65 /Care/

12.2K 403 70
                                    


Daniela's POV

Isang linggo na ang nakalipas matapos kong malaman ang totoo. Lahat ng sikreto nila nabuyag na at higit sa lahat nalaman ko narin ang mga kasinungalingan nila saakin.

Gustong-gusto ko silang saktan isa-isa dahil sa tuwing naaalala ko yung mga timed na masasaya kaming magkakasama na masaya, na hindi naman pala. Hindi ko maiwasang magpuyos at sa tuwing naaalala ko yun ay napupuno ng galit ang puso ko.

I'm in the verge of pain and vengeance na gusto kong manakit pero sinasabi ng puso na gawin pero at the timed sinasabi ng utak ko na huwag dahil mali. Naisip ko na masama ang gumanti pero sa kalagayan ko ay hindi muna yun maiisip pa.

Yung feeling na ang tanga-tanga ko dahil sobra na akong nasasaktan at nadudurog pero wala parin akong magawa kundi hayaan nalang.

Sa isang linggong nakalipas ay naging depressed ako. Gabi-gabi ako umiiyak, walang ganang kumain, walang sapat na tulog at higit sa lahat feeling ko wala akong kwenta, yung nasa punto na ako ng buhay ko na ayaw ko na.

'Yung gusto ko ng tapusin ang lahat'

Maswerte na siguro ako dahil hindi natuloy yun. Doon ko na-realized na kapag nangyari yun ay mga tao akong maiiwan, yung mga taong tunay na nagmamahal saakin, yung totoo nagpapahalaga saakin.

Naisip ko sila Kuya, Mommy at Daddy. Napaka-selfish ko naman para tapusin ang buhay ko. Hindi ko naisip na nandyan pa sila para saakin, at yung mga kaibigan ko. Kasama na doon ang Section E kahit malaki ang pagkakasala nila saakin.

'I'll still considered them as my real friends'

Akala ko matibay na ako, akala ko kaya ko ng mag-isa, akala ko malakas ako pero akala ko lang pala lahat. Unti-unti kong tinanggap lahat kahit masakit at doon mas lalo akong naging mas matapang, matatag, at makasarili.

Pilit kong binago ang sarili ko at kinalimutan ko na ang dating mahinang Daniela na kilala ko. Ibang Daniela na ang makikilala nila ngayon. Mas matapang kumapara sa dating mahinang Daniela.

'More colder and fiercer'

Nakatayo ako sa loob ng banyo at hawak ang isang gunting, habang pinagmamasdan ko ang mukha ko sa salamin. Kitang-kita ko ang pagmumukha ko at lahat ng sakit na naramdaman ko.

"Magmula ngayon ibang Daniela na ang makikilala niyo..." malamig kong bulalas sa sarili ko.

Malakas akong bumuntong hininga atsaka ko inalis ang pagkakatali ng buhok ko at dahan-dahang lumugay ang mahaba kong buhok. Paninindigan ko ang pagbabago ko at sisimulan ko yun sa itsura ko.

Mabilis kong hinawakan ang buhok ko at walang sabi-sabi kong ginupit ang buhok ko. Kitang-kita ko ang itsura ko sa salamin kesa sa dating Daniela. Yung ga'bewang kong buhok ay nagupit na at hanggang leeg nalang ang haba.

"Infairness ang ganda ko parin." taas kilay kong sabi and i put a radiant red lipstick.

Pagkalabas ko ay nagulat naman sila Kuya sa pagkakita sa bago kong itsura.

"Woah! Woah! Daniela ikaw ba yan?" kunot noong tanong ni Kuya Yoseph.

"You literally changed your appearance huh!" sabi naman ni Kuya Joseph.

"Of course! Ganda ko ba?" confidence kong tanong.

"Naks! Hindi lang itsura mo ang nagbago, pati rin self confidence ah." asar ni Kuya Yoseph atsaka ako inakbayan.

"Parte ng pagbabago ko. Ano pa ba!" sabi ko.

"Daniela, advice ko lang sayo na hindi porke gusto mong magbago ay literal mo naring babaguhin ang ugali mo. Alam namin ni Yoseph kung gaano kang nasaktan, sana maging rason mo yun para maging matatag at hindi magbago ang ugali mo." makahulugang bulalas ni Kuya Joseph.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon