26 /Gossips/

16.7K 718 53
                                    


Daniela's POV

Pagkaalis ni Sir Alvin ay mabilis akong naglakad palabas ng room dahil sasabog na ang pantog ko at kanina ko'pa pinipigilan 'tong ihi ko.

Pinilit kong buksan yung isang cubicle pero nakalock kaya lumipat ako sa kabila at mabilis na ibinaba ang palda at panty ko atsaka mabilis na umihi.

*PROOOTTT!*

Saktong labas ko ng cubicle ng biglang may umutot ng malakas at sa tingin ko ay sa katabi kong cubicle na naka-lock. Napailing nalang ako at mabilis na naghugas atsaka ko inayos ang sarili ko.

*BROOORRRKK!*

Oh shit! Hindi lang pala utot ang maririnig ko kundi pati narin ang tawag ng kalikasan at ibang klase pala ang tyan ng isang 'to. Gaano ba karami ang kinain niya at nag-alburuto ng ganyan ang tyan niya.

'The Hell, kadiri!'

I was about to leave ng pumasok ang tatlong kikay na mga babae. Color coding sila at nagfi-feeling Powerpuff Girls. No i mean mga Pawer Pakgirls.

"Oh my god girls, narinig niyo na ba yung gossips na kumakalat?" matinis na tanong ng babaeng may pink highlights sa buhok.

"What is it Pinky? Anong tsismis naman yan?" asik naman no'ng babaeng may shoulder length hair at may green na highlights sa buhok.

"Gaga ka talaga Greeny, napaka-outdated mo!" singhal naman no'ng babaeng may blue highlights din sa buhok.

"Blueiy (Bluwi) is right, based on what i heard ay may kababalaghan daw na nangyayari sa Section E!"

Agad akong napalaki ng mata dahil sa narinig ko, pasimple akong pumasok sa cubicle na pinasukan ko kanina atsaka ako umupo sa bowl at nakinig sa usapan ng mga Pawer Pakgirls.

Anong tsismis naman ang mga pinagsasabi ng mga babaitang 'to? May kababalaghan sa section namin.

'Mga Gago!'

"Really? What kind of kababalaghan? You mean may ghost na nagpaparamdam sakanila?" matinis na boses ng kung sino sakanila.

"Shunga! Wala, what i mean is may something na nangyayari sa Section E!"

"Be more specific kasi girl, ang gulo mo eh!"

"Something like what? Ano pa bang bago sa mga Section E bukod sa mga hot sila?"

'Aba nakuha pang lumandi!'

"Teh! Ang landi mo,isa ka pa eh, sabi nila may nakakita daw kila Raven and that transferee girl na nakapaibabaw sa isa't-isa!"

"Oh my god! Seriously? Nagsex sila?"

"I don't know? Maybe? Yun ang sabi nila eh?"

"Grabe ang landi pala ng babaeng yun!"

"Tss! Sinabi mo pa!"

Puta! At sinong nagsabing nags*x kami ni Raven at ng matusok ko ang mata at maputulan ng dila dahil sa mali-maling kwento ang ikinakalat niya. Mangtsi-tsismis na nga mali-mali pa!

At ako malandi! The hell with that, alam ko sa sarili kong maldita ako pero kailanman hindi ako naging malandi. Napayukom ako ng kamao at anumang oras ay pwede akong makasapak ng mga bitches, especially sa mga Pawer Pakgirls na'to!

"Of all places dito pa talaga napiling lumandi ng babaeng yan! Hindi na nahiya. Ano nga ulit pangalan no'n?"

"Danica yata?"

"Urgh! I don't care with her name, basta malandi siya, si Raven pa talaga ang tinarget niya!"

"Yeah right, anong klaseng higad ba siya at sobrang kati?"

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon