27 /Patricia/

16.5K 663 19
                                    


Daniela's POV

Isang puting liwanag ang tumambad saakin pagkadilat ng mata ko at napapikit din agad ako dahil nakakasilaw sa mata. Nasaan ako? Patay na ba ako?

'Nasa langit na ba ako?'

No way! Hindi pa ako pwedeng mamatay, marami pa akong pangarap sa buhay ko, atsaka virgin pa ako. Chos! Kahit nasisilaw ako ay dumilat parin ako at dahan-dahang bumangon, ramdam ko ang sakit ng buo kong katawan.

'Lalo na sa tagiliran ko!'

"Nasaan ako?..." bulong ko at iginala ang paningin ko at unti-unti kong naaninag kung nasaan ako.

'Nasa clinic'

"Daniela, your awake!"

Nakita ko si Ricci na lumapit saakin at sinipat ang kabuuan ko.

"A-anong nangyari?" tanong ko.

"Nahimatay ka kanina kaya dinala ka namin dito." sagot niya.

"Ahh ganon ba, salamat ah."

"No it's okay, peste kasing Yngrid yan!" asik niya at doon ko naalala lahat ng nangyari saakin mula sa CR at napaaway sa mga PAWER PAKGIRLS at kay Yngrid, nadamay pa si Ricci nang dahil saakin.

"Pasensya na Ricci ah, nadamay ka pa sa gulo ko."

"Hindi okay lang, warfreak lang talaga si Yngrid kaya lahat ng tao naiinis sakanya, so it's normal." maayos niyang sabi kaya nginitian ko nalang siya.

Natutuwa ako dahil may tao pa palang handang makipagkaibigan saakin ng totoo, despite of all my flaws, aaminin kong may pagkamaldita ako at minsan may naiinis saakin o tama bang sabihin kong laging may taong naiinis dahil sa ugali ko.

Nagpapasalamat din ako kay Ricci dahil sa kabutihan at lakas loob niyang kalabanin si Yngrid na siyang queen daw dito sa HVIS. In her dreams.

Doon ko naalala sila Cholo kanina dahil bago ako mawalan ng malay ay nakita ko silang tumatakbo at bakas sa mukha nila ang pag-aalala?

'Nag-aalala nga ba sila?'

"Ahm-- Ricci, pumunta ba yung mga Section E dito kanina?" tanong ko.

"Yeah, actually si Raven nga ang bumuhat sayo dito kanina ehh." sagot niya.

"What? Si Raven talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, sa maniwala ka man o hindi si Raven talaga nagdala sayo dito, gulat nga rin ako eh kasi hindi naman siya yung tipong matulungin." sabi niya at napakunot noo ako.

"Huh? What do you mean?"

"You know, kilala siya dito sa buong HVIS dahil nga kinatatakutan siya at yung mga kaklase mo at never pa naming makita siyang may tinulungan na babae except kay Patricia at sayo..." mahabang litanya niya habang nilalaro ang dulo ng buhok.

Here we go again. Who's that pokemon? Ayy este! Who's that girl Patricia? Narinig ko'sa mga estudyante ang pangalan niya at hindi daw ako nalalayo sakanya? The hell! Ehh hindi ko naman kilala yung babaeng yun?

'Who's Patricia?'

"Sino nga pala si Patricia?" bigla kong tanong. Napalaki naman ng mata si Ricci dahil sa biglang tanong ko tungkol kay Patricia.

"Huh? Why do you ask?" tanong niya.

"Nothing, narinig ko kasing para daw akong si Patricia."

"Really sinabi nila yon?"

"Yes, so can you please tell me who she is?" pangungulit ko at wala naman siyang nagawa kundi magkwento.

"Ahm, actually Patricia is an only girl before in Section E at kilala din siya dito sa buong HVIS." sagot niya at mas lalo akong naguluhan.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon