10 /Cafeteria Fight/

21.9K 870 169
                                    


Daniela's POV

Another day passed real quick. Isang linggo na akong estudyante dito sa HVIS bilang transferee, isang linggo na din akong nasa Section E, at isang linggo na rin akong pinapatay ng kuryosidad ko kung ano nga bang meron sa Section E.

ALMOST. Masasabi kong malapit ko ng malaman dahil sa mga ginagawang kilos ng mga Section E na section ko na din, hindi ako tanga para hindi malaman pero hindi sapat yun para mag-conclude agad ako.

Kagaya nalang noong isang araw, nakita ko yung mga depungal at yung leader nilang si Raven na may pinalilibutan sa field at ako namang dakilang chismosa at naki-usyoso, kitang-kita ng dalawang mata kong may mga binubugbog silang mga lalaki at halos hindi na sila makatayo at makilala dahil sa sobrang bugbog.

Literal akong hindi naka-react that time dahil hindi ko ine-expect na magagawa nila yun? Ano pa't nabansagan silang Section E kung hindi, hindi lang don natapos ang nasaksihan ko. One time sa may hallway habang nakikipag-kwentuhan kila Cholo ay bigla nalang may sumugod na mga lalaki sa room namin at malakas na sinuntok si Zico dahil inagaw daw nito yung gf ng isa sakanila at doon na nagsimula ang riot.

Nagkagulo sa buong Section E, dahil pinagtulungan nila yung mga lalaki at halos maghingalo na sila sa pagkakabugbog. Kahit babae hindi nila pinatawad, hindi naman actually nila pinahirapan yung babae na bugbugin talaga, pinahiya lang nila sa harap ng maraming tao sa pamamagitan ng masasakit na salita at walang nagawa yung babae kundi umiyak ng umiyak at nalaman nalang namin na lumipat na siya ng school dahil hindi na nakayanan ang pangbu-bully sakanya.

'Oh diba, marami na akong nasaksihan sa mga ugali ng Section E at sa isang linggo lang yun'

"Ate Danny! Ang lalim yata ng iniisip mo?" biglang tanong saakin ni Cholo habang kumakain ng chocolate.

Isang linggo ko na rin palang kaibigan 'tong batang makulit na'to, at masasabi kong mabait naman siya ewan ko lang sa iba, at wala na rin siyang ibang alam kundi kumain ng kumain.

"Ah wala may iniisip lang." sagot ko at ginulo ko naman yung buhok niya.

"Ano namang iniisip mo?" tanong ulit niya na halos hindi na maintindihan dahil puno yung bibig niya ng chocolate.

'Takaw talaga!'

"Wala, naisip ko lang yung mga araw na nandito ako sa Section E." sagot ko.

"So nagsisi kang nandito ka?" straight forward niyang tanong.

"Hindi naman ako nagsisi, ako nga 'tong ayaw umalis diba, naiisip ko lang kung ano nga bang meron dito sa Section E." sabi ko at tinignan siya sa mata pero nginitian lang ako.

'Nawala na naman yung mata niya!'

"Alam mo Ate Danny, kung ako sayo huwag mo ng alamin kung ano nga bang meron sa section natin." sabi niya.

'Natin?'

"It's just that parang may kakaiba sa section na'to, hindi ko lang alam kung ano?" sabi ko at bumuntong hininga.

"Huwag mo ng alamin, masasaktan ka lang haha!" sabi niya at tumawa.

'Masasaktan? At bakit naman ako masasaktan?'

Hindi na kami nagkibuan ni Cholo dahil dumating na si Sir Alvin at nagturo. Sinubukan kong makinig sakanya at hindi naman ako nahirapan at ganon din sa ibang subjects.

DISCUSSED

DISCUSSED

DISCUSSED

LUNCH BREAK

"Mauna na ako." sabi ko kay Cholo at tinanguan lang niya ako atsaka lumabas ng room.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon