47 /War/

12.1K 518 54
                                    


Third Person's POV

Mabilis na kumilos sila Raven, Marcus, Zero at ang iba pa nilang kasamahan. Nakahanda sila sa anumang mangyari dahil alam nilang hindi basta-bastang kalaban si Raquim. Ang isa sa mga malalakas na gang bukod sa Death Gang na pinamumunuan ni Raven.

Agad silang nakarating sa lugar kung saan bihag ni Raquim si Daniela at ang kasamahan at kaibigan nilang si Cholo. Kasama rin sa pagsagip kay Daniela ang kambal niyang Kuya.

Isa ring gangster ang mga Kuya ni Daniela pero lingid ito sa kaalaman niya, ang tanging alam lang ni Daniela ay mabait at matitinong Kuya ang meron siya na lagi siyang inaasar.

Pumasok sila sa isang abandonadong warehouse kung saan ang kuta ni Raquim at ang kanyang mga tauhan. Sa kabilang banda ay nakahanda narin ang grupo ni Raquim at hinihintay na lamang ang pagdating nila Raven.

Labis na uhaw sa kapangyarihan si Raquim kaya gusto niyang makuha ang position ni Raven, ang kilala at pinakamalakas na gangster, local man o international.

Hindi pumayag si Raven sa gusto ni Raquim kaya nakipag-areglo siya na ibigay ang position niya bilang leader ng Death Gang kapalit ng buhay ni Daniela.

Pero mas wais si Raven dahil mas nakatulong pa'yon sa diskarte niya para tuluyang mapatumba si Raquim, ginawang pain ni Raven si Daniela para kumagat sa patibong si Raquim at hindi naman siya nabigo.

Mabilis silang nakapasok sa loob at naging alerto dahil nasa loob na sila ng pugad ng kalaban. Inilabas nila ang kanya-kanya nilang baril at armas.

Wala silang pakialam kung buhay man ang nakataya, ang laban na magaganap ay sa pagitan ng kapangyarihan, dignidad at prinsipiyo. Mabilis nilang sinugod ang mga kalaban at walang awang pinagbabaril at pinagsasaksak.

Kaliwa't-kanan ang alingawngaw ng putok ng baril, hiyawan at langitngit ng nakamamatay na patalim. Patuloy silang nag-agawan ng buhay at talagang pinaglaban ang kanilang hangarin sa kabila ng pagiging gangsters nila.

Nakamatiyag naman si Raquim sa isang sulok at naghahanap ng pagkakataon para harapin si Raven, nakahanda narin ang kanyang baril. Mabilis niyang nahagip si Raven kaya agad siyang lumabas sa pinagtataguan at tuluyan nang hinarap si Raven.

'Leader sa leader!'

Sa kani-kanilang isip at matalim na nakipagtitigan sa isa't-isa. Patuloy namang nakikipaglaban sila Marcus, Zero at Joseph, Yoseph at iba pa.

"Sa wakas at nagkita tayong muli Raven!" maangas na bulalas ni Raquim.

"Ganoon din ako Raquim, nagagalak akong makita ka at nangangati narin akong patayin ka!" mas maangas at malamig na tugon ni Raven.

Nag-espadahan sila ng matatalim na titig at tiyak na matutumba ang sinumang hahadlang sakanila.

"Kating-kati narin akong patayin ka, kung sumunod ka lang sana sa gusto ko, edi sana wala na tayo sa puntong 'to!"

"Tsskk! Hindi ako bobo para kumagat sa walang kwenta mong patibong, hindi rin naman ako mag-aaksaya ng oras para sayo dahil wala talaga akong pakialam sayo, sumugod ako sa pugad mo dahil may buhay kang hawak na mahalaga saamin." malalim at malamig ulit na bulalas ni Raven.

"Yung bata mo bang kasamahan ang mahalaga mong tinutukoy o yung babae dahil mahalaga siya sayo?" balik asar namin ni Raquim at ngumisi, wala namang naging reaksyon si Raven dahilan para mainis si Raquim.

"Tarantado, sagutin mo'ko!" sigaw ni Raquim.

"Ang dami mong satsat!"

Mabilis pa'sa alas-quatro na sumugod si Raven kay Raquim at pwersahang sinipa sa tyan, gumanti naman si Raquim at bumwelo ng sapak kay Raven, naiwasan nila ang atake ng isa't-isa atsaka sila nagpalakasan ng lakas.

Pareho silang umatras at sabay din na sumugod, tumalon patalikod si Raven atsaka sinipa sa tagiliran si Raquim dahilan para mapaupo siya. Mabilis namang kumilos si Raquim at sinipa si Raven sa tyan para lumayo sila sa isa't-isa.

Kung tutuusin ay pareho silang malakas sa pakikipaglaban pero isang buhay lang ang pwedeng manatili. Matira ang matibay. Sa ikatlong pagkakataon ay sumugod ulit sila sa isa't-isa.

Tadyak, sapak, balibag, suntok amg kanilang ginagawa at hindi pa sila nagpapalitan ng bala. Mabilis na ni-lock ni Raven ang dalawang braso ni Raquim para hindi siya makalaban.

"Sumuko ka'na, kahit kailan hinding-hindi mo'ko mapapatumba!" asik ni Raven.

Nakawala naman si Raquim sa atake ni Raven at siya naman ang sumugod at mabilis na ni-lock ang katawan ni Raven.

"Wala sa bokubolaryo ko ang sumuko. Ikaw ang sumuko dahil katapusan mo'na!" asik naman ni Raquim.

Nanlaban si Raven at pwersahang iniuntog ang ulo kay Raquim dahilan para makawala siya sa pagkaka-lock. Mabilis na pinagsisipa ni Raven si Raquim, nakakuha naman ng pagkakataon si Raquim para sapakin si Raven at matumba.

Walang gustong magpabauya sakanilang dalawa, laban kung laban. Ganoon din sila Marcus, Zero at sila Joseph at Yoseph. Lumalaban sila para sa pinakamamahal nilang kapatid.

Sa isang banda naman nakakulong sila Daniela at Cholo at walang kaalam-alam na may gulo ng nagaganap sa pagitan ni Raquim at kanyang mga kaibigan at kapatid. Naghihintay sila ng tulong at hinang-hina na.

Sabay na inilabas ni Raven at Raquim ang kanilang baril atsaka itinutok sa isa't-isa. Handa silang magbuwis ng buhay para lang sakanilang hangarin o tama bang ninanais ng kanilang diwa?

"Matira ang matibay! Isang buhay lang ang pwedeng manatili at ako lang yun!"

Sabay nilang kinasa ang baril at sabay din nilang pinakawalan ang isang bala kung saan isang buhay ang nawala.

*BANG!*

Isang binata ang mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Cholo at Daniela para sagipin sila. Mabilis niyang napatumba ang mga bantay kung saan sila nakakulong.

Pinagbabaril niya ang padlocked na bakal na pintuan atsaka malakas na sinipa para bumukas. Agad niyang nakita si Daniela at walang anu-anong hinila patayo at mahigpit na niyakap, kasabay noon ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Ssshhh, nandito na ako, huwag ka'na umiyak!"

Parang may kumurot naman sa puso ng binata ng makita si Daniela na umiiyak at puro galos ang itsura, dinaig pa niya ang nagahasa sa itsura. Mabilis na hinawakan ng binata ang mukha ni Daniela at walang alinlangang hinalikan sa labi atsaka kumabog ng sobrang bilis ang tibok ng puso ng binata.

"Mahal kita!"

~~
Hello! Ang aga kong mag-UD. Himala na ba 'to? Djk. Sinipag ako ngayon dahil nakagawa ako ng dalawang drafts, isang malaking achievement na'yon para saakin (clap for myself)

Sino kaya yung binata na tinutukoy?

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon