59 /Threat/

9.8K 394 21
                                    


Raven's POV

Mabilis akong lumabas ng room at badtrip dahil parang walang pakialam si Daniela kung mag-usap man kami ni Patricia. All those months na nagkasama kami ay unti-unting nagbago ang tingin ko sakanya. I admit when she and i first met and i know i hate her in some reasons.

I hate the way she talk, i hate the way she acts towards us, and i really hate the most is that, she's always smiling lalong lalo na kila Marcus at Zero, okay pa kay Cholo dahil iba naman siya.

Nakarating kami ni Patricia sa rooftop at bored ko lang siyang tinitigan pero parang balewala lang sakanya at ngiting-ngiti pa. I used to like that smile before pero iba na ang ngiting gusto ko.

"Anong pag-uusapan natin?" maayos kong tanong pero may bahid parin ng bored kong expression.

"Ahm? Kamusta ka?" nakangiti niyang tanong.

"I'm fine..."

"Hehe! Mabuti naman kung ganon." pilit siyang ngumiti at alam kong naramdaman niyang wala akong pakialam sa mga sinasabi niya.

"Napaka-ironic noh? I didn't expect na magkikita ulit tayo." sabi niya.

"Can you please straight to the point. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin saakin. Kinausap mo lang ba ako para mag-reminisce? You're wasting my time."

Dire-diretso kong bulalas sakanya. Gusto lang pala niyang mag-reminisce, kung alam ko lang na ito ang gusto niyang pag-usapan namin sana hindi nalang ako sumama. Mas gusto ko pang kumain nalang kami ni Daniela.

"Tinawag kita kasi gusto kitang makita at makausap." sabi niya in a soft voice.

"What for? Ano pang pag-uusapan natin? We've been over for a year now Patricia. You know what, i don't get you? Bakit napakadali lang sayo ang lahat matapos mong umalis tapos magpapakita ka nalang bigla na parang wala lang. Baka nakakalimutan mo, you left at kung iniisip mong makipag-balikan ako sayo ay isang katangahan na ulit yon para saakin." mahaba kong litanya.

Halos maputol ang litid ko sa leeg at hindi ko mapigilan ang galit ko. Alam kong masakit ang mga salitang binitawan ko pero yun lang ang paraan para ma-realize niya kung anong totoo. Umatras siya and she started to cry. Ako naman ang nagulat dahil hindi ko inaasahang iiyak siya.

"Alam kong nasaktan kita dahil sa pang-iiwan ko sayo. Alam kong sobra kitang nasaktan pero hindi mo ba naisip na masakit din yun para saakin. Hindi mo alam kung anong sakit ang tinanggap ko that time, ibinaba ko din ang pride ko. Hindi dahil hindi kita minahal para iwanan ka. Iniwan kita dahil kailangan ako ng pamilya ko."

Bitak-bitak niyang bulalas habang tuloy-tuloy na tumulo ang luha niya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko matapos kong marinig ang explanation niya. Hindi ko parin siya maintindihan.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi saakin lahat ng to?" halos mag-crack na rin ang boses ko pero pinigilan ko lang.

"N-nothing. I just want you to know."

"What! Just you want me to know? What the hell!" mura ko.

"I know it's too late pero mas pagsisihan ko lang sa huli kapag hindi ko sinabi sayo. I'm sorry Raven..." paghingi niya ng sorry.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Get's ko na yung point niyang gusto niyang malaman ko ang totoong pang-iiwan niya saakin. She choose her parents over me at magmu-mukha naman akong makasarili kapag ako ang pinili niya, i know how she struggled in her life because of her family's situation.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko and that's making me insane. Mabilis kong pinagsisipa ang mga nagkalat na mga upuan dahil sa frustration. Napasabunot din ako sa buhok ko at para na talaga akong baliw.

"Huwag kang mag-sorry. It's your choice. Pipilitin kong intindihin lahat, I'll just pretend na hindi ko nalaman ang lahat." sabi ko sakanya at nagsimulang maglakad.

"Do you love her?"

Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita si Patricia. I know she's referring to Daniela.

"You don't need to know, it's none of your business anymore." sabi ko.

"It is my business!" asik niya.

Hindi ko na ulit siya pinansin at nagtuloy sa paglalakad pero agad din akong napahinto matapos kong marinig ang sikretong matagal ko ng kinalimutan at pinagsisisihan.

"I know your secret Raven. I know how you're toying Daniela." matapang niyang sabi at mabilis na nawala yung umiiyak na Patricia kanina.

"S-secret? I don't know what you are talking about?" sabi ko at halos malagutan naman ako ng hininga sa mga susunod niyang sasabihin.

"Oh come on Raven! Don't be a fool, you know what I am telling. I got your biggest secret." sabi niya na may halong pagbabanta.

"Why are you doing this to me? That's secret is not what you think." asik ko at sinamaan siya ng tingin.

"So it's true. Well but that doesn't change the fact na niloloko mo si Daniela. You've been caring, sweet and lovely towards to her and yet you're backstabbing her by your lies." sabi niya at para bang pinagmumukha niyang napaka-sinungaling ko.

"Yes, i lied to her pero matagal na yon bago pa kami magkamabutihan. So stop threatening me!" asik ko at pigil na pigil ako sa sarili ko bago pa akong may magawa sakanya.

"So you're threatened because i caught you red handed. I'm wondering kung anong magiging reaction ni Daniela kapag nalaman niyang niloloko mo siya?" banta niya at naalarma naman ako.

"Don't you dare to tell her or else!" sabi ko in a cold voice, i feel her shivered but she kept her cool.

"Madali naman akong kausap Raven. I won't tell to her your secret, but in exchage you need to follow my order, by hooked or by crooked!" pagtatapos niya at akmang aalis na sa harap ko pero mabilis ko siyang hinila atsaka ko siya kinorner sa dalawang braso ko.

"Sa oras na malaman niya ang totoo, wala akong ibang sisisihin kundi ikaw. At kapag nangyari yun hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo, hindi na ikaw yung Patricia na nakilala ko. I want to tell you this too before i regret later, wala na akong pakialam sayo." sabi ko habang nakatitig sa mata niya at alam kong natakot din siya sa banta ko.

That's what you called give and take. Hindi ko masasabing give and take talaga dahil kung susumahin ako pa ang mas dehado kapag nagkataon.

Tuluyan na akong umalis sa rooftop at narinig ko pang sumigaw si Patricia. Mabilis akong bumalik sa room pero nakita ko si Khalil at Daniela na nag-uusap. Hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila pero pansin kong naguguluhan si Daniela.

Tumango-tango siya at mabilis na tinapik ni Khalil sa balikat si Daniela atsaka tuluyang umalis. Humakbang ako para puntahan siya pero mabilis na pumasok sa utak ko yung sinabi ni Patricia.

Iniisip ko kung anong magiging tingin saakin ni Daniela kapag nalaman na niya ang totoo. Gusto ko siyang mayakap pero nagalinlangan ako dahil sa mga posibleng mangyari kapag mabulgar ang totoo.

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa kaduwagan at kagaguhan ko. Bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat. Bakit ba ang komplikado ng buhay? Umiling-iling ako at napag-pasyahan nalang na hindi siya puntahan. Gusto kong pag-isipan lahat ng pagkakamali ko.

'Sana mapatawad mo pa din ako sa huli'

~~
Yown! Nakapag-UD rin sa wakas. This is so rush guys, yung feeling na may nagre-report sa room namin pero wala akong pakialam habang sinusulat 'tong chapter na'to. Wala SKL. I hope you like it.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon