ka'na naman?" sita niya kaya tumango ako.

"Hindi kasi ako nag-almusal eh."

"Loko ka! Masama ang magutom baka magka-ulcer ka." pinitik niya ang noo ko.

"Hehe! Sorry wala kasing nagluto ng almusal sa bahay eh. Maaga kasing umalis yung parents ko." paliwanag ko at sumiklab na naman ang mga gutom kong bulate.

"Ganon ba? Sige bili muna tayo ng makakain mo." sabi niya at mabilis akong umangal.

"Ate Danny, diba bawal tayo sa cafeteria?"

"Ayy oo nga pala!"

"Okay lang naman ako, kaya ko namang tiisin." sabi ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay atsaka ulit kumalam ang sikmura ko.

"Huwag mo'kong pinagloloko Cholo!" pinitik niya ulit ako sa noo.

"Halika! Bili nalang tayo sa labas." sabi niya kaya mas lalo akong umangal dahil mahigpit na bilin nila Zero na bawal kaming lumabas ng school.

"Ano na naman? Mabilis lang yon, bibili lang tayo ng kakainin mo kaya halika na!" malakas niya akong hinila pero nagpumiglas ako.

"Ate Danny! Kasi ano? Hindi pwede!" asik ko.

"At bakit hindi? Bibili lang naman tayo. Anong masama don?" sabi niya habang hila-hila ako.

"Wala namang masama pero hindi talaga pwede!"

Tuluyan na kaming nakalabas ng school kaya mas nabahala ako sa pwedeng mangyari saamin dito.

"Ate Danny balik na tayo please." sumamo ko pero natatawa lang siya saakin.

"Alam mo Cholo imbis na mainis ako sayo ay natatawa ako sayo, wala namang masama kung bibili tayo ng kakainin mo dahil gutom ka."

Mas gugustuhin kong magutom kesa mapahamak pa siya dito at ayaw ko namang mangyari yun at sigurado akong malalagot ako kila Zero. Mabilis niya akong hinila at bumili ng pagkain sa kalapit na bakery. Nanginginig ko namang tinanggap yun.

"Tamo na. Nanginginig ka'na sa sobrang gutom mo." asik niya.

Hindi ako nangingig sa gutom, nanginginig ako sa pwedeng gawin saakin nila Zero kapag may nangyari kay Ate Danny.

"Tara na Ate Danny, balik na tayo please!"

"Oo na, tara na nga."

Ako naman ang mabilis na humila sakanya pabalik sa school pero may itim na kotse ang biglang humarang saamin.

'SHIT!'

Mabilis na lumabas ang mga nakaitim na lalaki.

"Sumama ka saamin!"

Hinila nila si Ate Danny kaya umangal ako at nahablot ko ang kamay niya at mabilis kong pinagsisipa yung mga lalaki.

"Sino kayo? Bitawan niyo ko!" asik ni Ate Danny pero mas hinila lang siya.

"Bitawan niyo siya!" sinapak ko yung may bitbit kay Ate Danny atsaka sinipa naman sa leeg yung isa.

"Isa ka'pang bata ka! Istorbo ka, isama niyo yan!"

Hinila din ako no'ng mga lalaki at mabilis kaming isinakay sa kotse nila at todo piglas naman kami ni Ate Danny hanggang sa tinakpan nila ng panyo ang ilong namin at sa kadahilanang unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko at tuluyang nawalan ng malay.

~~
Hello guys! Yey! Nakapag-UD din sa wakas. Pasensiya sa paghihintay niyo. Don't worry tapos na ang examination namin.

Pls vote and comments.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon